*After 2 Months*
AXELL P.O.V.
Dalawang buwan na ang nakalipas pero ganyan parin ang kundisyon ni Ivy. Maiiyak nalang ako sa tuwing nakikita ko siyang ganyan. Nandito kami sa park para magpahangin. Ngunit siya ay tumitingin lang siya sa kawalan. Sinabi ko naman na kumain muna kami ng lunch sa bahay nila pero ayaw niya kumain.
"Sige na, Kumain kana pleaseee." Pagmamaka awa ko.
"Wala akong gana" habang tinitignan niya ang mga batang naglalaro.
Ipinikit ko ang mata ko para pigilan ang sarili ko na huwag magalit.
"Nakakamiss siya" sabi niya ulit. Pilit kong hindi pinapansin ang mga sinasabi niya saakin. Kahit na nasasaktan ako, ganun naman diba dapat? Kung mahal mo mahal mo talaga, kahit paulit ulit kang nasasaktan.
"Bakit pa kasi siya nawa-" hindi ko na siya pinatapos ng kalampagin ko ang lamesa agad naman siyang nagulat.
"NAKAKASAWA, NAKAKAINIS! NANDITO NAMAN AKO, AKO YUNG NANDITO YUNG NASA TABI MO! NAIINIS AKO SA SARILI, KUNG BAKIT GINAGAWA KO YUNG BEST KO PARA BUMALIK KA! NAKAKA PAGOD NA INTINDIHIN KA PERO DAHIL MAHAL KITA PAULIT ULIT KITANG IINTINDIHIN! HARAP HARAPAN MONG IPAKITA SAAKIN ANG PAG KAMISS MO SAKANYA SAMANTALANG AKO HIRAP NA HIRAP NA!!" pinunasan ko ang mga luha ko, at tyaka umalis ng bahay nila. Habang naglalakad ako palabas ng bahay nila ay nakasalubong ko pa si Alex na papasok ng bahay nila. Hindi ko nalang siya pinansin at derederetsyong umalis, Hanggang sa dinala ako ng paa ko dito sa Park ng village nila. Mas maganda ang park dito kesa sa dating village na tinitirahan namin. Umupo ako sa swing at tyaka ipinikit ang mata. Nakakabakla naman umiyak kanina hiyang hiya ako doon a.
ALEX P.O.V.
"VYYYY! ANYARE?!"nakita ko kasi siyang umiiyak. Yun ang pangalawang nakita ko umiiyak siya pero itong luhang ito parang napapagod na rin siya, na parang nanghihina. "VYYY! NANDITO LANG AKO" sabay yakap ko sakanya. Tinawagan ko naman si Gab at Nica. Hindi na rin nakapagtrahabo si Ivy ng maayos, pasalamat nalang talaga at wala pa siyang kliyente sa ngayon.
"Ang tanga tanga ko....." habang umiiyak siya saakin. Tulala parin siya na parang hinang hina na. "Nagagawa kong saktan ang taong mahal ko ng dahil lang kay Ashe..." Hinagod ko naman ang likod niya at tyaka pimagsabihan.
"Alam mo vy! Tanga ka talagaaaa!!! Vovo mo besh! Bumalik kana nga sa dati para kang tanga. Si axell alam mo bang hindi siya uuwi hanggat hindi ka pa tulog, pinipigilan niya magselos para lang mapakain at maalagaan ka! Pero anong ginagawa mo? Umiiyak parin at laging tinatanong kung bakit ka iniwan ni Ashe. Ivy! Pahalagahan mo ang taong nasa paligid mo.."sabi ko habang inaayusan ko siya.
Nagulat naman ako ng parang nag uunahang tumakbo ang dalawa papasok.
"Ayy akala ko pa naman kung ano ng nangyare kay Ivy" sabi ni Gab habang hinihingal.
"Kung makatawag ka naman kasi Alex! Loka!" Sabi naman ni Nica habang hinahabol ang hininga niya.
"Syempre kailangan tayo ni mayora" sabay tingin ko kay Vy na nakatulala nanaman habang pinupunasan ang ang luha niya. Kailan kaba gagaling? Huhuhu namimiss ko na yung Ivy na galawgaw minsan at Ivy na matured kung tumingin.
Habang naglilinis kami ay nagpasama naman si Ivy saamin.
"Samahan niyo ako please!" Biglang nag iba ang ihip ng hangin ng makita namin na kinakausap na kami ni Ivy pero yung medyo nanghihina pa talaga siya.
"Saan?" Nakangiti naman ako sakanya.
"Hanapin ang taong nagmamahal saakin"this time nakita namin ngumiti si Ivy. Pero hindi parin kasing ganda ng ngiti dati. Agad naman kaming nag ayos at nag drive naman si Gab. Habang nasa biyahe kami plano naman namin na hanapin si Axell kung saan siya. Pumunta naman kami nila Gab sa kung saan nakatira dati sila Ivy. Haysss agad naman kaming nag doorbell, pinagbuksan naman kami ni Ate Cath ng gate.
"Ate Cath wala ng paligoy ligoy pa! Alam mo ba kung saan ngayon si Axell?" Tanong ni Ivy Agad naman siyang ngumiti saamin.
"Sabi niya saakin pupunta siya ng airport aalis daw siya e yung lang nasabi saakin" agad namang nagsibagsakan ang kanyang balikat ni Ivy ang bilis naman sumuko ni Axell. Agad kami tumalikod at sumakay ng sasakyan. Nakikita ko naman ang mata niyang puno na ng luha. Bigla namang umulan kaya napagpasyahan naman namin na iuwi nalang si Ivy. Pero ng makapasok kami sa village nila ay pinapahinto niya ang sasakyan pero patuloy parin siya sa pag iyak. Nakita naman namin yung park kaya iginilid namin yung sasakyan. Bumaba naman siya at nagpakabasa sa ulan.
AXELL P.O.V.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para magpa ulan. Kanina pa ako nandito pero parang ayaw ko parin na umalis dito sa lugar kung saan okay ako. Mula sa malayo may naaaninag akong babae na naglalakad papalayo sa sasakyan. Balak rin niya ata maligo sa ulan gaya ko. Papalapit siya banda saakin pero laking gulat ko ng makita ko si Ivy na naliligo sa ulan.
Agad siyang umupo na parang bata madami namang upuan diyan bakit pa siya nag stay diyan. Napailing nalang talaga ako paano kung wala ako baka walang mag aalaga sakanya.Agad akong lumapit sakanya nagtaka naman siya kung bakit may harang. Unti unti niyang ini angat ang ulo niya. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.
"SORRY AXELL! AKALA KO IIWAN MO ULIT AKO HUHUHU NAKAKATAKOT NA IWAN MO ULIT AKO, AKALA KO SAWA KANA KAYA IIWA-" natigil siya ng halikan ko siya sa labi at tyaka niyakap ng mahigpit.
"Kahit selos na selos na ako at kahit mainis ako hinding hindi kita iiwan kahit nakakapagod. Kahit ang daming taong naiinis sa salitang 'hindi kita iiwan' dahil alam ko na marami ng naloko diyan. Meron paring lalaking handang patunayan ang salitang 'hindi kita iiwan' hindi tulad ng iba" sabi ko habang yakap yakap ko siya. Agad naman siyang umiyak na parang bata agad naman akong napangiti ng umiiyak talaga siya e.
"Masyado mo nanaman ginagalingan huhu" agad naman akong natawa sakanya.
"Bakit? Masama bang maging sweet sa girlfriend ko?" Habang yakap yakap ko siya.
Agad naman nasi sigawan sila Gab, Nica at Alex sa loob ng sasakyan.
"MGA ULOL WALANG FOREVER!!" agad naman kaming natawa sa tatlo.
Babagsak na sana si Ivy sa sahig ng mahimatay siya buti nalang at nasalo ko pa. Kahit kailan talaga kung ano ang tapang tapangan mo may kahinaan ka parin. Agad ko naman siyang binuhat at nilagay sa sasakyan at dinala sa bahay nila.Okay na e kaso mahina talaga si Ivy. Pero masaya ako ng bumalik ang dating siya.