GMAMR Chapter 11

22 6 1
                                    

"Tita alis na po kami, Gabi na po kasi" paalam nila Nica at Gab. Samantalang si Alex naman ay hinatid siya ni kuya Von, parang kakaiba ngayon si kuya Von. Mukhang hindi na sila nag aaway tulad ng dati, sabagay lahat naman ng tao nagbabago?

Pinatulog naman na namin si Sam dahil gabi na,kami nalang nila mommy at daddy ang natira sa baba ang mga kupal ayun nasa mga kwarto nila ginawan ko sipa ng sarisariling kwarto dahil incase na uuwi sila ay may matutulugan. Nagulat ako ng yakapin ako ni mommy.

"Kamusta kana anak? Tatlong taon na rin na hindi kami umuwi dito, pero huwag kanang mag aalala dito na ulit kami"napangiti naman ako kay mommy at niyakap ko siya ng mahigpit.



"Okay lang naman mom, kinakaya para sa kinabukasan ng anak ko" nakita ko naman na lumapit si daddy saamin.




"Know your limits anak" biglang nawala ang ngiti na nakalagay sa mukha ko.



"Daddy alam ko po, pero siya lang rason kung bakit ako nagiging masaya"ngumiti nalang si daddy saakin. Nagpaalam naman na ako na matutulog na dahil pupunta pa ako sa work ko niyan. Plano ko sana na isama si Sam sa trabaho ko tutal wala naman akong gaanong gagawin doon kundi tulungan sila. Nakuha na rin nila ang mga designs ko. Nakita ko naman si Ashe na nag aayos na ng gamit niya.

"Alam na ba nila mommy na aalis kana? Sayang naman kung tyaka sila dumating aalis ka" lumingon naman siya saakin at ngumiti.



"Alam ko na mamimiss mo ako pero para sa anak natin ito" hinampas ko siya ng unan.


"Alam mo ang epal mo haha." Natawa kasi ako sakanya.

"Tatabihan naman kita mamaya e, huwag kang mag alala" nakangiti ng nakakaloko si Asheton.


"Naku! ASHE!! Tumigil ka diyan, hindi nakakatawa" natapos naman na siyang mag ayos ng gamit niya ay tumabi na siya saakin.



"Tanggap ko naman na e, na hindi ko siya mapapantayan diyan sa puso mo" hinalikan niya ang noo ko at pinatay ang ilaw. Parang naguilty ako, kasi nandiyan sa tabi ko si Ashe at hindi ako pinapabayaan. Humiga nalang ako at natulog.







Nagising ako na wala na sa tabi ko si Ashe, bumaba naman ako at nakita ko naman silang lahat na kumakain na ng umagahan. Sobrang ingay na ng umaga ko niyan dahil nandito na ang mga kupals. Nakita ko naman si Ashe na kumakain na rin.


"Ivy, Halika kana, kain na tayo" aya saakin ni Ashe na tumabi na ako sakanya. Ang mga mukha naman ng kupals ay parang may iniisip na kalokohan. Umupo nalang ako sa tabi niya, at kumain na rin. Ng matapos na ang umagahan ay nilaro naman ng kupals ang bata.

"Ashe, hatid ka na namin ni Sam sa airport"sabi ko, lumingon naman siya saakin at niyakap ako.



"Dibaleng hindi mo ako mahal, basta huwag ka lang mapupunta ulit sakanya" alam ko ang ibig sabihin niya, alam na niya kaya na nandito na si Axell? Alam na niya pala nung Reunion nun. Pinalo ko naman siya sa balikat niya.




"ALAM MO PARA KANG EWAN! SABI KO HATID KA NAMIN HINDI YUNG MAGDRAMA KA SAAKIN!!"tumawa naman siya saakin at niyakap ako.



"Oo na hatid niyo na ako"simpleng sabi niya pero ang lakas ng dating saakin.




Sasama ko rin si Sam sa Work ko, dahil ang kupals ay wala at si mommy at daddy ay pupunta sa mga kumare at kumpare nila. Ayoko naman iwan si Sam kila manang kasi madami rin silang gagawin. Pinaligo at bihis ko na si Sam, Samantalang ako ay nag aayos na. Nagpaalam naman si Ashe kila Mommy st Daddy lalo na sa mga kupals. Ako sana ang mag dridrive kaso binawalan ako ni Ashe.


"Huwag ka muna mag drive ako muna, ang bilis bilis mo magpatakbo. Akala mo naman may hinahabol ka"napa irap nalang ako sa mga pinag gagawa niya. Napag planuhan naman namin na mag S.M. muna bago umalis si Ashe, naglaro naman ang mag Ama at ako ay pinapanood ko dalawa.



AXELL P.O.V.

Sa Sobrang Inis ko sa bahay ay hindi na ako nag kumain sa bahay. Kaya kumain na lang ako sa SM, sa hindi inaasaham nakita ko si Ivy, lalapitan ko sana ng makita ko si Ashe...........at may isang batang babae. Gusto ko umiyak, huli na ba ako? Wala na ba talaga akong pag asa? Umalis nalang ako sa SM at pumunta nalang sa trabaho ko. Bakit sobrang sakit itong nararamdaman ko.

"Sana pala, hindi ako naakit. Sana pala hindi kita niloko" yan ang pinagsisisihan ko.



IVY P.O.V.

Nasa Airport na kami kaso itong si Sam umiiyak na. Ayaw niya paalisin si Ashe dahil may family day pa daw sa school nila. Kaya siguro pinauwi ni Ashe sila mommy para na rin maka attend sila sa family day na wala siya.


"Daddy, Huwam po kayo alis" iyak parin siya ng iyak. Pero dahil aalis na ang eroplano ay nagpromise naman si Ashe na bibilihan niya si Sam ng Toys at maya maya ay pumayag na ang bata. Nagpaalam naman kami sa isat isa. Hinitay naman namin na maka alis siya at tyaka kami sumakay sa sasakyan.


"Don't cry na baby, Pupunta tayo sa work ko" pinunasan ko naman na ang luha niya tyaka kami pumunta sa tarabaho ko. Nakarating naman kami agad, samantalang itong si Sam ay sobrang excited niya ayun lumabas agad. Break na pala ng mga nagtratrabaho dito. So pinaggigilan nanaman si Sam lalo na si Stacey.


"Samantha" pag yan ang narinig ni Sam ibig sabibin magagalit na ako, kaya lumapit siya saakin.


"Sam, This is Tita Stacey" pakilala ko naman, Nag hi naman si Sam kay Stacey.




"And this is tito axell"pakilala ko. Nanlaki ang mata ni Sam. At ako naman ay nag taka dahil ano nanaman ang nasa isip niya.




"Mommy siya po ba ying sinasabi niyo na Ex mo?" Ako naman ang nanlaki ng mata sa sinabi ni Sam. Nakakahiya shemayyy.

Nagtinginan naman si Sam at Axell.



"Hi po tito"naka smile na sabi ni Sam.



"Hello, Ang ganda mo naman, kamukhang kamukha mo si Mommy mo" ngumiti naman si Sam.




"Syempre po, mana po ako sakanya" yakap naman ni Sam saakin.





"Im keoh's father" nabigla ang anak ko.




"Talaga po? Wow, Kaibigan ko po si Keoh e"nag kwentuhan naman silang dalawa at ako naman ay tinapos ko na ang work ko dito para susunod ko na yung plano ko kay Gab para sa building niya.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now