"SAM, tawagin mo na ang dalawa mong kapatid sa taas, aalis na tayo" utos ko. Alam ko na nagtatampo si Sam saakin. Labag sa kalooban niya ang sumunod saakin.
May gala ata kasi silang dalawa ni Keoh. Pero hindi ko siya pinayagan dahil linggo ngayon. Family day tuwing linggo. Alam ko na may namamagitan sa kanilang dalawa, per hinayaan ko at hinihintay na umamin silang dalawa.
"Malungkot parin?" Tanong saakin ni Axell sabay halik sa kamay ko.
"Ano ba sa palagay mo? Sana kasi sinama na natin si Keoh na mag mass."ayoko maramdaman kasi ni Sam na simula ng magka pamilya ako ay pinabayaan ko na siya. Gusto ko masaya siya sa lahat ng ginagawa niya.
"Kaya nga tinawagan ko na nga eh nandun na daw sa simbahan" agad naman akong napangiti kay Axell dahil hindi rin niya kinalimutan si Keoh simula ng malaman niya na hindi niya talaga anak si Keoh. Nakita ko naman ang makukulit na bata na pumasok na sa likod.
"MOMMYY LET'S GOOOO!"excited na sabi ni Viene Yvi, ang babae kong anak.
"Mommy! After mass punta po tayo sa favorite resto ah" sabi ni Acell Drixx since kambal ang anak namin pinangalan ko si Viene sa malapit na pangalan ko at ganun rin kay Acell. Isang babae at isang lalaki at kambal pa sila! Wala e ginalingan ni Axell, Wala na akong magagawa. Habang nasa biyahe kami tahimik parin si Sam.
Pagkababa namin ng sasakyan biglang nagulat si Sam ng makita niya si Keoh sa harap ng simbahan.
"Hi dad, Hello ma"bati ni Keoh saaming dalawa ni Axell.
"Buti naman at pumunta ka! Halos ngumawa na si Sam pag hindi ka makita"sabi ko.
"Mom!" Bawal ni Sam saakin.
Agad naman kaming pumunta sa loob ng simbahan dahil sa mainit pa. Hawak hawak ko naman ang dalawa kong anak at nasa likod ko naman si Axell at sa likod ni Axell ay yung dalawang binata at dalaga na. Buti nalang at hindi pa nag umpisa ang mass. Pumwesto naman kami sa harap dahil gustong gusto ng mga bata sa harap.
30 minutes pa bago mag umpisa. So nag stay muna kami sa upuan ng lapitan ako ng Mayor once ko na kasi siyang ginawan ng design para sa bahay at office niya."Hi, Mrs. Vasquez how are you, right now? Happy family!" Bati niya saakin.
"Hello, Mrs. Mayor im fine naman, madadagdagan nanaman ang pamilya ko" sabay turo sa tyan ko.
"Wow, I hope na sana babae yan"sabay hawak sa tyan ko. Medyo close naman kaming dalawa. Sumingit naman ang mister ko.
"Hindi mayor, lalaki yan" agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran. Dahil pinipilit niya na lalaki ang nasa tyan ko. Gusto niya lalaki para naman gagawa siya ng team niya.
"Hahahaha, by the way your family are invited sa debut ni Kesiah, Sana makapunta kayo"ngiti niya saakin.
"Sure mayor"sabi ko nalang.
"Thank you!"sabay beso saakin. "Godbless to your happy family" umalis na siya at pumwesto naman kami at nag umpisa ang mass.
******
"Saan tayo mga anak?" Nakangiti kong sabi dahil alam ko na kung saan nila gusto. Gusto ko lang marinig kung gaano sila ka hyper.
"Mommy doon sa RESTOOOOO NI TITA NICAAAA!" sabay sabi ng kambal saakin.
"Okay....eh? Ang maganda kong anak? Gusto ba niya ng donut?" Sabay tingin ko sakanya. Ngumiti naman siya saakin at sabay halik sa pisnge ko.