Chapter 10 : Super Friends!

24 1 0
                                    

CHAPTER 10

SUPER FRIENDS!

Dean's POV

Yepaa! Nairaos ko na yung limang araw ng isang linggo! Dalawang araw nalang at sa wakas matatapos na to! Grabe! Feeling ko nga ang galing ko ng magluto five days straight ko ba naman syang pinag-luluto ewan ko nalang kung wala pa kong matutunan! Yung about dun sa pagkatalo ko di pa din alam ni wesley at wala akong balak ipaalam sa kanya tutal pati din naman sya nakikinabang dun sa niluluto ko..sarap na sarap pa nga ang kumag eh,may mga times din na nagtataka sya tapos tanong sya ng tanong kung bakit ko yun ginagawa kay tamia minsan nga naghinala sya na sabi nya baka kami na daw ni tamia wahahaha! Grabe yung tawa ko nun! Pero kapag nagtatanong sya ang sinasabi ko lang gusto ko lang makipagkaybigan kay tamia tska nagpra-practice ako kasi gusto kong maging chef someday.. Oh diba! Wahahaha! Galing ko magpalusot! XD

Si wesley at tamia naman ganun pa din… ewan ko ba sa kanilang dalawa kada magdidikit lagi may away o pagtatalo na nagaganap tapos maya maya may maghahabulan at batuhan na…ewan ko nga pero feeling ko yan yung sarili nilang way para magkulitan kasi mahahalata mo naman sa tawa nila na nag-eenjoy sila kapag napipikon na yung isa sa kanila.. Hay! Ewan ko nga din dito kay wesley! Ayaw nyang binabato sya ni tamia pero sige pa rin sya sa pangtri-trip! Eto namang isa masyadong mainitin ang ulo…siguro sa limang araw na yun nasanay na din ako sa kanila tska parang naging komportable na din kami na nandito si tamia…mas naging close na nga kaming tatlo kahit hindi masyadong halata tska super friends na kami ni tamia!

*flashback*

"ahhhh! Busoog!"sabi ni tamia,ang sarap sa feeling na naa-appreciate nya yung effort ko.. sa tingin ko kasi sya yung tipo ng tao na hindi mahilig magbigay ng comment o magpakita ng emosyon kaya siguro ang sarap sa feeling kapag nagugustuhan nya yung luto ko..

"himala! Kelan ka pa natutong magluto?"

"kumain ka nalang dyan!"

"tska bakit sya lagi dito kumakain? May kaagaw tuloy ako lagi!"

"tss! Ikaw nga tong nang-aagaw eh! Di naman yan para sayo para yan sa---"  pinutol ko na yung sasabihin nya mamaya masabi nya pang pamalit talo yun! Hindi yun pwedeng malaman ni wesley!

"para sa pakikipagkaybigan ko yan!" bigla naman silang nabulunan sabay pa talaga? bakit may masama ba sa sinabi ko? Tska yun lang naisip kong palusot eh! Hehe!

"anong sabi mo?! Paki-ulit!" bingi talaga tong si wesley!

"sabi ko para yan sa pakikipagkaybigan ko sa kanya!"

"seryoso ka???" parang timang lang?

"oo!"

"hoy! Ano bang sinasabi mo dyan?!" sigaw naman ni tamia! Aish! Di nalang kasi sumakay!

"aish! Ang kulit nyo! Basta! Simula ngayon friends na tayong tatlo ah!" ngumiti ako sa kanila

Tinignan lang nila ako ng seryoso tapos kumain na uli sila! Bwisit tong mga to ah! Di pinansin yung sinabi ko!

"yaaah! Stop!" napatigil naman sila sa pagkain

"basta friends na tayong tatlo! Period!"

"shut up!"

"hoy Dean! Alam mo gutom lang yan! Tska friends naman talaga tayong dalawa ah!"

"gusto ko tatlo tayo!"

"asa! Ayoko maging friends yan!"

"hoy! Bakemono! Kala mo ba gusto kitang maging kaybigan? Freakin' no!"

Enchanted (♥ On Hold ♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon