Fangirl 7

316 19 0
                                    

Literal na holding hands while walking at kapwa kami naka-ngiti.

"So? Ganito ka ba sa lahat ng mga fans mo?" tanong ko, naglalakad pa din kami at paminsan minsan tumatakbo upang habulin kami ng alon.

"Hindi sa lahat, yung ibang fans kasi sa sobrang tuwa nananakit na," naka ngiting sabi niya. "Pero ikaw special ka. Nga pala, may surprise ako sayo. Lika, tatakpan ko muna mata mo 'ah?" Sabi niya at may kinuha siyang panyo sa bulsa niya.

Tumigil kami sa paglalakad at tumalikod ako sakanya habang siya naman ay itinali niya ang panyo sa mata ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko dahil inaalalayan niya ko sa paglalakad.

Ano kaya ang surprise ni Hobie?

"Sige lakad lang. Dahan-dahan." Instruct niya, pakiramdam ko nasa buhangin na kami. Hindi na kasi nababasa ang paa ko. "Lakad lang, okay malapit na tayo. Tatanggalin ko na 'ha?"

Tumango ako.

"In, one two three! Open your eyes na, this is Hobie's surprise." masayang sabi niya saka na naman siya nag form ng heart sa ulo niya.

"Wooow!" sabi ko at tumakbo papunta sa tree house.

Nandito kami ngayon sa isang isla. Walang tao at halatang sinet-up na to kanina nung wala pa kami. Inalalayan niya kong umakyat sa puno na may nakahanda ng hagdan.

Andaming pagkain, napansin ko yung isang box. Nakabalot ito sa gift wrap at may nakasulat na;


'TO : JHOPE
FROM : ACES.'


Inisip ko nalang na pinapabigay ito kay J-hope. Kaya pasimple ko itong kinuha at itinabi sa may upuan ko, mamaya ko nalang ito ibibigay sakanya.

Nag-open siya ng chocolates saka ng wine, saka yung chooks-to-go na chicken nilalantakan na niya pero yung wine hindi ako umiinom 'nun.

Bahala na nga.

Natahimik si J-hope, pero yung ngiti niya hindi pa din nawawala. Hindi pa rin ako makapaniwala, one on one kami ni J-hope ngayon.

Kinuha ko yung naka mineral bottle saka uminom dito.

Kulay kahel na yung kalangitaan, magmula sa lugar namin kitang-kita namin ang napaka-gandang sunset.

May anim pa ako, might as well enjoyin ko muna si J-hope.

"Uyy J-hope, kung magkakaroon ka ng superpower. Ano yon at bakit?" tanong ko saka kumain ng chocolate cookies.

"I want to have a superpower which I can read the people hearts and to know the truth." makahulugang sagot niya.

Nacurious ako, "Bakit yon?"

"Yun yung gusto ko kasi hindi naman lahat ng taong nakakasama natin ay totoo sayo. Sa sitwasyon ko minsan gusto lang ako ng tao dahil sikat ako pero kapag nakatalikod na ako, sinasabihan nila ako ng pangit at tinatawag din akong kabayo. Masakit oo, pero this is me 'eh. I'm such a jolly horse. That's why I want to know the truth also. Gusto kong basahin ang nasa puso ng tao para hindi na lang ako masaktan kapag nagtiwala ako sakanila at gusto kong malaman kung nagsisinungaling ba sila o hindi."

"Wow 'ha. Lakas maka caught in a lie nang sagot mo," pagbibiro ko, "H—hindi ko alam na may pinagdadaanan kang ganyan." malungkot na sabi ko.

"Naaah! Sanay na ako sa mga ganon. Dami kong haters! Ikaw ba anong superpower ang gusto mo?"

Suddenly I saw Jaces smiling face and she is waving at me. I smiled back to her.

"Ako? Healing power, para ako mismo ang magpapagaling sa kakambal ko. Heal people sickness." Sagot ko at ngumiti.

The Fangirl Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon