CHAPTER 3 - FRESHMEN YEAR*

858 7 1
                                    

************************

Kathrice's POV

                    "ACHOOOOOOOOOOOOOOO!"

Takte, nakakailang bahin ka na ba ngayong araw, Katrina?! Nakakairita na (-______________-). Kasalanan 'to nu'ng kumag na lalaking 'yon eh! Kung hindi sana niya ko inaya na maligo sa beach, edi hindi sana ako peperwisyuhin ng ganito ng sipon na to. TSK!

                    "Katrina, tulungan mo nga muna ako dito."

Ay! kanina pa pala ako tinatawag ni nanay. Eh kasi naman, talagang nakakatamad bumangon kapag ganitong sinisipon ka, ang sarap humiga maghapon.

                    "Ano po 'yon?" tanong ko kay nanay nang makarating ako sa kusina.

                    "Kako, ipagtalop mo ako ng mga manggang hilaw habang niluluto ko ang alamang."

Ngayon ko lang napansin na parang ang daming nakahandang pagkain ngayon dito sa bahay. Fiesta ba? Malabo eh, noong isang buwan lang 'yun.

                    "Ahm, 'nay? Ano po bang meron at may mga pagkaing nakahanda?"

                    tanong ko kay nanay.

                    "Nag-aya kasi ng picnic si ma'am Rowena, para bago man lang daw kayo pumasok bilang kolehiyo eh, makapag-enjoy na muna." Napailing-iling na lang ako.

Kahit kailan kasi talaga, habang tumatanda si ma'am Rowena eh, lalong buma-bagets. Tinulungan ko na si nanay sa mga inihahanda niya. Mapapadami ako ng kain mamaya. Niluto ni nanay 'yung paborito kong pansit bihon, at saka may mangga pa. Tiba-tiba din. BWAHAHAHAHAHA! Bahala na mamaya. Wala namang figure na masisira sa akin kasi hindi naman ako tumataba. Ganoong ata kapag obrang stress na :))

                    "'Nay.."

Hala? Parang pamilyar ata 'yung boses?

O baka napa-praning lang ako dahil nami-miss ko na siya? HMPF! 'Di ko nga dapat siya nami-miss dahil siya ang may kagagawan kung bakit ako may sipon. Naman ksi!

                    "Dito anak." halalala? so hindi lang ako inaatake ng guni-guni ko?

Nandito talaga siya? (^____^)

Tse!

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi? Ang gulo ng buhay mo, Katrina!

Nakita kong pumasok na sa loob ng kusina si Jonas.

                    "Mmmmm, bango ah?" sabi ni kumag.

Ayan na, nakapwesto na siya sa harapan ng lamesa at parang ready to fight with the pudtraks na ang eksena.

                    "Nakakagutom ah." duktong pa niya.

Sus. Kailan ba hindi nagutom ang lalaking 'to? Pareho ata kaming may butas sa bituka at hindi kami mabusog-busog eh. Lumapit ako sa kanya habang tinatalupan ko 'yung pangalawang mangga.

                    "Lumayo-layo ka nga sa akin, Katrina at baka bigla kang masapian, masaksak mo pa ko."

Ay oo nga pala, naitutok ko sa kanya 'yung kutsilyo.

                    "Ayaw mo mu'n makakaharap mo na si San Pedro. Pero siyempre, 'di ka mamapasok dahil sa dami ng kasalanan mo." sabi ko sa kanya sabay tawa HAHAHAHA!

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon