CHAPTER 7
Nanaman?!
Wesley's POV
Haist! San na ko matutulog ngayon? Badtrip naman kasi yung maliit na tigre na yun eh! Sasabihan ako ng bulag eh sya nga tong bulag dahil hindi nya ko napansin na nakahiga dun! Sus! Edi kanya na yung tambayan nya! Pffft! Hahaha! Hindi ko lang maiwasang matawa dun sa reaction nya na sinabihan ko sya ng "shut up" at "don’t bother me" hahahaha! Itsura nya! Halatang pikon na pikon!
Hayy! San pa ba pwedeng matulog dito? Hmmm… kung sa theater hall nalang kaya? May tao kaya dun ngayon? Tsk! May practice pala sila ng gantong oras! Haist! San ako matutulog nito? ….. AH! Alam ko na! sa Rooftop nalang ako matutulog!
Naglakad na ko papasok ng building..umakyat na ko sa hagdaan paakyat ng rooftop,pagdating ko dun mahangin ang sarap sa feeling! Hayyy! Makakatulog ako dito! Dumiresto na ko papasok ng rooftop buti pa dito tahimik at walang MALIIT NA TIGRE NA MAGAGALIT! Tumingin ako sa paligid at-----AY HALA! Halos atakihin ako sa puso dahil sa kanya! May nakita lang naman akong estudyante dito sa rooftop na nag me-meditate? Nag me-meditate sya? Weird! -_- ano ba yan! Nakakatakot naman sya!
Nilapitan ko sya..nasa likod na nya ko..
"uh..miss?"
Di sya sumagot,hala?! Tao ba to? Baka mamaya?! Amp*cha naman oh! Creepy! ><
Pumunta ako sa harap nya,nakapikit lang sya habang nag memeditate,teka nga sandali? Parang nakita ko na sya ah! Ah tama! Sya yung nakabangga sakin kanina! Yung babaeng maikli yung buhok! Ano namang ginagawa nya dito? Tsaka bakit sya nagme-meditate? Weird ah! Pero ang cute nyang tignan,tsk! Nawala ata yung antok ko?
Sumandal ako sa wall railings ng rooftop sa harapan nya habang sya nakapikit padin at nagme-meditate,para san nga ba ang pagmemeditate? Di ko alam eh! Hmp! Hayaan mo na nga! Nakatingin lang ako sa kanya tapos humangin at ninahingin yung maikli nyang buhok…ang cute talaga nya…bakit kaya mag-isa sya dito? Nakita ko syang huminga ng malalim…
"waaaaahh!!! Sinong kang nilalang ka?!" bigla syang nagising sa pagme-meditate nya!
"h-huh? a-ako? Uh pasensya na! di ko naman sinasadya na makita kang nagme-meditate dyan.."
"ah ganun ba?" tapos nag-smile pa sya ng napalaki,she's really cute
"hehe! Pasensya na talaga!"
"ayos lang yun! Nabangga din naman kita kanina eh,quits na! haha!" namukhaan nya agad ako? Kung sabagay ang gwapo ko naman kase hehe! shete! Ang cute nya talaga! Napaka-jolly nya! ><
"ahm..nga pala bakit mag-isa ka dito?" haha! Ang gusto ko sanang itanong ay yung bakit sya nag-memeditate? Di ko kasi sya maintindihan! XD
"wala lang,minsan lang naman ako dito,pag gusto ko lang mag meditate tahimik kasi dito eh,tsaka mas mahangin dito kaysa sa garden." tumayo sya tsaka umupo dun sa wall railings ng rooftop! Ano ba sya! Baka malaglag pa sya dyan! Nilapitan ko nman sya..
"teka! baka Malaglag ka dyan!"
"haha! Wag kang mag-alala hindi ako malalaglag sanay na ko!" tss! Ibang klaseng babae talaga sya! Ang weird nya! "ano nga palang pangalan mo? Bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita dito sa school eh"
"oo,bago ako dito, I'm Wesley Zalora" then I offer my hand,inabot nya naman yung kamay ko …
"hi Wesley! Im Maylee Castro!" nag-shake hands kami tapos nginitian nya ko,pati tuloy ako napapangiti ng dahil sa smile nya…
She's really cute…
Jun's POV
NASAAN NA SYAAAAA!!!!
BINABASA MO ANG
Enchanted (♥ On Hold ♥)
RomanceMatapang,Malakas,Maangas,Mayabang,rule breaker at siga! in short a total Delinquent! maraming ganyang lalaki ngayon sa mundo diba? eh paano kung sabihin ko sa inyo na hindi siya LALAKI? oo tama kayo ng nabasa..hindi siya lalaki isa siyang BABAE! a...