Nathaniel P.O.V
Isang buwan na ang nakalipas, simula dumating sa amin si Miss. Aimee Grace. . I wear the same black shirt.
“Nate dalhin mo ito kay Ma’am” Sigaw ng isa sa pinakamatandang tagapagluto sa palasyo.
Habang dahan dahan kong dinadala ang pagkain, ay may nakasalubong akong pulutong ng mga bampira sa hallway.
“Nakawala siya sa gumuho gusali at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakikita”
Napatahimik sila ng Makita nila akong dumaan
“puede bang gawing ko nang hapunan ang isang iyun”
“pinagbawal ng prinsipe na pumatay ng taong nagsisilbi, at lalo na ngayon, paubus na ang pagkain natin”
I hate this place, bakit ba hanggang ngayon ay nandito pa rin ako. Wala na ang kapatid ko, kaya wala nang dahilan pa para mabuhay… Nagsisilbi sa mga bloodsucker at nasasaksihan ko sa aking mga mata ang kasamaan ng Prinsipe sa mga babae.
Pumasok ako sa kwarto niya, isang buwan na ang nakalipas mula nang dalhin siya sa palasyo, simula nang nakilala niya ang prinsipe ay hindi na siya umalis sa kanyang higaan, tatayo lamang siya kung magpapalit ng damit o kung mag Feeding ang prinsipe sa kanya.
“ito na ang hapunan” bulong ko, at umupo naman siya sa pagkakahiga.
Nawala siya nang buhay, napalimit na lang ng kanyang sinasabi, at palagi na lang siya nakatingin sa bintana. Ganyan na ganyan ang sitwasyon ng kapatid ko bago siya namatay.
“anong nagyari sa kapatid mo?” she whispered, namumukod tangi ang berde niyang mata, and her lips. I want those lips, pero mali ang iniisip ko, pagmamay-ari na siya ng prinsipe at wala akong karapatan na hawakan siya.
“she died” bulong ko.
“bakit?” she was looking deeply at me, nasa mata niya ang pagtataka, she was innocent, hindi ba niya alam kung bakit sila kinukuha ng prinsipe, binibihisan at kinukulung sa sulok na kwarto na ito?. Hindi ko masabi ang salita na iyon, baka pagnalaman niya ang totoo sa pagkamatay ng kapatid ko ay baka hindi na niya gugustuhin pang magtagal dito.
Tumahimik na lang ako, dahil ayaw ko nang maalala ang nangyari sa kanya.
“may kapatid ako, mag walong taon gulang na rin siya ngayong buwan, at siguradong binubugbog na yun ng mga kapitbahay.” She smiled, kung naalala niya ang kapatid niya “I’m sorry, tungkol sa kapatid mo”
Pumasok si Amanda sa kwarto. “Aimee, tawag ka nang prinsipe”
Dahan dahan kaming umalis ni Aimee sa kwarto, pareho kaming tahimik. Bakas sa mukha ni Aimee ang takot at sakit nito, pang anim na beses na siyang i-feed ng prinsipe.
“wag ka na lang sumunod sa akin sa kwarto niya”
Tumango na lamang ako, at wala pang limang minuto ay narinig ko ang pagsigaw niya sa loob, Agad agad kong pinasok ang kwarto nito, at nadatnan ko na lang na nakahiga si Aimee sa lapag.
“Medyo napadami, lang “nakangiti na sabi niya at tumutulo pa rin ang dugo ni Aimee sa bunganga niya. I hate this man, dahan dahan akong lumapit sa katawan ni Aimee at inaangat ang katawan niya.
“alam mo Nathaniel, bakit ka nagbago?, ikaw pa naman ang naging pinakamalapit kong kaibigan. Nalulungkot ako at kinamumuhian mo na ako ngayon” the Prince whipered, habang pinupunasan niya ang dugo sa kanyang bibig.

BINABASA MO ANG
Immortal Blood
RomantikSampung taon na ang nakakaraan nang kumalat ang isang malubhang sakit na umubos nang halos lahat ng tao sa mundo. Matapos ang kalamidad na ito, ang kaharian ng Winterhold ay nagging matatag mula sa sakit na ito, kapalit ng kaligtasan, pagkain at gam...