CHAPTER 37 - HELL-O MANILA!*

358 4 0
                                    

**********************

Mabelle's POV

                    "Huy Mabelle!" paggambala ng kung sino sa napakasarap kong tulog.

                    "Mmm?" tugon ko. Sobrang tinatamad pa ako para sa mga walng kakwenta-kwentang bagay na yan.

Utang na loob, kauuwi ko lang galing ng trabaho at malamang, iilang oras pa lang ang itinutulog ko, kaya please lang! Kaawaan niyo po ako.

                    "Gumising ka na!!" sigaw niya na agad kong ikinabangon sa higaan.

Anank ng tokwa?! Kumurap-kurap muna ako para makita ko ng malinaw kung sino yung hinayupak na sumira ng maluwalhati kong tulog. Bweset!

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon.

Syet, Kathrice, bumabalik na sakin yung mga pambu-bwisit ko sa'yo dati. ♪♪ It's all coming back, it's all coming back to me nooooooooow! ♪♪

                    "Jonas?! Anangtokwa naman eh! Maawa ka sa tulog ko!" tumingin ako saglit sa orasan, "Seriously? Alas sais pa lang ng umaga!" nayayamot kong sabi sa kaniya.

Kahit kailan talaga tong Herodes na to!

                   "Yun na nga eh, alas sais na. Bilisan mo at pupunta na tayong Manila." cool na cool na sabi ni Jonas habang paikot-ikot sa kwarto ko.


                   "What are you? Five? Bakit ba kailangan mo pa ng kasama? Namumuro ka na talaga ah." tinatamad ko pa ring sabi, pagkatapos ay humiga ulit ako at ipinangtalukbong ko sa mukha yung unan.

                    "Bilis na kasi. Pumayag ka naman na sumama sa Manila branch dati diba? Kaya bumangon ka na diyan." pagkasabi niyon ay hinigit niya yung unan sa mukha ko pero hinigpitan ko ang hawak para hindi niya matanggal.

            "Nagbago na isip ko. Takte, akala ko naman kasi hindi ganito kaaga yang pambubulabog mo. Maawa ka, kauuwi ko lang kaninang 2 o'clock!"

Nauurat talaga ako. Pinagsisisihan kong pumayag talaga ako sa gusto ni Kathrice.

Pero ewan ko ba sa babaeng yun, tinalikuran na siya't lahat ni Jonas dati pero siya pa din ang iniisip niya.

Eh paano kaya ngayon? Si Jonas pa din kaya?

                   "Dali na, kiilitiin kita. Sige?" banta niya. 


                    "Sige lang, wala kang mapapala, wala akong kiliti diyan, unags!" hamon ko din sa kaniya. Kala naman niya?


                    "Ah ganoon? Edi aapakan ko na lang tong malaki mong teddy bear." banta ulit niya.

Napabangon ako agad dahil doon.

Hawak na niya sa tainga yung teddy bear ko, tae! Bakit ba kasi sinipa ko yun kanina? Ayan tuloy napakelaman na ni Jonas.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon