CHAPTER 6
EPIC FAIL!!!
Wesley's POV
Argh! Ang hirap! Ang hirap! Hirap!
Na-chop ko naman ng maayos yung onions pati na din yung mushroom at spinach kaso bago ko ata magawa ng tama ilang onions at mushrooms yung nasayang dahil kung hindi gumugulong! Tumatalsik naman! Peste! Ilang beses ko pang nadali yung mga daliri ko kaya nag plastik gloves nalang ako! Huhuhu! Ang hapdi! Ang hirap pala talagang mag-luto!
"BILISAN MO NAGUGUTOM NA KO!!!"
Hay! Ayan na! nag-alboroto na yung maliit na tiger! Kala nya naman ang dali ng ginagawa ko?! Sya kaya dito? Sugat sugat na nga yung daliri ko eh!
Mga 7:30 nung inilagay ko na sa oven yung pan *sigh* hihintayin ko nalang syang maluto tapos,tapos na! makakapagpahinga na ko! Sumandal ako sa sink saka nagpunas ng mukha gamit yung towel! Haist! Nakakapagod!
"bakit ka nga pala pinagluluto ka ni Wesley?"
Tss! Naririnig ko nanaman na kinakausap ni Dean si little tiger haist! Di pa nadala lagi naman syang barado! -_-
"She's kinda Blind" ayan nanaman sya sa 'bulag-bulag' thingy nya! Okei sige! Ako na bulag! -_-
"huh? Bulag si Wesley? Parang hindi nman"
"then Shut up"
"hmpf! Okei! Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" oo nga no? 5:00 yung uwian namin dapat kanina pa sya nasa bahay nila? Hindi kaya sya hahanapin ng parents nya? O baka naman nagpaalam sya?
"no."
"ahh I see… mahilig ka ba sa Video games?"
"do have one here?"
"yup! Tara laro muna tayo para di ka ma-bored!"
Eh?! Feeling close si Dean? Sinilip ko sila aba mukhang close na sila ah! Naglalaro sila ng Ps3
"hah! Wala ka naman pala eh!"-Dean
"oh really? *smirked* " -Jun
"what?! Gah! Daya naman eh!"
"no im not,sadyang mahina ka lang talaga"
"isa pa!"
"sure!"
PSH! Edi kayo na close! Pero bakit si Dean di nya sinasaktan? Ako konting kibot lang nagagalit na agad sya! Psh! Unfair talaga! Mag-sama sila! Napahinto naman si Little tiger sa pag lalaro… Amp?! Problema nito?
"YUNG NILULUTO MO BULAAAAAG!!!"
Waaaaa! Grabe naman! Buti nalang naka-ilag ako! Batuhin ba naman ako ng remote! Ay teka! Yung niluluto ko nga pala! Sh*t! nakalimutan ko! Nilapitan ko agad yung oven pagbukas ko… siomai na super tutong! Amoy sunog! Hindi naman sya natusta pero sunog parin talaga sya! Patay! Ano nang gagawin ko?! Mukhang di na makakain to eh! Kung uulitin ko naman masyado nang gagabihin! Yare ako nito kay Little tiger! TT^TT
"hala! Wesley,ano yan?! Bakit sunog?!" wag mo nang ipadama sakin!!! ><
"oo alam ko! Wag mo nang ipamukha!"
Pumasok si Little sa kitchen nung nakita nya yung lasagna sa pan,tumingin lang sya ng seryoso sakin! Napalunok ako dun ah! Palapit na sya! Inihanda ko na yung mukha kong masapak! Haist! Mag-kakapasa ako nito eh! Napapikit nalang ako! ><
"bakit ka nakapikit dyan?"
Huh?! I opened my eyes! Eh?! Nasan na sya? Nasan na yung lasagna? Lumabas ako ng kitchen at nakita ko syang naka-upo sa lapag at kinakain yung lasagna sa mini table! Sh*t! pamatay yung lasa nun eh! Sunog na yun! Nilapitan ko sya at kinuha yung pan sa mini table
BINABASA MO ANG
Enchanted (♥ On Hold ♥)
RomanceMatapang,Malakas,Maangas,Mayabang,rule breaker at siga! in short a total Delinquent! maraming ganyang lalaki ngayon sa mundo diba? eh paano kung sabihin ko sa inyo na hindi siya LALAKI? oo tama kayo ng nabasa..hindi siya lalaki isa siyang BABAE! a...