CHAPTER 14 - FROGGY KOKAK*

561 5 2
                                    

*****************************************

Kathrice's POV

                    "Wala ka bang balak umalis, Katrina?" tanong sa akin ni nanay.

Ang sarap-sarap ng tulog ko eh, tapos bigla-biglang susulpot tong nanay ko.

ENEBENEMENYEN?

                    "Tanghali na aba? Daig mo pa ang buntis sa haba ng tulog mo. Maya-maya hapon na." duktong ni nanay.

Weh? Ang aga-aga pa eh. Wala pa kong balak bumangon eh.

Teka- anong oras na ba?

                    "Mamaya na, inaantok pa ko eh." sabi ko kay nanay.

                    "Susme kang bata ka. Akala ko ba may pupuntahan kang importante? Alas dos na, bata ka , oo."

ALAS DOS NAAAAAAA?!

Grabey! Gaano ba ko ka-late natulog at ganito katagal ang tulog ko?

Aray! Teka- parang pinupukpok yung ulo ko sa sobrang sakit.

Sobra naman to.

Teka, ano bang ginawa ko kagabi?

Isip, isip, isip.

Nag-paayos sa salon.

Kumanta sa bar nila Mabelle.

Uminom ng sandamak-mak na tequila.

Nakita si Jonas sa labas ng restroom.

Nahimatay.

Tapos..

Tapos...

Takte!!!!!!!!! (-________________-) Di ko na maalala kung anong nangyari pagkatapos.

Pinag-aralan ko ng mabuti yung sarili ko.

Okay naman na. Nakabihin na ko ng pambahay.

maayos naman na siguro ang naging buhay ko bago ako matulog.

                    "Ano bang pinaggagawa mo at tinatanghali ka ng gising ngayon? Anong oras ka na umuwi? Akay-akay ka pa ni amang- ano nga ulit yung pangalan nun?" tanong ni nanay.

                    "Steve po." pagtatama ko.

Naikuwento ko na si Steve kay nanay. Pero hindi ko naman sinasabi na may gusto yun sa akin.

Saka ko na iku-kwento, kapag nanliligaw na siya.

                    "Ewan ko naman ba sayong bata ka. Bakit inabala mo pa yung tao eh kasama mo naman ata si Jonas kagabi." sabi ulit ni nanay.

Opo nay, nandoon si Jonas pero kadikit niya yung tisay niyang girlfriend. Alam mo bang masakit sa damdamin yun? 

nasabi ko na lang sa isip ko. mahirap na, baka kung ano pang isipin ni nanay.

Para kasi sa kaniya, ang kaibigan ay kaibigan lang. Naiisip ko na nga ang sasabihin ni nanay kapag sinabi kong hindi na pangkaibigan o pangkapatid ang tingin ko kay Jonas at parang ganito o:

Lukaret kang bata ka! Bakit mo pinag-iisipan ng ganiyan yung bestfriend mo? Sabay na kayong lumaki at magkapatid na ang turingan niyo. Halos magkadikit na ang mga bituka niyo!

See? Me against the WORLD ang eksena ng pagmamahal ko sa kumag kong bestfriend.

Bakit kasi siya pa? Ang dami-daming lalaki diyan eh, BESTFRIEND ko pa?

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon