CHAPTER 47 - THINKING OF YOU*

207 2 0
                                    

****

Kathrice's POV

Nagising ako sa kanina pa katok ng katok sa pinto ng kwarto ko.

Ugh. Sino ba yon? Ang aga-aga namang mambulabog.

                    "Sandale!" sagot ko bago pihitin yung door knob.

                    "Good morning sunshine! Tara na!" masayang bati sa akin ni Mabelle.

Oh no. May mas i-o-awkward pa ba to?

                    "We-we-wait. Tara? Saan pupunta?"

                    "Edi aalis. Tara nga eh, silly. Nagpa-alam ako kay tita-- Mommy kung pwede ba nating masolo yung resort ngayon. Watcha think?" bibo pa ring tanong ni Mabelle habang nagwi-wiggle yung eyebrows niya.

Mommy..

Mommy..

Mommy..

                    "Wag mo ng pag-isipang tumanggi kasi hindi pwede. Sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo. Kaya mag-ayos ka na at aalis na tayo."

                    "Teka nga, bakit ba nagmamadali ka? Hindi naman malayo yung resort dito ah? Susunod na lang ako sa iyo mamaya--"

                    "NO! Sasama ka na sa akin ngayon. Bilis! Bilis! Bilis!"

Haaaaay.. Bakit ba hindi awkward sayo to, Mabelle? Ibang klase ka talaga.

                    "Okay sige, sandali, maliligo lang ako." paalam ko sa kaniya at saka kinuha yung tuwalya at saka dumiretso na sa banyo.

Habang nasa loob at naliligo...

                    "Matagal ka pa ba diyan, bakla?" tanong ni Mabelle.

                    "Ang O.A. mo ha? Kakapasok ko pa lang. Ano bang meron at parang ang bibo mo masyado ngayon? Excied na excited ka?"

                    "Wala lang. Syempre, hindi naman tayo masyadong nakapag-bonding nitong mga huling araw, kaya naisip kong magbonding na tayo ngayon. As in, now na. Ang saya diba?" kahit nasa banyo ako, alam kong abot-kilay ang ngiti nitong si Mabelle. Pero bakit ba parang normal lang sa kaniya to? Para bag walang malaking rebelasyon ang nangyari kailan lang? Cool na cool lang siya. Steady bets lang. yung totoo?

Ikaw lang kasi ang na-o-awkward-an.

                    

Pagtapos kong maligo, nagulat na lang ako kasi nakapag-empake na si Mabelle ng mga ka-kailanganin kong mga damit sa "bonding" na sinasabi niya.

Maya-maya lang ay nasa resort na kami at papunta na sa villa na tutuluyan namin. Bakit pa siya umarkila ng villa eh dadalawa lang naman kami?

                    “Mabelle!” narinig kong tawag ni Mark.

Mark? Nandito s Mark?

                    “Anong Mabelle, Mabelle pinagsasasabi mo? Matuto kang gumalang! ‘Tong bubwit na to.”

                    “We-wait. Mark? Andito ka?” maya-maya ay tanong ko at naguguluhan na ko sa mga pangyayari dito.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon