Nagising ako mula sa ingay ni mhia na nasa higaan ko na siya.
“Aimee… nakita kayo ni Len na umalis ka sa upper city kasama ang alila na yun”
Umupo ako mula sa pagkahiga at inaayos ang aking buhok. Naalala ko na pumunta pala kami ni Nate sa Lower City.
“oo umalis kami, para puntahan ang kapatid ko, pumayag ako na itago ang lihim mo at sana wag mo rin sabihin sa iba” irita kong sabi.
“aimee, ang ibig ko lang sabihin na, masyadong mapanganib ang ginagawa mo, kahit din ang tungkol sa iyo ng alila na yun”
Nasaktan ako sa sinabi niya na ‘Alila’. Kaya pinigilan ko ang sarili ko. Kaming dalawa lang ni Mhia ang nasa kwarto at natatakot ako na baka may makarinig nang pag-uusap namin
“Nathaniel ang pangalan niya”
“oo pero-“ kinakabahan si Mhia at tumitingin siya sa gilid ng kearto kung mayroong makarinig.
“diba dapat naiintindihan mo ako Mhia sa lahat ng nandito, kasi” napasigaw na ako, bakit ganito?, hindi ba ako puedeng akong maging masaya?, alam ko naman na mali ang magtago sa kanilang mga bampira.
“pero magkaiba ang sitwasyon natin Aimee!”sigaw niya. Naintindihan niya ang gusto kong sabihin. Tumayo siya sa higaan, alam niya ang ibig kong sabihin, ang relasyon nila ni Len ay isang mali din. hindi naman puedeng itago na lang ng ganito, ang parehong mata ni Mhia ay nagkaroon ng luha. she was still beautiful.
“magkaiba talaga! Mhia!. . . halimaw si Len , sila and dahilan kung bakit nagdudusa tayong mga tao, at ginagawang pagkain.”
“hindi mo ako naiintindihan, sa dami dami pa na puwedeng mong gustuhin. Isang alila lang siya at siguradong papatayin ka ni Prince” nag-aalala niyang sabi.
“wala akong pakealam kay Prince, gusto ko si Nate….Diba pinangako mo sa akin na tutulungan mo ako Mhia?”
Hindi na siya sumagot, nag-aalala siya at naguguluhan. Gusto ko lumabas ng kwarto dahil ayaw ko nang pag-usapan pa iyon at natatakot ako na baka may makarinig pa.
“Aimee! Saan ka pupunta?”
Tumayo ako sa higaan, nawala ang antok na nararandaman ko, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, naiinis ako sa sarili ko…
Pagkalabas ko nang pinto ay nagulat na lang ako nang nakito ko ang prinsipe na nakatayo sa pinto. Kumikislap nang napakinang ang kanyang mata.
“Aimee, saan ka pupunta?” he whispered. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. He wear a elegant black shirt na kahit sa dilim ay kumikinang.
“kailangan… .. ko ng .. tubig”
“Masaya ako na alam mo ang lugar mo bilang pagkain namin, pero kailangan mong parusahan sa pagtakas mo dito?”
Hinawakan niya ang kanang braso ko, at narandaman ko ang sakit dahil sa unti-unti niyang pagbali ng braso ko, at hindi ko mapigilan ang sumigaw, na sumakop sa boung hallway ng palasyo.
Hanggang napahiga na lamang ako sa sahig nang bitawan niya ang braso ko.
“bibigyan kita ng isang araw para layuan ang alila na yun o masasaksihan mo ang galit ko”
Dahan dahan siyang umalis.
“what is mine is always mine…princess…. wag mo kalimutan na binalaan na kita at ayaw kong mawala ka sa akin” and the prince vanished

BINABASA MO ANG
Immortal Blood
RomanceSampung taon na ang nakakaraan nang kumalat ang isang malubhang sakit na umubos nang halos lahat ng tao sa mundo. Matapos ang kalamidad na ito, ang kaharian ng Winterhold ay nagging matatag mula sa sakit na ito, kapalit ng kaligtasan, pagkain at gam...