CHAPTER 8
Yes! Yes! Yes!
Wesley's POV
Stupid!
Stupid!
Stupid!
Stupid!
"STUPID!!!!"
"Love, soft as an easy chair..STUPID! "
"G*go! Tumahimik ka nga dyan!" binato ko sya ng bote ng mineral water natamaan sya sa balikat
"aray naman!" lumapit sya sakin
"ouch!" batukan ba naman ako?! "para ka kasing baliw dyan!"
"eh bakit dinugtungan ko lang naman yung kanta mo!"
Baliw pala talaga to si dean eh! Sino ba nagsabing kumakanta ako?!
"mukha ba kong kumakanta ha?!"
"baka tumutula?" he said in sarcastic tone! Batuhin ko nanaman sya dyan eh! Tss! Hayaan na nga yang baliw na yan!
Nandito kami ngayon sa Cafeteria,lutang lang kanina yung utak ko habang nagtuturo yung teacher! Pano ba naman kasi! Di ko maiwasang kabahan pag naaalala kong ipag-luluto ko nanaman sya! Haist! Nadala na ko sa una ayoko na umulit! Kaso si Maylee eh! Pag-naiisip ko sya para naman akong nalalakasan ng loob!
Haist! Ang gulooo!!!
"ang gulo? Ano nanamang nangyare sayo dyan? Itatakbo na ba kita sa mental?"
Napalakas ata yung pagkakasabi ko sa utak ko?
"hoy! Isa ka pa! manahimik ka na nga! Pinapasakit mo lang lalo yung ulo ko eh!"
"ayos lang yun! Wala namang laman yan eh! Hahaha!"
Tignan mo tong kumag na to! Nang-asar pa! hinablot ko yung burger nya tapos kinagatan ko agad wahahaha! Aasarin mo pa ko ah!
"waaaa! Pagkain ko yan!"
"aasarin mo pa ko ah! Bumili ka ng panibagong burger ngayon! Bwahahaha!" kumagat ulit ako dun sa burger nya,wala syang nagawa kaya tumayo na sya tapos pumila ulit hahaha! Asar si Dean! XD
Pagbalik nya may hawak na syang burger at umupo na sa harap ko…
"araw-araw mo nalang akong asarin para araw-araw ko ding kakainin yung burger mo! hahaha!"
"tss! Pasalamat ka nga mabait pa ko ngayon eh! Gulpihin kita dyan eh!"
Hahaha! Asar talaga to! XD
Pagtapos naming kumain sa cafeteria bumalik na kami sa classroom namen,sakto namang pagdating ko wala pa yung teacher kala ko late na ko! Umupo na ko sa upuan ko tapos may lumapit sakin na babae…
"um..excuse me Mr. Zalora?"
"yes?"
"hihihi! Omg! Youre so kawaii talaga!" [kawaii-(jap.) Cute]
Okeeey??? Ano daw? Kaway? Waved? Pinagsasasabi nya? -_-
"uh…anong kaylangan mo?"
"oh! Sorry! Pinabibigay ni Maylee"
May inabot syang papel sakin..galing kay Maylee?
"salamat.."
"anything for you cutie!" nag-wink pa sya sabay umalis.. tss! Babae! -_-
BINABASA MO ANG
Enchanted (♥ On Hold ♥)
RomanceMatapang,Malakas,Maangas,Mayabang,rule breaker at siga! in short a total Delinquent! maraming ganyang lalaki ngayon sa mundo diba? eh paano kung sabihin ko sa inyo na hindi siya LALAKI? oo tama kayo ng nabasa..hindi siya lalaki isa siyang BABAE! a...