Chapter 11 : Climate change?!

32 1 2
                                    

CHAPTER 11

CLIMATE CHANGE?!

Jun's POV

Andaming pagkain!!!!!!

Tumingin ako sa paligid ko…lahat ng paboritong pagkain ko nandito! Pati na rin yung mga sandwiches na laging ginagawa ni Maylee at syempre di mawawala yung Lasagna ko at Mango shake! Waaaaaaa! Heaven ituuuu!!!!

Tumakbo na ko dun sa napaka-laking lamesa na punong puno ng mga paborito kong pagkain! Come to mama! Naupo na ko tapos kinuha ko yung plate na may lamang lasagna.. Humanda kayo sakin ngayon lalantakan ko kayo! Habang nilalantakan ko yung lasagna biglang may tumabi sakin na lalaki at nag-abot ng mango shake hindi lang basta mango shake! Deluxe pa!!! Kinuha ko yung inabot nya tapos tinuloy ko na yung pagkain ko..yung lalaki naman tumabi lang sakin..

"kumain ka lang,marami pa nyan.."

Kumain lang daw ako? Edi sige kain!

"hahaha! Ang cute mo talaga…."

Hindi ko pinapansin yung lalaki tuloy lang ako sa pagkain ko…

"sukoshi tora…"

Huh? Napatigil ako sa pagkain ko..

May naramdaman akong hininga sa mukha ko,ambango pa…

=__=

=__-

=__o

o__o

O_O

Ow sh*t! nanaginip pa din ba ko? Bakit nandito sya? Ramdam na ramdan ko yung mabango nyang nihinga sa mukha ko… sorbrang lapit ng mukha nya sa mukha ko parang biglang hindi ako makagalaw…

"sukoshi….tora…" sobrang hina ng pagkakasabi nya tulog pa din sya…gwapo din pala din sya?

Eh?

Waaaaaaaaaaaaa!!!! Nung narealize ko kung sino yung mukhang nasa harapan ko napagulong ako patalikod! Fvck! Ano yun?! Did I just said that he was? Argh! Fvck! Bigla akong nakaramdam na nag-init yung pisngi ko! Shete! Magkakasakit pa ata ako? Tinakpan ko yung mukha ko ng dalawa kong kamay…okaaaay! Ano yun Jun? bakit parang bigla akong hindi mapakali? Parang uminit! Sumilip ako sa pagitan ng mga daliri ko para makita ko yung sky…hindi naman maaraw ah! Uulan pa nga ata eh! Haist! May sakit ba ko? May iba talaga akong naramdaman eh! Parang ano…yung….ah ewan! Bwisit naman kasi eh! Bakit nandito yun? Sa pagkaka-alam ko magisa lang ako natulog dito kanina ah? Haist! Ang tigas talaga ng ulo nitong bakemono na to eh! Sinabi nang wag syang matutulog dito sa tambayan ko! Humanda nanaman sya sakin ngayon!

Tinanggal ko na yung kamay ko sa mukha ko sakto namang may naramdaman akong braso na yumakap sakin?

Uminit uli!!!  ><

Dahan-dahan akong humarap! Shete! Sinasabi ko na nga ba eh? Sya nga yung nakayakap sakin ngayon! Eh malamang sino pa bang ibang kasama ko dito? Stupid Tamia! Pinilit kong iangat yung kamay ko…tutuktukan ko talaga tong bakemono na to eh! May balak pa ata akong manyakin! ><

Maabot ko na sana yung ulo nya nung bigla kong napansin yung mukha nya…maamo din pala yung mukha..matangos na ilong…mainipis at pink na labi…at….ARGHHH!!! ENOUGH!!!!

Tinanggal ko yung braso nyang nakayakap sakin! Nagulat naman sya kaya sya nagising! Nakaupo na kami pareho sabay napakamot sya sa ulo nya tinignan ko sya ng masama nanlaki naman yung mata nya nung nakita nya ko,pumikit pikit pa sya! Loko to ah! Kala nya siguro namamalik-mata sya! ><

Enchanted (♥ On Hold ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon