[7] May Kailangan siya

11 0 0
                                    

Akala ko pa naman nakaganti na ako pero hindi pa pala. Ugh. Bigla nyang hinablot kamay ko.

“Ano ba kasi kelangan mo?! Malelate na ako aba!”


“Kasi...ano...” Aba’y parang sira ulo to. Di din makatingin sa akin ng diretso. Hayy nako mga lalaki nga naman.


“What? You’re wasting my time. Kung wala kang sasabihin aalis na ako” sabi ko at akma na sana ako aalis pero hinawakan nya yung magkabilang shoulders ko at tinignan ako mata sa mata.


Baket ganon? Ang pogi nya pala sa malapitan. Teka ano daw? Ano sabi ko? Parang adik lang. Nahihibang na ako. Nahihibang na ako. Di ako nakainom ng gamot koooo.


“Help me.” Maikling sagot nya habang nakatingin sa akin.


“S-saan?” Pagkasabi ko nuon inilihis ko na yung tingin ko. Di ko kayang makipagtitigan sakanya. Maganda kasi mata nya. Yun lang yun.


“Pretend that you are my girlfriend.” Sabi niya while looking at me.


Sus, pretend lang pala na maging girl....... ANO?! Kanina sabi niya girlfriend nya ako tapos ngayon magpretend na girlfriend nya. Eh kung sinasapak ko kaya sya ngayon?!


“Nahihibang ka na ba ES? Tell me, ilang drugs ba ang nasinghot mo ngayong araw at ganyan ka ha?” Sabi ko sakanya.


“Aish! Wag na kasi maraming satsat. Makiride ka nalang. Pasalamat ka nga ikaw pa napili ko na magpanggap na maging girlfriend ko eh. Ang dami daming nagkakandarapa sa akin jan eh.” Sabi niya, Ang kapal talaga ng pagmumukha nito kahit kelan.


“Wow. Just wow Mr. Riocardo. Ikaw pa may ganang mag ganyan sa akin. Eh yun naman pala, maraming nagkakandarapa sayo edi sila nalang. Utang na loob ko pa na magpanggap na girlfriend mo ha. Wow lang. Gaano kakapal ang mukha mo?” sabi ko. Nakakairita kasi. Siya na nga lang hihingi ng pabor tapos ganyan pa sya umasta. Peste.


Akmang tatalikuran ko na sya pero pinigil niya gamit yung dalawang kamay niya na nakalagay sa may shoulders ko. Shemay naman oh. Di ko naalala na may nakaganun pala sa balikat ko. Nakngtinapa.

“Sorry na, dali ililibre kita ng Chocolate Frappe sa Frappe house, now.” Pagkasabi niya nun kuminang kinang ang mata ko. Shemaaaaaay.


Chocolate frappe din yun. Tatanggihan ko pa ba? Sa mga di nakakaalam, favourite ko po yun. Addiction. Basta parang naglilihi ako sa chocolate frappe.


“Kahit ilan?”


“Oo kahit ilan pa yan”


“Kahit gaano kalaki?”


“Oo nga kahit gaano kalaki yan ok lang sa akin.” Sabi niya


Teka... kung papakinggan ng maigi ang sagot niya parang kadiri. HAHAHAHAHA. Bwiset. Juliet, utak mo. Madumi. Maraming lumot. Waaaaaah. Kung ano ano na naiisip kooooo. Nawiwindang kasi ako ngayon eh. Bute pala pumasok na kanina pa yung mga estudyante at kami nalang ang nandito.

Him And Her: Their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon