[8] Acting

4 0 0
                                    

“Ma’am eto po bagay sainyo. Naaemphasize yung dibdib nyo at yung curve ng katawan nyo. Plus pa na lalo kayong pumuti dahil crimson red po itong dress na ito.” Sabi ng isang sales lady pagkatapos ko isukat yung Red Dress.

Tinignan ko si Eddie at yung tingin ko na yun eh nanghihingi ng comment.

“Pwede na. Nagmukha kang tao. Sige Miss kukunin ko yan. Dali, maghubad ka na.” Sabi niya. Namula ako sa kahihiyan nung sinabi niya na maghubad na daw ako. ANG BASTOS NA LALAKi. Natawa lang yung sales lady at sinara niya na yung pinto kung saan ako nagbibihis.

Arrrrgh! Kahit kelan talaga ang bastos bastos nung lalaking yun! Sarap niyang ibitin patiwarik.

Kung di niyo po alam, andito na kami ngayon sa isang mall. Yung frappe? Naubos ko yung dalawang king size nang walang kahirap hirap. Ilang minute lang tinigal sa akin. Di nga makapaniwala si romeo eh. Tawa ako ng tawa sa reaction niya eh. Ang inorder niya nun eh Vanilla Frappe. Ano lasa nun? Kadiriiii.

Pagkatapos ko hubarin yun dress at nagpalit na ako ulit sa suot ko talaga eh binigay ko na dun sa sales lady yun dress tapos binigay na kay Eddie yun dress at nagbayad na kami sa counter.

“Langya ka. Ang bastos niyang bunganga mo!” Sabi ko kay Eddie tapos hinampas ko siya sa may braso niya.

“At baket? Ano ba kasi gusto mo sabihin ko ha? Mas sosyal ba? Strip now. Ganon ba?” Sabi niya na may nakakalokong ngiti. Arrrghhh! ANG BASTOOOOOOS!

“PWEDE NAMAN KASING MAGPALIT KA NA EH!” Bulyaw ko sakanya.

“Aish. Ang ingay. Wala kang pakialaman kung paano ko sasabihin yun. Chaka tapos nay un. Wala ka ng magagawa. BIlisan mo maglakad. Papapalor ka pa.” Sabi niya at nauna na siya maglakad.

Kahit kelan talaga napaka-bossy niya. Bwiset.  Sarap niyang gilitan ng leeg. Ibitin ko kaya siya patiwarik chaka ko gilitan siya ng leeg?

O di kaya, takbuhan ko na siya ngayon habang nakatalikod pa siya. Tutal nalibri niya na ako ng Frappe eh pwede na. Gorang gora na me.

“wag mong susubukan tumakas. Ipapahanap kita kahit nasaang sulok ka man ng mundo.” Sabi niya habang naglalakad at nakatalikod sa akin.

Yung line na yun dapat kikiligin ka eh. Pero sa sitwasyon na ito, matatakot ka eh. Naman! Paano nya nalaman yung nasa isip ko? Mind reader na ba siya? Gosh. Baka nasabi ko ng malakas. Me and my big mouth nga naman oh.

“Ack! Ang sakiiiiit” Hinimas ko yun point ng ilong ko. Bigla bigla kasi tumitigil, nauntog tuloy ako sa likod niya. Mejj masakit ha.

“Kung saan saan kasi lumilipad yang utak mo kaya di mo napansin na nandito na tayo. Dalian mo, pasok ka na. May nakaready na na magmemake up sayo jan. Hintayin mo nalang ako. May pupuntahan ako.” Tuloy tuloy ang pagsabi niya tapos umalis na lang siya bigla.

Nakakastress siya ha! Iwan daw ba ako? Gutom na nga ako eh tapos iiwan niya ako ngayon dito?! How dare him. Wala siyang karapatan para ganituhin ako!

Teka, ano ba pinaglalaban ko? Yung pagkagutom ko, oo. Yun yung pinaglalaban ko. Gutom na ako eh. AY peste. Kaya ayoko nagugutom ako eh. Ang daldal ko kasi pag nagugutom ako. Tama na nga tong kabaliwan na to. Para matapos na at makakain na ako.

Pumasok na ako dun sa salon or parlor or whatever then sinalubong ako ng isang bakla.

“Ikaw po ba si Ms. Elizabeth Reinsworth?” Tanong ni beki.

“Yup” Sabi ko with a smile

“Ay teh! Ang ganda mo. Nako, mas lalo pa kitang papagandahin. Trust me! Hahaha.” Sabi niya at pumunta na kami sa pwesto niya

Him And Her: Their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon