"Uulitin ko, ano ibig sabihin nito Ate Amber at Eddie?"
"J-Juliet... ano.." Kung saan saan napapadpad yung mata ni Ate Amber.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad "Pumasok muna kayo sa loob. Ayoko gumawa ng eksena sa daan" Narinig ko naman na sumunod sila. Napangiti nalang ako ng palihim.
Pagpasok namin sa bahay pinaupo ko sila sa sofa at ako, nakatayo sa harapan nilang dalawa.
"Explain. Now." Diniinan ko talaga yung pagsabi nun.
"A-ano kasi Juliet, nililigawan ako ni Ed--" hindi ko tinapos yung sinasabi nya "Oh? May nagliligawan na pala na naglalampungan sa kalsada at nagi-I love you-han ha? Bago yan"
"JULIET! Ate mo pa rin yan! Umayos ka nga!" Ohh... Sigawan pala ang trip nya.
"WALA KANG KARAPATAN PARA SIGAWAN AKO SA PAPAMAHAY NAMIN! Know your place asshole!" sisigaw pa sana si Eddie kaso pinigilan siya ni Ate.
"Juliet, a-ano mahal ko naman kasi si Eddie eh. Di ko lang talaga siya sinasagot dahil ano...hinihintay ko na makilala mo siya." Nakatungong sabi ni ate.
"Unang una sa lahat Ate, malaki ang respeto ko sayo. Pero baket ganon ang makikita ko diba?! Pangalawa, di ka manlang nagsabi na nandito ka sa area natin! What's more ang maabutan ko pang eksena eh yang paglalampungan nyo?! What do you expect me to feel, huh? Yung nagpapaparty? Hah. Stop screwing around." Ang haba ng linya ko! Pang.
"Inintindihin mo nalang kami please Juliet. Mahal ko ate mo." Halos nagmamakaawang sabi ni Eddie.
Nag-smirk ako " Mahal? Oh talaga? Gaano na ba kayo katagal magkakilala? Kilala mo na ba si Ate ng lubusan? Kaya mo ba ipaglaban si Ate, knowing that na mas matanda siya sayo? Paano nalang yung sasabihin ng ibang tao?"
"Hindi naman nasusukat ang pagmamahal sa kung gaano katagal mo siya kilala o nakasama. Kung mahal mo ang isang tao, kahet magbago siya o makita mo man ang negative sides nya pag tagal, dapat mahal mo pa rin siya. Walang mababawas. Oo, maipapaglaban ko siya."
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Eddie.
Tapos....
Tumawa ng pagkalakas lakas.
"J-juliet?" Medyo kinakabahang tanong ni Ate
"HAHAHAHAHAHHA! Ano, pwede na ba ako mag-artista? HAHAHAHAHA! Jusme. Ate, akala ko pa naman malalaman mo na nagbibiro lang ako!" Tawa pa rin ako ng tawa
Nakakaloka naman kasi sila Ate. Lagi ko naman ginaganito si Ate dati pag may kasama siyang lalaki pag umuuwi kaya nagtaka ako kung baket naging ganito si Ate ngayon eh.
Whooooo! Ang saya saya talaga pagtripan ng mga couple.
BINABASA MO ANG
Him And Her: Their Love Story
Teen FictionLove story. Ano nga ba ang love story para sayo? Ang love story na alam natin ay happy ending. Halos lahat dapat happy ending. Pag ang isang love story ay hindi nagtapos sa isang Happy ending, ang mga manunuod o mga nagbabasa ay minsan maghahanap ng...