Matapos mag turo ni Alex ay pumunta kami nila Sam sa Airport para sunduin Gab. Nagtext naman si Nica na nasa Pinas na daw siya. Gaga talaga yung babaeng yun, hindi man lang kami ininform na naka uwi na. Kaya sumunod nalang siya sa Airport para salubungin ang nag iisa naming bakla. Habang nag hihintay kami itong si Sam nagpasama mag C.R. kaya pumunta naman kami sa comfort room. Habang umiihi siya may narinig akong umiiyak sa labas sinabi ko naman kay Sam na nasa labas lang ako. Nakaka awa naman siya kaya nilapitan ko at pinapatahan na sa pag iyak
AXELL P.O.V
Limang taon rin kaming nawala ni monica sa pilipinas,kaya heto kami sa Airport kakarating lang namin para umattend sa Reunion at Ininvite rin ako ng isang mayaman na lalaki na maging bahagi sa coffee shop na gagawin ko. Pero nawala agad ang anak kong lalaki. Pumunta naman si Monica sa nag papage-ing. Habang hinahanap ko ay napadpad ako sa C.R. nakita ko ang anak ko na umiiyak pero may kasama siyang babae na medyo kasing edad namin. Pinapatahan niya ang anak ko, pero parang kilala ko siya..... Dahan dahan akong lumapit sakanila parang bawat hakbang ko ang bigat bigat. Pero parang imposible dahil mas mahaba ang buhok niya at may kulay pa ito. Nang malapit na ako pinupunasan niya na ang luha ng anak ko. Pero mas lalong lumakas ang kutob ko ng magsalita ang babae.
"Don't cry na" parang bumalik ang pagsisi ko sa lahat alam na alam ko ang boses na yun. Chance ko na para makita siya pero sinabi ng anak ko na nakita niya na ako.
"Nakita ko na po si daddy" tumakbo naman ang anak ko saakin. Lilingon na sana ang babae saamin ng may lumabas sa C.R. na isang batang babae.
"Mommy, Im done na" kamukhang kamukha ni Ivy ang bata parang isang anghel na bumaba sa langit. Pero imposible talaga na si Ivy ang babaeng kumausap sa anak ko. Naglakad naman sila palayo saamin.
"Keoh sino yun?" Habang buhat buhat ko siya pabalik sa pwesto namin.
"Daddy, yung girl kanina ang bait. Niyakap pa nga ako e"
Nang makarating kami sa pwesto namin ay niyakap ni Monica si Keoh.
"Baby sa susunod huwag kanang lalayo saamin ni daddy mo ha!"
Napagdesisyonan namin kumain sa labas bago umuwi sa bahay namin. Pagkakataon ko na rin na makita siya tutal harap lang namin sila ng bahay. Palabas na kami ng Airport ng makita ko si Gab, Alex, Nica at Yung babaeng nakita ko kanina na hanggang ngayon hindi ko parin siya nakikita. Lalong nagiging tama ang hinala ko. Lalapit na sana ako ng makita nila ako at nanlaki ang mata na parang nakakita ng multo. Bigla nilang hinila yung babaeng naka usap ni Keoh.
"Okay ka lang?" Tanong ni monica saakin.
"Oo, okay lang ako" sabi ko naman sakanya.
"Saan tayo kakain daddy, mommy?" Tanong ni keoh saamin. Nag usap naman ang mag ina samantalang iniisip ko yung kanina. Bakit parang magkaibigan na sila Gab, Alex at Nica? Saan na si I.C.?
IVY P.O.V.
"Alam niyo pagsasampalin ko kayong tatlo kanina niyo pa ako hinihila si Sam naiipit na sainyo" tinignan ko naman sila isa isa mukhang kinakabahan na ewan kaya lumingon ako sa katulad ng ginagawa ni Gab.
"Gab sino ba tinitignan mo?" Tanong ko naman sakanya. Ngumiti naman siya saakin.
"Naghahanap ako ng Fafa hahaha" umoo naman ang dalawa. Ang weird nilang tatlo sa totoo lang.
"Tara na nga kain na lang tayo, Libre ko" napa Wow naman kaming tatlo nila Nica at Gab dahil minsan lang ito manlibre saamin kaya susulitin na namin hahaha.
Habang nasa biyahe kami ay ako naman ang nag drive.
"Naks, Ang galing na mag drive dati pati bike hindi alam hahaha" natatawang sabi ni Gab.
"Gaga malamang,hindi naman habang buhay naka asa ako kila manong"
Habang nagdridrive ako sinabi naman nila saakin na kumain nalang kami sa S.M. at bibili daw ng idadamit namin.
Medyo traffic ang daan kaya kinukulit nilang tatlo si Sam."Hi baby Gurl, Dati baby ka lang nung umalis ako ngayon ang laki mo na at ang ganda ganda mo pa.
"Thank you po ninang Gabbi" napangiti naman ako ng sinabi ko dati kay Sam na ang tawag niya kay gab ay Ninang Gabbi. Hahaha.
"Naku GURL ANG GANDA TALAGA NG PAGPAPALAKI MO SA BATA HAHAHA" tawang tawa naman ang tatlo samantalang kaming dalawa ng anak ko parang ewan hahaha. Pagkarating namin nag si baba kami sa sasakyan at napagpasyahan namin mag japanese food. Ewan ko trip namin kumain ng Japanese. Pumasok naman kami at itong sila gab huminto sinabi nila dito nalang kami umupo, gusto ko sana sa dulo kaso mukhang ayaw rin ni Sam.
Nag order naman kami itong si Alex ang daming binili sabi gutom daw. Nag picture naman kami bago kumain. Solve na Solve kami kumain hahaha. Itong si Sam busog na i take out niya nalang daw, pasaway inom kasi ng inom kaya nabubusog agad. Pagkalabas namin ay pumunta kami sa mga damit. Habang namimili kami ay pinost daw ni Nica yung picture namin sa IG hindi na kasi ako nag pipicture simula nung grumaduate kaming apat hindi na ako nag post. Pero nakikita parin ako sa mga magazines sa T.V. napapalabas kasi ang mga gawa kong mga building at mga bahay. Nakapili naman na ng damit si Gab at Alex kami nalang ni Nica. Sinamahan naman ni Gab at Alex si Sam mamili ng damit. Nakapili naman ako ng All white na damit. Nang isukat ko fit saakin, ang ganda, lumabas ako para makita nilang apat kung bagay saakin. Naglong dress naman si Alex at Nica, pag labas ko."Wow Vyyy! Level up na yang katawan mo ha" sabi saakin ni Alex.
"Halatang tumatambay sa Gym pag walang ginagawa hahaha"sabi naman ni Nica saakin.
"Beksss, bigyan mo naman ako ng tips para maging sexy huhu" pag mamaka awa ni Gab saakin. Lumapit naman saakin si Sam at niyakap.
"Mommy ang ganda mo po" nag thank you naman ako sakanya at niyakap.
AXELL P.O.V.
Pagkatapos namin kumain ay sa Japanese Food ay umuwi na kami dahil pagod na rin. Pagkarating namin ng bahay ay sumalubong saakin si Ate Cath kinausap naman niya si Keoh at si Monica. Lumabas muna ako ng bahay para tignan ang paligid. Limang taon akong nawala ilang beses na akong nag message sa email niya pero walang sumasagot. Naka blocked naman ako sa mga social account niya. Ang daming nag bago sa paligid, pumunta ako sa harap ng gate nila I.C. nang may tumawag saakin.
"Ikaw na ba yan Axell?" Napalingon ako sa likod ko ng makita ko si Manang Preska na nagtitinda ng isaw at fishball dito sa street namin suki niya kami ni I.C. dati.
"Manang Preska?" Lumapit naman ako sakanya at tinanong kung kailan ako dumating, sabi ko kanina lang.
"Bakit ka pala nandiyan sa harap ng bahay na yan?"
"Ahh manang gusto ko lang makita sana si I.C."
"Naku! Wala na sila diyan nasa america na ang mga ang pamilya niya naiwan lang si Ivy dito dahil may kumpanya siya na pinapatakbo pumunta sila dito last year may kasama na siyang batang babae." Sabi naman ni manang saakin.
"Manang alam mo po ba kung saan sila nakatira ngayon?"
"Alam mo yung malapit sa school niyo dati? Yung subdivision doon? Duon na sila nakatira" doon rin nakatira si Alex dati ha? Nung pumasok kami dati sa Village nila nahirapan kaming pumasok dahil tatawagan pa ang mismong bahay kung kakilala ang bisita.
"Osige manang salamat" pumasok na ako sa bahay dahil matutulog na ako, Wala na talaga akong pag asa na makita siya. Kahit makita ko lang siya kuntento na ako. Pumasok ako sa kwarto ko at nag open ng IG ko pag open ko nakita ko ang post ni Nica. Nagulat ako nang makita ko yung batang babae na C.R. kanina. Pero hindi ko makilala yung babaeng kanina dahil tinakpan ng bata ang mata niya at nakangiti lang yung babae. Pero imposible na siya si I.C. dahil mas maputi,sexy ito lalo na hindi nag lilipstick si I.C. natulog nalang ako dahil napagod rin ako sa araw na ito.
Author's Note
Naka ud na rin hahaha.
Vote and comment naman diyan huhuhu. Mag comment kayo itutuloy ko ngayon ang ud ko pag nag comment kayo ng " UPDATE"
-Ashe
@AsheGon