Fangirl 3

320 14 0
                                    

"To the person who introduce the kpop world to me, thank you."
CHAPTER 3 - KPOP WORLD
ACES POV


***



Natatandaan ko dati isa ako sa mga taong ayaw sa kpop world. Isa ako sa mga haters nila at nagsasabing bakla ang mga kpop idols. Sobrang ayoko sa korean culture o whatsoever na connected sa Korea; dahil una sa lahat hindi ko sila naiintindihan pangalawa ang hirap sumabay sa mga kanta nila.

But my twin sister is a fangirl. I am always with her, everything she does, i do it also and then one day I found myself fangirling to this one kpop group.

Hindi na ako tumingin sa ibang kpop idols ang sabi ko sa sarili ko, sakanila lang ako. Sa 'Bangtan Boys o BTS' lang ako at magiging loyal ako sakanila.

Since that day my life has changed. Kung dati diring-diri ako sa mga koreano ngayon naman kilig na kilig ako sa tuwing nakikita ko silang nagpeperform sa stage. Yung bang kahit sa YouTube or Facebook ko lang sila nakikita sobrang saya ko na. Mas madalas pa nga akong mag fangirl sa kakambal ko 'eh at syempre dumadami na din ang mga kaalaman ko sa language nila.

Katulad ng Annyeonghaseyo, saranghaeyo, chingu, bogoshipda, gwenchana, baepsae, jinjja, at marami pang iba.

Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko napapanuod ang mga random video nang BTS.

To my twin sister who introduced the kpop world to me, thank you so much.

Ngayong araw na pala ang ticket selling para sa Wings Tour at napag isipan ko na hindi na ako bibili ng ticket. Sayang lang kasi talaga ang pera baka kasi mamaya magka-emergency atleast kahit papaano may naitatabi akong pera.

Gagamitin ko nalang yon sa pambili ng gamot ng kambal ko. Saka ang layo layo ng MOA sa lugar namin 'no. Kaya hindi nalang talaga kami manunuod, maghihintay nalang kami ng live streaming. Hindi pa nga daw nakakalipas ang dalawang oras. Sold out na ang ticket. 'Naks! Ang lakas talaga ng mga Bangtan boys sa PH Army.

"Huy bat ka nagwawalis, Jaces. Akin na ako na diyan, magpahinga ka nalang doon?" Suway ko sa kakambal ko. Nadatnan ko siya sa sala saka siya naglilinis dito. Sa may mesa naman nakapatong ang cellphone namin na may tugtog ng BTS.

"Wala lang. Magaling na kasi ako, Aces." Sagot niya saka siya tumawa.

"Ahh," tumango ako, "Sorry ha kasi hindi ako nakabili ng ticket naten hayaan mo babawi nalang ako sayo pag yumaman tayo."

"Okay lang ginawa mo na yung best mo. Okay na ako sa phone saka importante gumagaling na ako kaya hindi na ako nagiging pabigat sayo." Naka ngiting sabi niya.

"Hoy! Grabe ka naman hindi ka pabigat saakin, kambal. Hanggat kaya ko aalagaan kita. Hindi kita papabayaan, ako ang darna mo." Biro ko saka siya niyakap ng sobrang higpit.

I hate it when she is speaking like that, ayokong iniisip niya na pabigat siya sa buhay namin.

Hindi ko na sinabi sakanya ang tungkol sa Random dance play ng BTS. Basta hindi ko muna sasabihin na sasali ako sa contest na yon at kung sakali man na manalo ako, isusurprise ko siya. Kung matatalo man ako okay lang. I know naman there are so many fans out there.

Isang buong linggo akong nag practice ng sayaw. Halos araw araw nanunuod ako ng dance practice ng BTS at walang sawang ginagaya ang mga ito. Bawat galaw dapat tama, isang maling step ko lang inuulit ko ang pag-eensayo. Pursigido akong manalo kaya lahat ng pwedeng gawin. Gagawin ko, manalo lang ako. I will do everything for my twin sister.

I will make her wish, do come true.

"Hala! Kaya mo ding sayawin yung Blood, Sweat and Tears?" Tanong ko sa kakambal ko.

The Fangirl Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon