Note: Mahilig ako maglaro ng Skyrim, kaya Winterhold, ung name at Lower at Upper City. Don'y mind it. hahaha
**
Umuulan ang araw na iyon, naririnig ko ang iyak ng kapatid ko sa gutom, ang ingay ng ina ko mula sa sakit. Mag lalabing walong taon na ako bukas, isang araw na lang ang hinihintay ko para makatulong sa pamilya ko.
Nakatayo ako sa labas ng barong na barong na bahay. Hinihintay ko ang mga Doktor na lalabas mula sa higanting pinto ang naghihiwalay sa amin sa siyudad. Ang lugar namin ay tinatawag na WINTERHOLD, dahil palaging umuulan dito ng niyebe, napapalibutan ito ng higanteng pader na halos kalahating metro ang taas, na lumalayo sa amin sa ibang bayan. Wala pang nakakalabas mula sa higanteng pader at wala pang nakakabalik ng buhay. Nahahati ang siyudad namin sa dalawa ang UPPER CITY na tanging ang maharlika lang ang mga nabubuhay, at kahit kalian ay hindi pa ako nakakapunta sa upper city. At ang lower city naman ay kung saan nakatira ang mahihirap na katulad namin, nagtratrabaho para maglingkod sa uppercity, isang beses sa isang lingo ay bumaba ang mga doctor sa lower city mula sa uppercity para sa harvest na tinatawag. Kumukuha ang doctor sa amin ng dugo kapalit ang isang lingo supply ng pagkain at gamot, ganito ang paraan ng pamumuhay dito, pagnasa lowercity ka ang tanging supply lang ng pagkain at gamut ay galing sa uppercity, sa sobrang daming taong umaasa mula sa supply na ito ay kadalasan ay nagkakaubusan ng pagkain, kaya ngayong araw na ito ay makikipag agawan ako ng supply ng pagkain mula sa mga doctor, para sa may sakit kong ina.
Bumukas na ang pinto at agad agad kaming sumugod sa truck na pumasok sa lower city dala dala ang supply ng pagkain. Ilang beses ako nakipagsiksikan at nakipagtulakan sa mga tao pero walang nagyari.
“pakiusap! Ang nanay ko may sakit siya kailangan namin ng gamot at pagkain!”
Tinulak ako ng isang lalake at nilayo. “May sakit rin ang anak ko at mas kailangan ko ng supply!”
Gusto ko nang sumuko sa oras na iyon pero
“Paunahin mo ang babae.” Sabi ng isang matandang doctor.
“anong pangalan mo?”
“Aimee Grace at hihingi po ako ng supply”
Tumango ang doctor, at ang isang doctor ay inisa-isa ang pangalan na nakasulat.
“Hindi pa siya rehistrado” bulong ng isang doctor.
“puede napo akong magdonate ng dugo, mag eighteen na ako bukas”
“hindi puedeng magdonate ng dugo para sa supply ang 17 years old pababa yun ang nakasulat sa batas”
Mas lalo akong nanghina sa narinig ko, ano ba ang pagkakaiba nun, sana pinanganak ako ng mas maaga.
“ang narinig ko ay may ina ka, bakit hindi siya na lang ang mag donate”
Kahit labag man sa aking kalooban ay tumango ako, kailangan namin ng supply ng pagkain at gamot. Tinuro ko ang bahay namin kung saan nakalatay ang aking ina.
Pumasok ang dalawang doctor sa bahay namin, nagulat sila sa sitwasyon ng aking ina, payat na siya mula sa sakit niya, dalawang lingo na kaming hindi nakakuha ng supply. Tahimik lang ang aking ina nang pumasok ang dalawang doctor. Wala pang limang minuto ay tapos na ang pagkuha ng dugo at iniwanan kami ng isang supot ng pagkain ng gamot.
“ina, meron na tayong pagkain, hindi na tayo magugutom.”
“ate… akin ang tinapay” binigay ko sa walong taong gulang kong kapatid ang isang supot ng tinapay.
Ngumiti lang ang aking ina at sinabing “Aimee…Asa…wag na wag niyong iiwan ang isat isa.. at aimee… alagaan mo ang kapatid mo.” Tumango ako , at dahan dahang natulog ang aking ina, nang gabing iyon.
Kinabukasan naging isang malamig na bangkay ang ina ko. At hindi na siya nagising pa muli.
BINABASA MO ANG
Immortal Blood
RomanceSampung taon na ang nakakaraan nang kumalat ang isang malubhang sakit na umubos nang halos lahat ng tao sa mundo. Matapos ang kalamidad na ito, ang kaharian ng Winterhold ay nagging matatag mula sa sakit na ito, kapalit ng kaligtasan, pagkain at gam...