Note: Asa pics at side >>>***
“Aimee” nagising ako nang nasa higaan ko si Mhia, halos magkatabi lang kami ng higaan kaya madali niya akong nagigising. “aimee hinahanap ka ng prinsipe”
Sa pagkarinig ko ng pangalan niya ay bigla akong nagising, nahuli na kaya kami?, paparusahan na ba niya kami. Tumayo ako at nagpalit ng damit mula sa damit pang-tulog. Kinakabahan ako, gabi iyun at malamig din, kaya kumuha ako ng jacket sa closet.
Agad agad akong pumunta kung saan ang prinsipe, nakaupo siya upuan malapit sa bintana ng palasyo. tumayo siya nang Makita niya ako.
“wag ka mag-alala busog ako ngayon kaya hindi ako mag-feed sayo, maupo ka dito” sambit ng prinsipe.
Umupo ako sa tabi niya dahil wala naman akong magagawa sa utos niya, natatakot ako sa puedeng mangyari.
“pasensya na kung hindi ako naging mabuti nung bagong dating ka, at hindi ko nais na ikaw ay matakot sa akin” hinawakan niya ang aking kamay at ito ay hinalikan.
Agad kong hinila ang kamay ko “ wala ka na bang kailangan sa akin, maari na ba akong makaalis?”
Bigla siyang tumawa, pinipilit lang niyang tumigil nang dumating si Nathaniel, na may dalang pulang likido na nakalagay sa bottle wine.
“walang taon ko na din pinammunuan ang kaharian na ito, naiisip ko, siguro panahon na para pumili ako ng makakatulong sa aking pamumuno.”
Ano ba ang gusto niya, ang humanap ng kapareha... at bakit niya sa akin sinasabi ito, unang una hindi ko siya gusto at hindi ko maiisip na gustuhin ang isang halimaw na katulad niya.
Pareho kaming nagtinginan ni Nathaniel, hindi ko alam ang sasabihin ko, ayaw kong magsalita na ikakapahamak namin.
“bakit ?,…….. ang ibig sabihin ko ay maraming container, katulad ni Amanda o ang iba, o… ang ibang bampira na mas maraming alam tungkol sa winterhold”
“tama ka diyan… sa ibang bampira ay malabo iyun dahil iilan na lang ang bampira sa winterhold… pero ang gusto kong sabihin sayo ay isa ka sa pagpipiliian”
Nagulat ako sa salitang pagpipilian niya dahil bakit ako nasali doon, at bakit hindi na lang siya gumawa ng ibang bampira. Dahan dahan niya pinaalis si Nate sa pag-uusap namin.
“alam mo, my princess, ayaw ko sa lahat ang niloloko ako” hinawakan niya ako sa leeg, at unti unti niyang nilapit ang ilong niya sa leeg ko “at alam ko rin kung may nakikihati sa pag mamay-ari ko.”
Binitawan niya ako sa pagkakasakal, at lumabas ang parehong pangil niya sa bibig.
“kaya , Aimee… binabalaan na kita… at kahit isa ka sa aking mga Container ay hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo”
Nakaramdam ako ng sobrang takot, nanginginig ang bou kong katawan sa sinabi niya. Alam niya… alam niya… alam niya ang tungkol sa amin ni Nathaniel. Unti Unti niyang nilapit ang pangil niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng sobrang lamig. At isa lang ang nasa utak ko, hindi ko na kayang tumagal pa dito.
.
.
Akala ko hindi niya ako i-feed, pero sa unang beses na nangyari na ifeed ako ng prinsipe ay hindi ako nawalanan ng malay, siguro nasasanay na ako. Hinatid ako ni Prince sa kwarto ko habang hawak hawak niya ang aking kamay. Nanginginig pa rin ako, pero pinipigilan ko na mapansin niya iyun.
BINABASA MO ANG
Immortal Blood
Roman d'amourSampung taon na ang nakakaraan nang kumalat ang isang malubhang sakit na umubos nang halos lahat ng tao sa mundo. Matapos ang kalamidad na ito, ang kaharian ng Winterhold ay nagging matatag mula sa sakit na ito, kapalit ng kaligtasan, pagkain at gam...