[17] Nasaan? Nasaan? Saan?

6 1 0
                                    

Ano nangyayari? Bakit ganon?

Asan?

Baket wala?

Ano itooo?

BAKIT WALANG ISKANDALOSANG BABAE ANG SUMASALUBONG SA AKIN NGAYON AT WALA ANG MALA-ADONIS KONG BOYPLEN?!

Chos lang yung boyplen. Manliligaw lang.

Kasiiii~ magi-isnack na wala pa rin sila. Wala si Chel! Wala si Gez!

Walang text o tawag. Letchugas naman oh! ‘Tapos sabi niya pa magde-date kami! Hayooop!

“Juliet?”

Nilingon ko kung kanino galing yun boses at nakita ko si CJ. Waah! Baka alam nya kung nasaan si Gez!

“CJ, alam mo ba kung nasaan si Gez?”

“Hindi eh. Teka diba dapat alam mo kung nasaan siya?” Nagtatakang tanong niya sa akin

“Eh yun nga ihh! Wala man lang siya kahit ni isang text o tawag sa akin. Pati si Chel nawawala!”

“May ginawa ka bang mali?”

May ginawa ba ako? Wala naman ih! Masaya nga kami natulog kagabi. I mean magkatawagan kami tapos nihintay niya ako matulog bago ibaba ang call! Niyaya pa ako magdate.

“Wala! Maayos naman kami kahapon ihhh!” Sabi ko sabay pout

“Hala ka!” Nagulat naman ako sa pagka-hala ni CJ. Letche

“Baket?!”

“May kasamang ibang babae ngayon si Gez. Player pa naman yun. Baka kaya absent si Chel kasi nagd---Woooy! Hala! Hala! Julieeeet! Joke laaaang!” Lumapit sa akin si CJ tapos pinunasan yun mga luha ko

“H-Hindi naman *huk* ganun si *huk* Gez eh. ‘Tapos bestpwend ko pa si Chel *huk* D-di nila magagawa yun! Uwaaaaaa!” At ayown umiyak na talaga ako

Huhuhu! Paano kasi pag ganon nga?! Di hamak na mas maganda si Chel sa akin. Mas matured siya. Di katulad ko na may factory defect. May sira sa utak.

“Halaaaa! Huuush! Joke lang yun Juliet, wag ka na umiyak oh. Tara libre kita ng chocolate frappe” pagkasabi nun ni CJ kuminang mata.

“Talagaaa?!”

“Oo, basta tumahan ka na. Tignan mo may uhog ka na. Hahaha!” Woah. Nakakapanibago si CJ ngayon. Tumatawa. Wahaw!

Sa kanilang lima kasi si CJ di yan palakaibigan. Sa boys, oo. Madaming lalaki na kaibigan yan pero sa girls? Nuh-uh. Wag mo asahan. Ilag yan sa mga babae. Dunno why nga eh.

Cussing machine din si Carlos James Lee. Gwapo, mala-adonis ang katawan, may nagmumurang dimples, killer smile at etc. etc. Pero yown nga lang eh sadya syang may masungit na aura. Cold aura. Parang si Eddie pero mas malala ang pagiging cold nun. Sagad sagad.

Eh teka bakit ba nasama yung Eddie na yun sa usapan ha? Di ko na masyado nakikita ang feslalu nun simula nung napunta siya sa bahay namin. Anlaaa~ baka ginahasa ni Ate kaya nagtago na sa akin. Kawawang nilalang.

“Hoy ang kapal! Wala akong uhoooog! Tara na nga, bilan mo na ako ng Choco Frappe.” At kinaladkad ko na po siya sa may canteen. Uwahahaha.

“Anong size ang gusto mo?” Tanong nya sa akin pagkaratin namin dun sa stall ng Choco Frappe.

“Grande” Sabi ko

“A’rayt. “ Ano daw? Masakit?

“Ano masakit sayo CJ? Anlaaa. Nabutas ba bulsa mo?” (O__O)

Him And Her: Their Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon