Chapter I: Promise

190 6 0
                                        

AIMEE

Asa!” nagising ako at agad kong hinahanap ang kapatid ko.

Binubugbug siya at pinagtutulungan ng limang lalake, nakapamilog na siya sa sahig at punong puno ng sugat ang kanyang katawan.

tama na! pakiusap!” tumakbo ako kay asa at niyakap ang kanyang napakanipis na katawan.

Pagsabihan mo yang kapatid mo! Nahuli namin nagnakaw ng supply namin!”

ulila na kasi at parehong magnanakaw na magkapatid!”

Umalis na ang galit na mga kapitbahay. Binuhat ko ang aking kapatid, napakabata pa niya pero sobra na ang paghihirap niya. Dalawang lingo na simula namatay ang aming ina, ay naging mga magnanakaw na kami pareho, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya at simula nun ay hindi na ako umasa sa mga supply.

Asa, dito ka lang sa bahay, at wag na wag kang aalis

Dahan dahang minulat niya ang mata niya, kuminang ang magkaibang kulay niyang mata, si Asa ay may itim na buhok at maputlang kulay na balat katulad ko ay pareho kaming hindi na nakakain ng maayos, pinangako sa aking magulang na hinding hindi ko iiwan si Asa.

saan ka pupunta ate

sasama ako sa gagawin nila Thomas ngayong gabi, bukas bababa ang doctor at pangako ko sayo, babalik ako at may dalang masarap na pagkain

mapanganib yun ate, baka patayin ka nila

Alam kong mapanganib ang plano na iyon, ngayon gabi ay tatawid kami sa gate at aakyat sa UPPER CITY para kumuha ng supply sa Storage, may nalaman kasi si Thomas na daan papunta sa Upper city na walang aramadong gwardiya, at sa madaling araw ay sasakay kami sa  van para mag harvest kasama ang supply pabalik sa Lower City, nung nakaraang lingo ay nagtagumpay sila Thomas kaya may malaking chance na magtagumpay ulit.

Nag hintayan kami sa ilalim ng lumang hospital sa lower city, walang gwardiya na nagmamasid dito tuwing gabi dahil abandonado na ito.

Lima kaming tatawid ngayon gabi si Thomas ang pinakamatanda at sanay sa pagnanakaw, si Milo na ulila na at magaling siya magbukas ng mga kandado, at magkapatid na Tet at June.

dadaan tayo sa lumang labaratoryo ng upper city, at malapit na ito sa storage room” pag-alala ni Thomas.

Walang kahirap hirap ay dumaan kami sa mga tunnel, dahil wala talagang gwardiya na nagbabantay, hanggang nasa isang abandonadong labaratoryo na kami, nababalot ito ng niyebe at kalangan pa naming hukayin ang pinto dahil natakpan na ito ng lupa.

limang dekada na itong labaratoryo sa uppercity na para talagang nilibing ito, pero ito ang pinakaligtas na daanan” bulong ni Thomas.

Nasa ilalim na nga ito ng lupa, dahil sa taas ng labaratoryo na ito ay ang hospital sa uppercity at storage room ng mga supply para sa lower city. Napakadilim ng labaratoryo, at gamit ang lumang flashlight ay unti unti kong nasilayan ang mga sunog na upuan, higaan at ilang mga kalansay ng tao sa daan. Nanginginig ang tuhod ko, dahan dahan kong inisip ang pangako ko kay Asa na isang masarap na pagkain ay nawala ang takot ko.

dito sa kanan” bulong ni Thomas nang sila ay lumiko papunta sa kabilang hallway nang nakita ko ang isang pulang liwanag sa kaliwang hallway.

Thomas saglit, parang may tao”bulong ko, at lahat naman sila ay napatigil.

Aimee!, walang tao dito ilang ulit ko na itong nilibot.”

Immortal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon