Chapter 11: Undead

113 4 1
                                        

Nathaniel P.O.V

Dumaan kami ni Asa sa isang lumang tunnel palabas ng lower city, nalaman ko ito nung nabubuhay pa ang aking kapatid, dahil katulad ni Aimee, gustong-gusto niya makaalis sa siyudad.

“ano na ang mangyayari kay Ate?” bulong ni Asa.

Dahan dahan kong kinuha ang flashlight sa bag ko dahil sa dilim nang tunnel, nagulat na lang ako nang Makita ko si Asa, may magkaibang kulay ang kanyang mga mata, isang kulay dagat na asul at pulang parang sa apoy, nag-aalab at taimtim, magkaibang elemento na hindi puedeng pagsamahin.

weird? Diba, sabi ng iba sumpa at sabi ni ate blessing daw ang mga mata ko” ngiti ni asa, magkamukha nga silang magkapatid.

Blessing, bakit?” I asked, habang ina-aalalayaan ang pitong taong gulang na bata, pero pakiramdam ko ay nakikipag-usap ako sa matanda.

nakakakita ako ng mga bagay na hindi nakikita ng normal na tao” he whispered. Hinila niya ang kamay ko kaya napapigil ako, yumoko ako sa kanya kaya halos magkapantay na lang kami ng laki.

Dahan dahan niyang hinawakan ang magkabila kong pisnge, randam ko ang lamig ng kanyang braso.

Hinahanap mo ang kalahati mo, pero ito ay lumalayo sa iyo” dahan dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.

Kalahati?

He smirked, at nag-patuloy pa rin kaming naglalakad sa tunnel.

kalahati, half… ang kambal mo?”

Bigla akong napahinto sa sinabi niya, paano niya nalaman ang tungkol sa kambal ko?, ano ang ibig sabihin niyang lumalayo sa akin.

paano mo nalaman na may kambal ako?, wala pang may alam kahit si Aimee?”

diba sinabi ko na sayo, blessing?”

We walk, hanggang makarating kami sa dulo ng tunnel, medyo tahimik na kaming dalawa, dahil natakot ako sa sinabi niya, my twin died long time ago, I even don’t remember her face.sa  dulo ng tunnel ay maaninag mo ang gubat sa labas ng city. Tinanggal namin ang mga kahoy na nakaharang sa daanan para makalabas na kami sa siyudad

.At ito ang kauna-unahan sa boung buhay ko na lumabas sa siyudad.

Walang pagkakaiba sa loob, maliban lang sa mga patay na puno at mga maduduming daanan, halos lahat ng nilakaran namin ay putik, lumulubo ang mga paa namin sa bawat hakbang at wala kaming ibang nakikita maliban sa mga highanteng puno.

sa tingin ko hindi tayo ligtas dito

May isang hugis tao na lumapit sa amin, kakaiba ang paglalakd niya. May tao rin palang nabubuhay sa labas hindi ako makapaniwala.

“tulong !” I shout, siguro mabuti silang tao, nandito kaya sila para iligtas kami.

Bigla naman ako hinila ni Asa.

“wag!, patay na siya. He’s dead”

Dead, pero naglalakad na siya papunta sa amin, at nang makalapit na sa amin ang tao na iyun ay agnas na ang katawan niya, mistulang bangkay na lang at wala nang laman maliban sa buto at damit, at sa gilid namin, ay nadagdagan pa ng maraming taong patay, may iba na mabibilis kumilos at may iba na mababagal.

Dahan dahan napaatras si Asa nang Makita niya ang mga patay na parating sa amin. Pumanta kami sa isang malaking puno, at binuhat ko paakyat si Asa. Dahil naglalakad na bangkay na lang silay ay hindi sila makasunod pataas ng puno, hanggang napapalibutan na kami ng mga patay sa baba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Immortal BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon