Aimee P.O.V
Ito ang kauna-unahang beses na kakain ako kasama ng ibang mga babae o ibang container, ang dining area namin ay katabi lang din ng kwarto.
Walo kaming container ng prinsepe, at apat lang ang nasa kainan ngayon.
“Himala, anong mahika ang nagpaalis sa kanya sa higaan niya” sigaw ni Amanda nang Makita nila akong umupo. Puno ang mesa ng napakaraming pagkain, gulay prutas at karne na kahit isang taon na pagkain namin ng kapatid ko ay hindi mauubos.
“hindi natin alam ang ginawa nila kagabi ng servant boy baka yun ang dahilan.” Lahat sila ay nagtawanan. Unti unti na nawalan ako ng gana kumain.
“ewww . . . diba bawal tayo magpahawak sa ibang lalake maliban sa prince!” sabat naman ng isa.
Nagulat sila sa pagtayo ko sa upuan at dahan dahan akong umalis, dala dala ang isang basket ng prutas. Naiinis ako dahil wala silang alam, lahat naman tao ay pagkain lang ng prinsipe, ang tingin nila sa amin ay gumagalaw na blood bag.
Sa paghahanap ko ng lugar para humigop ng hangin, ay nakarating ako sa isang terrace na natatanaw ang boung upper city, mag u-umaga na ang oras na iyun. At karamihan insfractura sa upper city ay mga lumang hospital at labaratoryo. Ang ibang bahay ay natabunan na ng lupa.
Pagbukas ng isang kurtina ay nabungad sa akin si Mhia na may kahalikan na isang lalake, sa sobrang gulat ko ay hindi ko napigilan ang mapasigaw.
“Aimee! . . . anong ginagawa mo dito!” gulat na sabi ni mhia.
Hindi ko na tiningnan ang lalake na iyon, bakit si mhia na ang pinakamabait sa kanila ang nakita ko na sumusuway sa batas sa palasyo.
“Ano ang ibig sabihin nito mhia!... diba pinagbabawalan tayo…” bulong ko at natataranta na ako. Ang sabi nila ay kamatayan ang kapalit sa amin kapag nahuli na sumama sa mga naglilingkod sa palasyo.
“Aimee… makinig ka,.. matagal na namin itong tinatago, sana maintindihan mo…” pakiusap ni mhia. Naiintindihan ko naman ang ginagawa ni mhia. Kaya dahan dahan akong tumango.
Parang nakahinga naman ng maluwag si Mhia sa reaksyon ko. Siguro okey lang naman iyun atsaka… pero nang lingunin ko ang lalake, ay nakaramdam ako ng takot, kumikislap ng pula ang mata niya… at tumutulo ng dugo ang pangil niya.nang napansin ko na lang na may bite mark din si mhia sa leeg…
“vampire” I whisper…
Dahan dahan akong napaatras, nang wala pang isang minuto ay nasa likod ko na ang lalake na iyun.
“I need to kill her!’’ bulong nito
“No!” sigaw ni Mhia, at ito ang hudyat para makatakbo ako sa kanilang dalawa. Kahit alam ko na impossible na makatakas ako sa kanya.
Tumakbo ako sa hallway kahit pinagtitinginan na ako ng ibang mga bampira at mga servant. Sinigurado ko na dumaan sa maraming tao para hindi ako patayin ng lalake na yun sa harap nila. Nang biglang may humila sa akin. Papunta sa isang storage.
“Nathaniel!”
Sigaw ko nang makapasok kami sa loob ng kwarto.
“ligtas ka dito Aimee, dahil hindi ka mahahabol ni Len”
Tiningnan ko siya nang nagtatanong na ‘alam mo ba’ at tumango na lamang siya. Pagtingin ko sa paligid ay nasa loob kami ng giant freezer… punong puno ng mga bag ng dugo.
![](https://img.wattpad.com/cover/2478912-288-k977059.jpg)
BINABASA MO ANG
Immortal Blood
RomanceSampung taon na ang nakakaraan nang kumalat ang isang malubhang sakit na umubos nang halos lahat ng tao sa mundo. Matapos ang kalamidad na ito, ang kaharian ng Winterhold ay nagging matatag mula sa sakit na ito, kapalit ng kaligtasan, pagkain at gam...