CHAPTER 21 - GIRLFRIEND #3*

572 4 0
                                    

 ***********************

Kathrice’s POV 

Nakita ko ang long-lost aunt ko sa side nila tatay. Ngayon ko lang siya nakita kaya tuwang-tuwa siya sa akin. Inaanyayahan nila ako sa kanila.

Natuwa din siya dahil nursing ang course na kinukuha ko.

Pwedeng-pwede daw nila akong isama sa ibang bansa.

Natuwa naman ako pero hindi ko alam kung paano na si nanay kapag umalis ako. Mayaman ang tita kong iyon dahil nakapangasawa ng amerikano- ayun, kaya asensado na.

Ang kwento niya pa ay may anak daw siya. Isa lang iyon at magkakasundo naman daw agad kami.

Gusto nila akong pag-aralin sa ibang bansa para lang daw masuklian ang pagiging mabuting kapatid ni tatay sa kanila. Kasama ko si Mabelle ng Makita naming ang tiyahin ko.

                    “Ano hija? Gusto mo ba?” tinutukoy niya iyung pagpapaaral sa akin sa ibang bansa.

                    “Gusto ko po sana tita, pero iniisip kop o si nanay eh. Tumatanda na rin po kasi siya at kailangan nan g makakasama palagi. Paano na lang po siya kung aalis ako.” Sagot ko naman.

Parang hindi ko naman ata kakayaning iwan si nanay. Kaming dalawa na nga lang tapos iiwan ko pa siya? Kawawa naman ang nanay ko.

                    “Nakausap ko na ang nanay mo hija. Naisip naman niyang makabubuti iyon sa’yo kaya pumayag na rin siya. At saka nasa sayo na daw ang desisyon.”  Sabi ni tita.

Pumayag na pala si nanay. Pero ano nga bang gagawin ko? Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya. Napatingin ako kay Mabelle.

Pero wala akong suggestion na nahita sa kaniya. Mukhang wala pa din siya sa kundisyon. Nagi-guilty na naman tuloy ako. Lumingon ako sa tito.

                    “Pagiisipan kop o muna, tita. Tatawagan ko na lang po kayo kapag nakapag-desisyon na ako.” Pinilit ko pang ngumiti.

Naunawaan naman ako ng tiyahin ko kaya nagpaalam na siya agad. Umuwi na din si Mabelle dahil hindi pa maayos ang pakiramdam niya.

Nagtuloy naman na ako sa gym para panoorin ang laro nila Jonas. Lagot ako dun kapag hindi ko napanood ang laro niya. Literal na kakatayin ako nun!

Nagmamadali akong nagpunta sa gym.

Time-out pala kaya medyo tahimik sa loob. Akala ko tapos na. napatingala ako sa malaking score board na nasa loob ng gym. Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw.

                    “You’re losing! Ang weak mo talaga Anastasyo!” oops!

No return, no exchange.

Napatingin silang lahat sa akin na parang may ginawa akong karumal-dumal na krimen.

What?

 Pero hindi ko  na dapat intindihin yun. Lalapitan sana ako nung player na may #4 sa jersey pero sumenyas ako at umirap sa kaniya.

Wala akong panahong makipag-pa-cute sayo. Nanonood ako ng laro ng bestfriend ko. Hindi ako nagpapa-istorbo kapag nanonood ng basketball, kaya sorry ka kahit gwapo ka.

Napakamot-ulo na lang siya.

Does a hot guy read minds too?

Nang tignan ko si Jonas- nakangiti na siya, malayo sa hindi-maipintang-pagmumukha ang ayos niya ngayon.

M.U. (matagal ng umaasa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon