Fangirl 1

715 19 10
                                    

"Every fangirl has its own story so here's mine."
CHAPTER 1 - ME AS A FANGIRL AND A SISTER.
ACES POV

"Go BTS! I love you so much." Sigaw ko at tumili ng sobrang lakas. Hindi pa ko nakuntento, tumalon talon pa ako at sumasabay sa mga naglalakasang sigaw ng mga ARMY's.

There are different types of fangirl at ganito ako mag fangirl. Maingay at malikot at palaban but who cares I just love shouting and supporting Bangtan Boys.

"Kim Namjoon! Kim Seokjin! Min Yoongi! Jung Hoseok! Park Jimin! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS!" Sigaw ko at sumabay nung nag fanchant na.

Spring day music intro echoed all around the place and then Kim Namjoon starts to sing with all his style.

"Bogo shipda Ireoke malhanikka deo Bogo shipda Neohi sajineul bogo isseodo Bogo shipda,"

Napatili pa ako dahil nakasabay ako sa pagkanta nang linya niya.

"Hoy! Ang ingay mo kanina ka pa! Tapos na yung oras mo. Ano mag eextend ka pa ba?!" Sigaw ni Cindy; ang anak ng may-ari ng computer shop sa lugar namin.

"Saglit lang. Five minutes, tatapusin ko lang tong live stream." bulong ko at muling tumingin sa screen. Sobrang lapit ko sakanila. Ang lapit ko kasi sa screen--- screen ng computer sana balang araw makapunta na ako sa totoong concert nila.

"Hindi pwede kanina ka pa five minutes ng five minutes 'eh saka nakaka-istorbo ka na sa mga ibang gamers. Talon talon ka pa diyan, kanina pa ako nabibingi sa mga sigaw mo!" Sigaw ulit niya saakin.

Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng computer shop.

"Ako din nabibingi na sa sigaw mo!" Sabi ko at tinignan siya ng masama. "Magkano ba lahat?" Tanong ko.

"Fourty pesos para sa four hours na pag-iingay mo!" Sigaw na naman ulit niya.

Kumuha ako ng pera sa bulsa ko, "Oh ito fifty pesos. Keep the change." Sabi ko at maglalakad na sana palabas pero hinarangan ako ng dalawang lalaki.

"Puro ka kpop kpop 'eh kpapangit lang naman nila!" Sigaw ni Dante sa pagmumukha ko. They laughed at my reactions yung laway niya kasi tumalsik sa mukha ko.

"Di man nga marunong maghugas ng pwet yang mga yan 'eh. Bwahaha."

Pinagpapalo ko yung dalawang humarang saakin, kapitbahay ko naman tong mga to kaya okay lang.

"Bwisit kayo! Ikaw ang pangit." Duro ko kay Dante, "Ikaw naman hugasan mo ang mukha mo dahil mukha kang pwet. Inaano ko ba kayo ha? Kapag ako nakapanuod ng concert nila who you kayo saakin!" Sigaw ko at nagmartsa na palabas.

"Edi who you, edi wow. Sige na, labas na. Labas!" Sabat naman ni Cindy at pinagtulakan na ako palabas sa pintuan.

"Istorbo! Tse." Dagdag pa niya.

Umuwi nalang ako sa bahay ng masaya nevermind the bullies.

**

"Aces, bakit ganyan naman ang mukha mo." Sabi ni Jaces, pagkapasok ko ng bahay.

"Wala naman. Galing lang akong-"

"Galing ka lang naman ng computer shop at nakipag away." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Napa awang ang bibig ko. "Hala, paano mo nalaman sinundan mo ba ko!" Hindi ako nag tatanong. Kumurba ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Syempre kakambal kita kaya alam ko mga nararamdaman at ginagawa mo. Saka dinig ko yung sigaw mo hanggang dito." Sabi niya at kinindatan niya ko.

Tumawa kaming pareho.

"Kwento ka naman, Ate." Naka ngiting sabi niya pero malungkot ang mga mata niya.

The Fangirl Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon