CHAPTER 38 - HEY, MANILA*

350 6 2
                                    

***********************************

Mabelle's POV

 

                    "My gosh?! Balak mo na ba kong patayin, Jonas?! Agad-agad? Wala man lang warning, warning? Wala man lang 'The Final Countdown'? Tapos ano? Itatapon mo na lang ako bigla sa ilog? Nakabalot sa sako at aalis ka na lang para maitago ang kasalanan mo? Tapos case closed na?" dire-diretso kong sabi kay Jonas.

Yeah, yeah. Ang drama ng dating. Gusto ko na ngang matawa sa pinaggagawa ko kaso sira na ang actig pag tumawa na lang ako bigla.

Pero nakakatawa kasi talaga si Jonas eh.

Diretsong-diretso ang tingin.

Nanlalaki ang mga mata.

Sunud-sunod ang paglunok, at pinagpapawisan ng super-duper.

Teka-- baka naman susuka siya?

                    "Huy?!" pukaw po sa kaniya at ikinaway-kaway yung kamay ko sa mukha niya.

Anyari?

                    "Ang drama mo." sabi ni Jonas pagkatapos niyang magbalik sa katotohanan.

'Ang drama mo'? Yun lang? Period?

                    "Oy ah? Sino kaya sa atin ang madrama? Ikaw nga tong punum-puno ng kadramahan sa katawan eh." kontra ko sa kaniya.

Hay naker, maya-maya mambu-bwisit na naman tong lalaking to.

Dapat nga siguro hinayaan ko na lang siyang nakatulala.

                    "Duh? Pati nga ata buhok mo sa leki-leki  puno ng kadramahan no." duktong ko.

Hay nako mga sister, pasensiya na ha?

Pagtiyagaan niyo na muna ang mga reklamo ko sa earth dahil ako ang naka-schedule na magka-POV today.

Alam kong nami-miss niyo na ang bruhang si Kathrice, pero wala pa kaming balita ulit sa kaniya. Well ako lang pala at si nanay Tina ang nagkakaroon ng balita sa kaniya.

Alam niyo naman, masyado siyang ilag kay Jonas.

Tsaka alam niyo naman kung anong trip sa buhay nun. LU-LI (lulubog-lilitaw)

Kaya chill-chill lang mga kapatid :)

At alam niyo ba mga bakler?

Feeling ko talaga pagod na pagod na kong dikitan tong si Jonas.

Hello? 10 years kaya binuryo ko sa kadidikit dito.

Alam ko na tanong niyo: Bakit ba ko pumayag sa gusto ni Kathrice na bantayan tong Jonas na to?

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon