2 weeks later~
2 weeks na simula nung scene sa rooftop. At simula nuon lalo kami naging mas comfortable sa isa’t isa ni Gez. Para bang wala ng secrets kumbaga.
Lagi nya ako hinahatid sundo pero di pa rin siya nakikilala nila Mama dahil hanggang gate lang naman siya ng village namin. Ewan ko ba dun, pero may plano na naman ako.
“JULIEEEEEET!” Sigaw ni Pher sabay hug sa akin.
Opo, yang si Pher naging ‘bestfriend’ kuno ko. Hahahaha. Pero nakakatuwa naman siya kasama. Parang naging little brother ko siya.
Minsan nga gusto ko na patayin tong lalaking ito dahil masyado kami naging hot topic dito sa school. Akala nila kami daw. Pati mga fans tuloy nito sinusugod ako.
“Pher ha. Nagiging super close ka na kay Juliet, sapakin kita eh” Biglang hirit ni Gez
“Bleeeh! Inggit ka lang. Jelly jelly! HAHAHAHAHA!” Iniisip ko minsan kung nagpasex change lang ba to si Pher o baka talagang childish siya. Pagka kasi nasa stage siya jusko titilian mo nalang siya dahil sobrang gwapo tapos sobrang matured kung tumindig.
Habang nagbabangayan yun dalawa may umakbay sa akin sabay kiss sa cheeks ko
“Hey sweetheart, I miss you” Sabi ni Den sabay wink. Casanova. Ugh -__-
“Trantado ka talaga Den, tignan mo si Gez, kung nakakamatay lang ang titig nakabulagta ka na at siguro tunaw ka na rin dahil nakisama rin si Pher. Hayup” Oh yeah, the cussing machine, Carlos James A.K.A CJ
“Den harutin mo na lahat ng babae wag lang si Juliet pre” Sabi ni Gez
“Oo nga den! Gagu ka!” Nagulat ako dun ah. Nagmumura din pala si Pher.
“Sorry na, ang ganda niya eh” Sagot naman ni Den sakanila
Hayup talaga tong lalaking ito. Ang hilig hilig mangharot ng mga babae jusmeyo marimar. Silang lahat ang reason kung baket sobrang gulo ng buhay ko nung nakaraang 2 weeks
“HAHAHAHAHAHA!” Sabay kaming natawa ni CJ
Para kasi silang ewan na nagtititigan tapos nung narinig nila kami na tumatawa ni Cj nakitawa na rin sila para kaming mga baliw
“Haha. Haba na ng hair Juliet, tara na nga at lumarga sa mga classroom natin. Para tayong mga baliw dito” Sabi ni CJ
Oo nga, ang haba na ng hair ko. Grabe. Tatlong lalaki pinagaawayan ang beauty ko. HAHAHAHAH! Chos lang yun. Ganda problems lang yan. Hahaha
Hiniwakan ni Gez ang kamay ko tapos hinatak nya ako papalayo dun sa apat. Hahaha. Ang possessive nitong manliligaw ko
“Nakooo! Uupakan ko na talaga yung si Den, ang harot masyado.”
“Hahaha! Hayaan mo na kasi. Di ko naman binibigyan ng meaning.”
“Kahit na! Isa pa si Pher eh. Haay nako. Bute nalang si CJ eh masungit pagdating sa mga babae.”
No wonder. Di ko pa nakita si CJ na nakipag interact at kung ano ano pa sa mga fans nya na babae. Hmm, kinda mysterious.
Makwento nga to kay Chel. Ayy, 2 weeks ko na din pala siya di nakikita. Ano kaya nangyari dun?
“JULIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET!” T-teka? Yun matinis na boses na yun. Pamilyar sa akin
Nilingon ko yun tumawag sa akin and speaking of the devil nga naman
“CHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEL! WAAAAAAAAAAAAAH!” Tumakbo ako papunta sakanya tapos hinug siya. Namiss ko tong babaeng to!
“AKALA KO PATAY KA NG BRUHA KA!”
BINABASA MO ANG
Him And Her: Their Love Story
Ficção AdolescenteLove story. Ano nga ba ang love story para sayo? Ang love story na alam natin ay happy ending. Halos lahat dapat happy ending. Pag ang isang love story ay hindi nagtapos sa isang Happy ending, ang mga manunuod o mga nagbabasa ay minsan maghahanap ng...