[10] Jaspher Dela Cruz

2 0 0
                                    

“Bilisan mo na Julieeeeeeet!” Sigaw ni ate mula sa baba

“TEKA LANG NAMAN ATE! Di makapaghintay? May lakad ha?” Sigaw ko rin mula sa kwarto ko

“ABA! MALALATE KA NANG BATA KA!” Sigaw nanaman ni ate

At tama ang hinala nyo, malalate na ako at ang kupad kupad ko pa rin kumilos kaya ito si ate kanina pa ako sinisigawan. Siya naman kasi may kasalanan nito eh. Kung di niya ako initerview kagabi eh.

Pagkatapos ko ayusin yun mga gamit ko bumaba na ako tapos kumuha ng tinapay at nilagay sa mouth ko at sumakay na sa kotse tapos umalis na kami ni ate.

Nung nasa kotse kami napansin ko yung mga gamit ni ate. Ang dami niyang dala. Hala...aalis na agad siya?

“Ate aalis ka na agad?”

“Oo eh. Kelangan. Marami pa akong tatapusin sa school. Alam mo naman, president ako ng student council dun kaya di ako pwedeng matagal na nagpapahinga.”

“Aww. Mamimiss kita ate. Kelan ka ulit babalik?”

“Di ko lang alam. Pero baka sa semestral break.”

“Ms. Reinsworth nandito na po tayo” Sabi nung driver namin at binuksan niya na ang pintong pagbabaan ko.

“Sige  ate, mauna na ako. Ingat ka ha? Uwi ka kaagad” Sabi ko

“Oo naman lil’sis. Pag may nangyaring masama sabihan mo agad ako ha? Uuwi ako kaagad.” Sabi ni ate at yumakap sa akin.

“Oo ate. Babye. I love you” sabi ko

“I love you too lil’sis.” Sabi ni ate at tuluyan niya na sinira ang pinto ng kotse tapos umalis na sila.

“Umuwi na si ate amber?” At muntik na ako mapatalon sa biglaang pagsulpot nito ni Chel.

“Oo pero umalis din agad dahil maraming inaasikaso.” Sabi ko

“Aww saying. Gusto ko pa naman makabonding si Ate Amber” Sabi ni chel

“Hahaha. Ok lang yan. May next time pa naman. Tara na. Magbe-bell na” Kalmado kong sabi. Nakatingin lang sa akin si chel. At nung narealize ko kung ano sinabi ko..

“MAGBE-BELL NAAAAAA!” Pareho naming sigaw ni Chel at tumakbo na kami papasok ng school habang tawa ng tawa

Pagpasok na pagkapasok naming sa school nakaramdam aagad ako ng sampal sa mukha ko. What the hell?

Narinig ko nagbulungbulungan agad ang mga estudyante.

“HOY BABAE KA! SINO KA BA HA? MAKASAMPAL LANG SA BESTFRIEND KO HA?!” Galit na sigaw ni Chel

“Wag kang makialam dito! Wala kang alam!” Sigaw naman ni Tiffany. Oo, si Tiffany ang sumapal sa akin. Di pa ba siya nakuntento dun sa nangyari kagabi? Peste.

“Kahet wala akong alam, may karapatan ako makialam dahil sinampal mo ang kaibigan ko at sapat na rason na yun para makialam dito! Wala kahit sino ang may karapatan sumampal sakanya!” Sigaw nanaman ni chel at dapat sasampalin niya na si Tiffany pero may biglang sumali sa eksena at inakbayan ako.

“Rom—GEZ?!” Akala ko si Romeo... Pero baket naman pupunta yun dito para ipagtanggol ako? CHE!

“Haha. Oo ako nga. Tiffany, matagal na wala ang pagiging mag-fiancee niyo ni Ed. Di ka pa ba titigil ha?” Kalmadong sabi ni Gez

Ang c-cool lang ng pagdating niya. Tapos yun porma naming ngayon parang boyfriend ko siya. Sheeeems.

“K-Kahit na! Inagaw niya sa akin si Eddie!!” Sigaw ni Tiffany

Him And Her: Their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon