CHAPTER 20 - COMPETITION*

500 6 0
                                    

 ************************

Jonas’ POV

Isa na to sa mga pinakahihintay kong pagkakataon ngayong college life ko. I wanna maki this game more memorable for my basketball career. Gusto kong manalo ang team naming, para rin ito sa hirap at puspusang pagtuturo ni coach. This is payback time.

Kumpiyansang-kumpiyansa akong mananalo kami ngayon. Gagawa ako ng history.

Oo nga pala, may napapansin akong kakaiba. Kahapon ko pa nahahalatang tahimik pareho sila Kathrice at Mabelle. Very unusual yung mga ganung pangyayari ah? Lalo na sa dalawang yun na lalagnatin ata kapag hindi nakapag-ingay. Nakakapagtaka talaga. Para silang naubusan pareho ng masasabi at tahimik na tahimik sila simula kahapo. Hmm. Ano kauang meron?

Relax na relax lang ako. Kanina bago maligo, habang naliligo, at pagkatapos maligo- pasipul-sipol lang ako. Pati ngayong magsisimula na ang laro. Feeling ko ang gaan-gaan lang.

Alam ko na ang kalalabasang resulta ng larong ito. Sabi nila halos taon-taon naman ganun na talaga ang resulta kaya baka hindi na rin kami mahirapan pa ngayon.

Hindi kami sumabak sa halos patayang training para lang matalo ngayong taon. Hindi ko hahayaang mauuwi lang sa wala ang lahat ng paghihirap namin. Nakipag-shake hands kanina ang magkabilang panig. Mukha naman silang mababait. Ngumingiti pa nga sila sa amin kahit na alam nilang matatalo na sila eh. HAHAHAHA. Kanina pa ko napapalingon sa crowd. Kanina pa ko may hinahanap. Kanina pa ako nagbabaka-sakaling makikita ko sa mga taong nandoon ang isang pamilyar na mukhang buong buhay kong kasa-kasama. Kaso, kanina pa din ako walang nakikitang kathrice doon. Hindi ko siya mahagilap. Kahit nga sa area ng mga kalaban tinitignan ko siya, baka naliwag siya dun. Kaso wala talaga eh. Dati, hindi niya pinapalampas ang ganitong mga laro ko. Hindi siya nagpapalampas ng pagkakataon para i-cheer ako. Gusto niya lagi siyang makakapanood. Pero tignan mo ngayon- wala akong masuyod na Kathrice mula sa mga nanonood.

Sobrang occupie na ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano pa ako magko-concentrate sa laro ko ngayon.

Bakit ba masyado kang apektado, hindi lang nanonood si Kathrice ngayon eh?

Muntik ko ng hindi masalo yung bolang ipinasa sa akin ni Flyde pero naayos ko naman.

Handa n asana akong mag-lay up nang banggain ako ng player number 12 ng kabila na si John Carandang. Obvious na foul yun ah?! Nang tignan ko siya ay malayo na ang itsura niya sa naka-ngiting lalaki kanina.

                    “Oy foul yun ah?!” sigaw ng mga schoolmates namin.

Nagpatawag na ng time-out si coach.

                    “Focus, Villamor! Focus!” pasigaw na sabi ni coach.

Mukhang nagkamali kami kanina! Patayan pala ang mangyayari sa gym na to ngayong araw! Takte naman!

Bigla-biglang susulpot tong Kathrice na to sa isip ko kung kalian naman kailangang-kailangan kong mag-isip ng dapat naming gawin para hindi matalo ngayon sa game na to.

Pag-isipin mo muna ako Kathrice! Hindi ka pupunta-punta dito tapos puputaktehin mo isip ko ngayon.ibang klase ka talaga! Pwede bang mamaya ka na Kathrice?!

Ano ba Jonas, bakit ngayon ka pa nagkaganyan?

                    “Coach, mukhang madugong laban ang magaganap ngayon ah?” sabi ni Jermi bigla.

                    “Kailangan nating mag-ingat. Mukhang hindi na sila basta-basta papatalo ngayon. Mukhang hindi na sila papatalo.” Seryosong sabi ni coach.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon