GMAMR Chapter 10

23 7 2
                                    




Hindi na ako pumunta sa bundok kung saan ginagawa ang coffee shop na pangarap ko noon. Kaya nag stay nalang ako sa bahay. Nakita ko naman si Ashe na may kausap sa cellphone, pagbaba niya ng phone ay kinausap ko siya.

"Oh anyare? Mukhang problemado ka?" Tumingin naman siya saakin.

"May problema sa kumpanya, kailangan kong bumalik sa New York para ayusin yung problema na yun" napa tango nalang ako.

"Kailan alis mo?" Sabay inom ko sa gatas ko.

"Bukas na bukas na"nangako kasi si Ashe na mamasyal sila bukas sa Baguio pero wala.

"Yung promise mo sa anak mo, sigurado ako na malulungkot yun" napa simangot naman si Ashe.

"Ipasyal mo nalang siya, para rin naman sa kinabukasan niya rin to" Simpleng tao lang si Ashe pero pag sa anak niya magiging super daddy siya para sa anak niya.

"Maghahanda na ako ng gamit ko. Ikaw ba pupunta sa meeting nila Sam?"tanong niya saakin.

"Oo e, mamayang hapon pa, hindi na ako pumunta ako sa trabaho ko dahil nagawa ko na yung design ko." Umalis naman si Ashe sa bahay dahil may pupunta siya kila Mommy Tes, ang nanay ni Ashe. Nagkasakit kasi ang bunso nila hindi ko pa nga nabibisita.

Kasama ko naman sila Manang Flora at si Manang nida naman ay sinamahan si Sam pumasok, Dahil half day lang sila. Habang nag luluto ng umagahan si Manang ay naka upo naman ako sa lamesa habang pinapanood ko siya nagluluto ng pagkain. Kinausap naman ako ni manang.

"Oh? Kamusta kana? Halatang pagod at nakafocus ka sa trabaho mo" napangiti naman ako ng kamustahin ako ni manang.

"Okay lang naman po. Ngayon lang lumuwang ang schedule ko e hahaha." Sabi ko kay manang.

"Alam mo ba dati, pag iniwan ka ng magulang mo okay lang sayo, pero bakit pag kay Axell iniwan ka sobra kang nasaktan?" Napatingin ako kay mang ng deretsyo. Pinatay niyabang niluluto niya at tyaka lumapit saakin. "Alam kong naging sobramg tigas na ng puso mo ngayon."sabay turo sa puso ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Hindi ko na napigilan ay yumakap na ako kay manang.

"Manang......ang sakit parin, ang sakit sakit. Yung tipong akala mo wala na, pero bumalik na yung sakit, galit at...... Yung pagmamahal sakanya. Pero ayoko na manang, may pamilya na kami. Alam kong mali pero manang naguguluhan na ako...."

"Alam mo iha, Tanggapin mo na masasaktan ka talaga, pag dating sa pagmamahal, Natanggap mo na na laging umaalis ang magulang mo, e si axell iniwan ka dahil yun ang gusto mo, ginawa niya yun para malaman mo na kahit masakit sakanya na iwan mo siya, ginawa niya para sayo. Galit ang nandito sa puso mo dahil laging nakatatak diyan na galit ka sakanya"

Tumigil na ako sa pag iyak, pero nakayakap parin ako kay manang.
Ang laki ko na pero bata parin ang ugali ko.

"Osiya mag bihis kana at may meeting sa school ni Sam"nakangiting sabi ni manang. Ngumiti rin ako kasi simula bata nakasama ko na siya at sobrang ang pasasalamat ko sakanya.

Habang nag aayos ako ay nakita ko ang picture namin ni Asheton sa gilid ng kama. Picture namin nila manang nila mommy at ng mga kupal. Ilang taon ng hindi umuuwi sila mommy. Matapos kong magbihis ay pumunta na ako sa school ni Sam. Malapit lang naman dito ang school nila sa village namin. Pagpasok ko ayun madami ng parents nakita ko naman si Alex na naghihintay pa ng mga magulang. Nakita ko naman si Sam at si Manang Nida na naglalaro sa school hinayaan ko muna silang mag laro.

"Woyy, pasok kana, mag sisimula na" sabi niya hahaha kahit kailan itong si Alex walang pinagbago hahaha bastos parin hahaha. Maka woyy akala mo hindi ako magulang pero dahil kaibigan ko tatawa nalang hahaha. Umupo ako sa dulo, pero malas nga naman ohh tumabi pa si Monica.

"Good afternoon"bati niya saakin na nang aasar. Hindi ko siya nilingon chin up lang ako, kunwari hangin lang siya.
Nag good afternoon naman si Alex saamin at nag discuss ng kung ano ano. Hindi ko naintindihan dahil sa pagpapapansin ni monica sa relo niyang mamahalin, natawa naman ako parang bata kung makipag yabangan. Sa sobrang inis ko dahil para bang pinagyayabang niya na mahal ang relo niya sa sobra kong inis pinakita ko ang bag ko na mamahalin na higit isang milyon ang halaga. Nanlaki ang mata niya sa bag ko. Hindi ko namalayan na tapos na mag discuss ai Alex. Ang bilis naman ng oras, tumayo na ako at tumayo na rin siya.

"Huwag kang mayabang monica, kasi ito pinaghirapan ko eh ikaw? Sa magulang mo?hahaha. May pamilya kana pero si Axell lang bumubuhay sa anak mo wow, kung ayaw mo matalo manahimik ka nalang" sabay alis ko sa pwesto ko at lumapit kay alex.

"Ohh badtrip ka nanaman hahaha, Nagpapansin nanaman ba yang isip batang monica na yan? Naku kung hindi lang ako teacher pinatulan ko na yan" nanggigil na sabi ni Alex.


"Kalma ka lang, tignan mo ako kalma lang hahaha" hinampas naman ako ni Alex ng folder hindi ko alam kung may nagbago ba sa dating alex o wala. Ganun parin kung humampas e may pitik hahaha.


"AYYYY VYY! MAY KWENTO AKO HAHA" huhulaan ko may gusto itong lalaki.

"Ano nanaman?" Nakangiti akong nanloloko. Hahaha.


"May bago kasing teacher dito sa highschool bukas pa namin malalaman kung sino hihihi" sabi na nga ba e.

"Tapos babae pala siya ne hahahaha" panira ko sa iniimagine niya at ayun hinampas nanaman ako ewan ko ba sa babaeng ito ang hilig manghampas.

Nagkwentuhan naman kami ni Alex sa Classroom naputol ang kwentuhan namin ng may tumawag saakin. Si Manang Flora lang pala.


"Bakit po manang? " bihira lang kasi ito tumawag saakin.

"Uwi kana may bisita kayo ngayon dito sa bahay." Nagtaka naman kami ni Alex bakit biglang may bisita ang bahay ko hahaha. Bago kami umuwi tinawagan namin si Gab at Nica na pumunta sa sa school at magbabake kami sa bahay, makalipas amg ilang minuto ay nakarating naman agad sila. Habang nasa biyahe kami ang daldal ni Nica, Gab, Sam sa sasakyan itong si Alex natulog muna sa biyahe dahil pagod pati rin si manang nida napagod ata sa pagbabantay kay Sam. Ginarahe ko naman ang sasakyan at pagpasok ko sa bahay isang sigaw ang nagpaiyak saakin.

"SURPRISE!!!!"

Niyakap ko ang mga magulang ko at ang mga kupals. Sa sobra kong iyak inasar nanaman ako ni kuya Math.

"Ang laki laki mo na iyakin ka parin, umalis na kami lahat lahat, nagbago kana pero iyakin parin hayss" niyakap ko nalang si kuya Math nakakamiss sila.

"Lalo kang gumanda anak"niyakap naman ako ni mommy.

"Huwag niyong bolahin tita, kaya lunalaki ulo e haha" sabi naman ni kuya Von kay mommy.

"HIIII TITAAAA"sabi naman nila Gab, Alex at Nica.


"Nandito rin kayo?"sabi ni daddy sakanila.

"Opo tito, hindi na namin iiwan itong dalawa sama sama na kaming apat haha"sabi naman ni Nica sakin.


"Hi tito, hahaha alam ko pong lalo akong gumanda hahaha" natawa nalang kaming lahat.


"Yuckkk kadiri"sabi naman ni kuya Ice kay Gab.


"Wow ha, makadiri ka naman, porket EX nalang kita" sabi naman ni Gab kay Ice.

"WOW KARIN MAS MAGANDA EX KO SAYO"sabi naman ni Ice.

"Atleast hindi flat ang dede hahaha"



"OPPPSSS TAMA NA YAN HAHAHA, ANG APO NAMIN NA SI SAM ANG GANDA GANDA NAMAN NG IHA NAMIN" sabi naman ni mommy.

Kinulit naman nila si Sam. At naghanda naman kami ng makakain namin ngayon. Sinamahan naman ako ni Mommy maghanda ng pagkain.

"Sabi kasi ni Asheton bago siya umalis bukas, dapat nandito na kami kasi alam niya na namimiss mo na kami, alam mo anak isa kang maalagang ina. Nakikita ko kung gaano mo kamahal si Sam." Napangiti naman ako kay mommy.



"Mom, Ang swerte ko kay Ashe pero bakit kahit anong gawin ko na mahalin siya hindi ko parin magawa"

"Kasi anak, may hindi kapa pinapakawalan kasi mahal mo pa" nakangiting sabi ni mommy saakin.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now