Maaga ako nagising dahil papasok pa ang anak ko. Inayos ko naman ang gamit niya samantalang si Manang Nida ay nagluluto ng umagahan.
"Manang maaga po ako ngayon inuumpisahan na kasi namin yung project ng kliyente ko." Umoo naman si manang siya na daw bahala sa Anak ko. Pumunta ako sa kwarto ni Sam, para gisingin na siya.
"Goodmorning baby, tumayo kana diyan nak" tumayo naman siya at hinalikan ako at niyakap.
"Mommy bakit ang aga niyo?"
"Maaga si Mommy kasi tatapusin niya na ang work niya" nag okay naman siya.
Pumunta ako sa garahe ng bahay at binuksan ang gate hindi ko na naasikaso si Sam dahil nagmamadali na rin ako. Sumakay na ako sa sasakyan ko, at nagmaneho papunta sa location ng gagawin na building. Oo marunong na ako mag maneho ng sasakyan, pati bike hahahaha Kinaya ko ng kahit wala ang tulong niya saakin. Its been 5 years na buti naka move on na ako dahil kung hindi tatanda ako mag isa hahaha tyaka andiyan naman na si Sam sa buhay ko. Nakarating naman ako sa location na gagawin, pumunta ako sa mismong may ari ng nagpapagawa saakin. Pinapunta naman ako ng secretary niya sa office niya.
"Good morning! Veronica Castro" nakipagshake hands naman ako at umupo sa upuan.
"Good morning too Mr. Bernabe" binigay ko ang mga design at plano ko para sa magiging building niya.
Tinignan naman niya ang mga plano ko at design sa building niya.
"Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang pinili ko" ngumiti ako ng matamis sakanya bilang isang architect kailangan ko rin sila mapa wow sa gawa ko.
Lumabas naman kaming dalawa sa mini office niya at tinignan ang lupang gagawin. Medyo malawak ang lupa.
Habang naglalakad kami ay tinanong naman niya ako.
"Gusto mo bang mag kape muna sa labas?" Napangiti ako syempre dapat mabait ako sa mga kliyente ko.
"Trabaho ang pinunta ko dito Mr. Bernabe" inayos ko ang blouse ko.
"Puro ka nalang trabaho Veronica"
Alam ko naman na may gusto ito saakin pero trabaho ang pinunta ko dito. Ayaw ko rin naman makipag landian kung sino sino. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko samantalang na naka sunod naman siya saakin. Pero bago ako maka punta sa loob ay may sinabi ako ng ikinalungkot niya.
"Mr. Bernabe,I have a daughter that's enough for me"
Nagdrive naman ako papunta sa company ko. Oo company ko, medyo malaki kasi ito. Sila ang tumutulong saakin if ever gusto nang mga kliyente ko ang mga furniture namin. Pati Artista ay nagpapagawa na rin saakin ng mga magagandang design ng bahay nila. Nagkaroon na rin ako ng sarili kong mazagine. Naging sikat akong architect dahil may inspirasyon ako kundi ay si Sam lang. Pagdating ko ay binati naman ako ng mga kasamahan ko. Pumunta naman saakin ang secretary ko.
"Mam, Pumunta po si Mam Stacey dito" napabuntong hininga naman ako dahil sa kakulitan ni Stacey na mapunta ako plano niyang mag tayo ng Coffee Shop.
"Hayaan niyo siya" nag okay naman siya at pumunta na ako sa Office ko.
At dahil wala naman akong magawa eto ako. Nag checheck nalang ako ng mga kailangang pirmahan. Bigla naman pumasok ang isa sa mga nagmamanage ng kompanya na ito pag wala ako.
"Mam, Andiyan na po yung mga imported na mga kagamitan galing sa ibang bansa" napa roll eyes nalang ako sa kagaguhan ni Leo.
"Sige punta ako mamaya para tignan ang mga gamit. And please kumatok ka naman next time"nagsorry naman siya dahil nagmamadali daw siya.