CHAPTER 7 - FIRST HEARTBREAK*

673 8 0
                                    

******************************

Kathrice's POV

 


Eh ano nga naman bang ginagawa ko dito?

Para akong timang na nag-aabang sa may bintana ng bahay namin.

Nakadungaw sa labas na parang may hinihintay na dumating na grasya.

Parang Juan Tamad lang ano po?

Ang kaibahan lang ay- si Juan, nakahiga.

Ako nagmumukmok dito sa loob at nakaabang sa may bintana.

Para akong batang naghihintay ng pasalubong galing sa Dunkin' Donats o Jollibee man.

O khit na anong nakakaexcite kainin.

Hawak ko 'yung gitara ni Jonas. Eh ano nga bang gagawin ko't hawak ko 'to?

Baka gagamitin mong panluto. Sabi ng isang parte ng utak ko.

Ay baka nga. Try mo?

Tse!

Makalabas na nga lang muna ng bahay. Pero saan naman ako pupunta?

Samahan ko kaya sila manong du'n sa may kanto? Maki-toma din kaya ako?

Gaga! Baka naman gusto mong bambuhin ka na talaga ng tuluyan ng nanay mo?

Eh sabi nga kasi diba?

Mabisang panlinis ng sugat ang alcohol- sa madaling salita- kapag broken hearted ka, tumoma ka!

Kailan ka pa natutong magganyan, Katrina?

Sus! Pa-anghel pa kunwari- eh nagpapatayan nga kayo ng BESTFRIEND mo sa pag-inom 'pag pareho kayong libre diba? Kaya pag binambo ka ng nanay mo, ituro mo si  Jonas, siya ang salarin!

Now, where was I?

Ayun nga! Kasalukuyan na kong lumalabas ng bahay at magpapahangin muna. Siyempre, dala-dala ko pa din 'yung gitara. The best kaya ang magsenti kapag ganitong malamig, tapos broken hearted, tapos..

Ayun lang pala HAHAHAHAHA!

'Di pa naman sobrang gabi, pero bakit ang lamig-lamig naman ata?

Sus! Lamig lang! Lamig-lamig sobra na 'yun. Okay, para na kong timang.

'Di kaya may mumu?

Halalalala?  (-_____________-) naman kaseeeeee.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon