Fangirl 14

242 7 0
                                    

Nakapalumbaba ako habang nilalanghap ang amoy sa kusina.

We're both smiling from ear to ear.

Nakatayo siya sa tapat ko habang ako naman ay nakaupo. Tanging ang mesa lang ang pagitan naming dalawa.

Humikab ito, "Pasensya ka na medyo inaantok pa ako, pagkatapos kasi ng rehearsals namin kanina sayo ako agad dumiretcho."

"K-kung gusto mo ako na lang ang magtutuloy sa niluluto mo tapos ikaw matulog kanalang muna." sabi ko at tinuro ang kwarto.

Umiling lang ito at tumingin siya saakin. "Ayokong gawin yun 'eh, mas gusto kong pagsilbihan at makasama ka kaysa sa matulog. I don't want to waste this opportunity. I want to cherish this moment with someone like you."

Me as a fangirl, pa-impit akong tumili at tinakpan ang bibig ko.

"Uy kinikilig siya," pang-aasar niya habang may pini-prito siya nang kung ano.

Tumalikod siya saakin dahil may kinuha siya sa fridge.

His broad shoulder exposing, he is tall, he is so handsome. He has this innocent face and sparkling eyes most of all his lower lip is kissable.

Gustong gusto kong magdaldal kaso nahihiya ako. Nakanguso nalang ako habang pinagmamasdan siya sa mga ginagawa niya.

"Dito ka sa tabi ko husgahan mo kong masarap ba ang niluto ko o hindi." tapos kumuha siya ng kutsara.

Mabilis akong lumipat sa tabi niya at nagdikit ang mga braso namin.

Ang gwapo gwapo niya sa malapitan, ano pa ba ang pwede kong itawag sa kagwapuhan niya?

Kumuha siya ng konti sa niluto niya at itinutok niya ang kutsara sa bibig ko habang hinihipan niya ito pati hininga niya ang bango.

Shit! What a lucky fangirl?

"Dahan dahan lang baka mapaso ka 'ha." bulong niya.

His eyes are on mine habang naka awang ng konti ang bibig niya. Isinubo ko kaagad ang nasa kutsara at mas lalo akong naglaway.

"Ang sarap! Perfect!" sigaw ko.

Humalakhak siya at nag high five kami tapos fist bump.

"Ready na ba ang lahat? Gusto ko nang makalipat sa kabilang isla." sabi niya habang nilalagay sa basket ang mga lunch box na may lamang pagkain na niluto niya kanina.

Binuksan ko ang dala kong bag pack, "Damit, underwears, phone with camera-."

"Waterproof yan."

"Okay, may wallet na and power bank tsaka yung mga hygiene mo. So yes, kumpleto na po lahat," pagtutuloy ko sa sinasabi ko kanina.

Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang kamay ko, "Let's go. Adventure and Water sports tayo ngayon!" excited na sabi niya habang hila hila niya ako.

Sumakay kami ng bangka papunta sa Virginian Island na isang oras ang byahe. Naka suot siya ng shades pati na din ako.

Napaka ganda ng tanawin- clear water, mga isla, tapos dagdagan mo pa ang papasikat na araw.

"Aces, pwede ba akong maka-hingi ng favor?" tanong niya at tumango ako.

"Kapag kasama mo ako, huwag mo akong tatawaging kuya tapos huwag kang mag opo saakin 'ha?"

"Sige kung yan ang gusto mo. Nahihiya kasi ako sayo dahil sa edad mo 'eh, Eight years ang agwat natin." sabi ko at nagkunwaring nagbibilang sa daliri.

"Ha-ha-ha. Ayan tatlong tawa para sayo. Age doesn't matter saka, hindi ako matanda."

"Joke lang po kuya!" pang-aasar ko.

The Fangirl Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon