"Ano? A-anong farewell?"
at pagkatapos kong banggitin ang mga salitang yon bigla nalang akong nahulog. . .
~~~
Chad's Point of View
"Chad?" Si Azul. Ang nagbigay ng kwintas kanina kay Claudette. Tinignan ko siya.
"mukhang naging mahalaga siya sayo ah." ngumiti ako at inalala ang mukha niya. Ung mukha niya pag nabibigla.
"Oo. Naging mahalaga siya. Sobra. Sobra Azul." sagot ko.
"Haha. Pagpapahalaga sa tao ang nagpahulog sa quirk stairs na naging isa sa atin. Wag ka sanang matulad sa kanya." si Art ang tinutukoy niya.
"nakita ko si Art. Nakita ko siya at kasama niya si Maryel" banggit ko na nagpababa ng ngiti niya na may halong pagkabigla.
"Maryel na pala ang ngalan niya."
mukha sa labis na pag-ibig ay nagawa niyang lokohin ang isang normal na tao lang..
naging mapusok lang si Art noon. At hangga ngayon marahil.
"Mananatili ba yung kwintas kay Claudette?" tanong ko.
"Oo, magiging kanya na yon. At lahat ng kapangyarihan niya ngayon ay nasa iyo na. Dagdag lakas na iyan sa iyo. Makakalipad ka na uli. " nakangiti niyang sabi.
Ang paglipad. Tama. Ang kalahati ng kapangyarihan ko noon.ay binigay ko sa kanya kaya hindi ako.nakakalipad.
"sige Azul. May babalikan lang ako." paalam ko kay Azul at inilabas ang pakpak kong singputi ng mga ulap pag maaliwalas ang panahon.
"Mag iingat ka Chad" sabi niya saka ako ngumiti.
Pupuntahan ko si Sagi. Kailangan ko nang tanggapin ang kapalit ng pagbalik ni Claudette sa lupa.
Naging mabilis lamang ang aking paglipad. Natanaw ko ang pugad ni Sagi. At doon ako bumaba.
"Sagi?" tawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot.
"Sagi?" tawag ko ulit ngunit wala pa din.
"Chad! Akala ko ay di ka na babalik." masaya at pagkanerbyos ang aking nararamdaman. Gusto ko mang yakapin ang aking kapatid ngunit di ko magawa. Ilang beses ko na siyang dinalaw dito ngunit pilit niya akong tinataboy. Pero ngayon. Makakasama ko.na ang kapatid ko... Pero mawawala naman ako.
"O-oo naman. Sinabi ko namang meron akong isang salita." sabay hakbang papalapit sa kanya.
"Kaya pala naging anghel ka at ako ang natapon dito sa quirk stairs." biglang lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.
"Naging maramot ako sa pag uusap na gusto mo. At masasabi ko pinapabalik na ako sa taas. Kaya gusto kong samahan mo ako." medyo may gumuhit na ngiti sa kanyang labi na labis kong ikinatuwa."Sabay na tayong lumipad palayo dito." sabi pa niya.
inilabas niya ang kanyang mga pakpak na unti unting nagiging singputi ng niyebe.
"May papalit na sa akin dito Chad" nakangiti pa din siya.
"s-sino?" baka kase ako ang papalit sa kanya.
"Bayad na ako sa mga kasalanan ko. Kaya ayun. May bago ng mamumuno sa kalamigan ng Yelo. At walang iba kung hindi si Almeyre"
A-almeyre?
"Oo siya."
ah...
nakakalungkot naman at meron nanamang makukulong sa quirk stairs.
" Tara na Chad. Ako naman ang dalhin mo sa taas. Namiss ko na sina Azul"
"Tara na Sagi!" masigla kong sabi saka kami lumipad. Kahit nakakalungot na may bago nanamang napadpad sa Quirk stairs. Pero dahil kasama ko na ang kapatid ko. Masaya na din ako. Sana maging si Claudette. . .
~
sa lupa. Sa kuwarto ni Claudette.
Claudette's Pov
"hmmm..." minulat ko ang mata ko.
Teka. Anong oras na ba? Tumingin ako sa wall clock ko
8:30
December 28 20xxhay nakatulog ako? Teka ano ba ung huli kong ginawa? Tas puro papel pa rin naman ang nasa desk ko. New year na pala niyan. Dalawang araw nalang. Pano ko naman ice-celebrate un ng ako lang?
Hay bahala na nga. Pero parang gusto ko manood ng fireworks. Parang ang saya titigan ng langit!
Teka? Whats happening? Why I feel like I want to see the sky? The fuck? I just overslept last night ang now. Wow.
hay. Bahala na. Magg-grocery nalang muna ako siguro. Pumunta muna akong banyo para makaligo.
Pagpasok ko ng banyo tumingin ako sa salamin at ang nakapagtataka may suot akong kwintas na may bilog na pendant. Hindi ko alam pero nangiti ako. Ewan ko. Parang ayoko na siyang alisin sa katawan ko. Anyways bakit parang ang weird and light ng pakiramdam ko ngayon? Did I miss something last night? Ugh! I cant remember.
~"asan na ba yung notebook ko? Kailangan.ko.munang ilista ang bibilhin ko." hinanap ko ung notebook ko pero di ko makita. Hay. Nandun pa naman ung ibang notes ko. Ang saklap naman.
Umupo muna ako sa kama ng may naramdaman akong parihabang matiga at viola! Ang aking notebook.
Binuksan ko ito at...
may mga notes. Binasa ko. At first I thought its a bad short story to write but no. My heart is Captivated by its setting. At mas nagulantang ako ng may lalaking may pakpak sa likod ng notebook at iba pang drawings. Ako ang may gawa nito dahil may pirma ko at may note pang kasama. Doon sa may lalaki. Ang nakasulat.
"Si Chad na ang hangad ay kabutihan. He's very optimistic and caring."
.Maybe He's just... A part of my Imagination..
~
-Jeppies Ang tagapagsalaysay.-
naging sikat ang maikling kwento na ginawa ni Claudette at binigyan niya ito ng titulong "Hello Angel" na naging mini break niya at nagpatunay na isa siyang magaling na manunulat. Pero napapaisip pa rin siya kung bakit pamilyar ang lahat. Kagaya ng inaasahan. Naging masaya na siya at tuluyan ng nawala ang kanyang phobia... Sa langit naman naroon si Chad, Sagi at Azul na nagkukulitan. Masaya na sila kaya ayun. Happy na ang lahat.
-End-
(halloo!!! Jeppies is heyr. Omahgash. Salamat sa inspirasyon Mah fuwend Chicken! Kahit di mo alam. Haha. So ayern. Babye muna for the mean time. Pasukan na kase. Mga Jeppiesians~ kaya eto haha. Maraming salamat sa pagbabasa. Sa sususnod uli. Paalam~ :*)
BINABASA MO ANG
Astrophobia: fear of stars or celestial places
FantasíaAstrophobia: fear of stars or celestial places |Phobia 02| I am scared of something. so I always try to prevent them. but they are so many. that's why I have to hide. I have to have that wonderful night. without those. so I'm going to isolate my sel...