CHAPTER 43 - TITA'S 77TH BIRTHDAY*

183 3 0
                                    

****

Kathrice's POV

Naglilipat kami ng gamit. Since gusto kong ipaayos yung bahay namin, at pa-upahan na din kapag aalis kami ni nanay. Nalaman iyon nila ma'am kaya nag-prisinta sila na doon muna kami sa mansiyon nila tumira. Ewan ko nga lang kung nasabi na ni ma'am Rowena yon sa anak niyang si Jonas. Mamaya, baka magulat na lang yon at nandoon kami ni nanay na may dala-dala ng mga gamit.

Ayoko nga sana kaso wala naman akong magagawa dahil gusto ni nanay.

Kaya heto, nag-aayos kami ng mga gamit na dadalhin namin sa mansiyon. Ang awkward lang? Hindi pa nga ulit kami komportable sa isa't isa ni Jonas tapos magsasama-sama naman kami sa iisang bubong lang?

AWWWWKWAAAAARD.

                    "Oh hi! Mabuti naman at nandito na kayo. Tuloy, tuloy." bati sa amin ni senyora. Hinintay niya pa kaming makarating. Nakakahiya naman.

                    "Maraming salamat po ma'am Rowena at pinatuloy niyo kami dito. Hindi naman po magtatagal dahil ipinapaayos lang iyong bahay." magalang na sabi ko.

Hindi naman po magtatagal dahil ayokong i-prolong ang awkwardness samin ni Jonas.

                    "It's okay. walang problema kahit tumagal pa ng taon, o mas maganda nga kung habang-buhay na kayong nandirito sa amin ni Jonas at Rodrigo. Mas maganda iyon." nakangiting sabi ni ma'am Rowena. Naguilty naman tuloy ako sa naisip ko.

Not a good idea nga po eh.

Anyways, andito na po tayo eh. Pangatawanan na lang natin.

Itinuro na sa amin ni ma'am Rowena ang magiging kwarto namin ni nanay. Nakakahiya namang talaga at binigyan pa nila kami ng dalawang magkahiwalay na kwarto,

Pwede namang magkasama na lang? Mag-nanay naman kami diba?

At tila nananadya pa dahil nandoon ako malapit sa kwarto ni Jonas.

Ano bang meron sa mga tao ngayon at ang lalakas ng trip?

Maya maya pa ay tumunog ag cellphone ko. Si Mabelle.

Ugh.. Bakit na naman kaya?

Hindi naman sa naiinis, kaya lang ay iniiwasan ko kasi talaga sila ni Jonas. Medyo natuwa nga ako na ewan nung nalaman kong lumuwas sa maynila si Jonas eh. Tapos kukulitin naman ako nitong si Mabelle. Yung totoo? Hindi ba pwedeng magkaroon ng personal space?

                    "Hello?" bati ko.

                    "Hello? Bakla! Asan ka Nakalipat na ba kayo ni madir?" tanong ni Mabelle.

                    "Oo. Nandito na ko sa bahay nila Jonas ngayon. Bakit?"

                    "Good! Nandito ako ngayon kasama sila tita Rowena. Tara dito sama ka samin mag-prepare para sa birthday ni tita bukas." aya niya.

Birthday?

Ay oo nga pala! Bakit ba nakalimutan ko yon? Bukas na nga pala yung birthday ni ma'am Rowena. Hala! Magagalit sa akin yun kapag nalaman niyang nakalimutan ko yung birthday niya.

Hay Kathrice.. Ano-ano bang mga isinasaksak mo sa kukote mo at nakalimutan mo ang birthday ni senyora? Yari ka.

                    "Huy Kath?!" tanong ulit ni Mabelle.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon