Fangirl 13

245 7 0
                                    

He shoot the ball one handed; ringless and three points!

"Wow! Suga, basketball skill is no joke." sigaw ko sabay palakpak. I saw him smirked at me.

"Maliit na bagay." tipid na sabi niya sabay kibit-balikat. Kinuha niya ang bola at pinaikot niya ito sa daliri niya.

Pagtingin ko sa paligid madami na palang nanunuod sakanya kaya bago pa siya makilala at mamukhaan nang mga tao hinila ko na ito palayo. His gummy smile flashed on his beautiful face although naka disguise siya ng pang school girl still nangingibabaw pa din ang ganda niya.

"Attention seeker ang beauty mo ha!"  bulong ko at kinurot ko siya sa tagiliran tumawa lang ito ng sobrang hinhin. "Tara dun tayo sa claw machine."

"What do you want?" tanong niya habang full concentrated siya sa magiging target niya.

"I want the little stitch," I pointed the blue stuffed toy.

Nag-insert siya ng two tokens, ginalaw niya ang joystick papunta sa left direction and then he pushed the green button. The claw landed on the spot pero hindi kumapit sa target stuff toy na gusto ko.

Suga sighed out of frustration then I patted his head.

"Okay lang yan," I mouthed the word.

Lumabas kami ng arcade at pumasok kami ng Starbucks buti pa dito wala ng masyadong tao tapos calming pa ang ambiance. The coffee aroma and place is perfect. May lumapit na crew saamin at binigay niya ang menu.

"Anong gusto mo?" tanong niya saakin habang nakatingin siya sa menu.

"Kahit ano, first time ko lang makapasok dito 'eh kung ano ang sayo yun na din ang akin." sagot ko at nilibot ko ang paningin ko sa loob.

Ngumiti lang siya ng tipid. Tinawag niya ang crew at may sinabi siya dito pati boses ginawa niyang tunog babae. Maya-maya lang din dumating na yung mga inorders niya, mukhang masarap ang kape at donut kaagad kong tinikman ang mga ito.

"Ang sarap naman nito!" I said excitedly tapos pinunasan ko ang bibig ko.

Tumawa ito.

"Kain ka lang ng kain tapos uuwi na tayo," sabi niya tapos uminom siya sa frappe niya.

Sakay kami ulit ng kotse. Tahimik lang siya habang nagmamaneho, ipinikit ko ang mga mata ko.

"Gisingin mo nalang ako kapag nasa hotel na tayo 'ah."

Gusto kong matulog pero kahit na anong gawin ko pilit lang akong nahihilo sa byahe. Hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto ang sinasakyan namin sa isang bangin.

Teka, bangin?

Nagkukunwari pa din akong tulog habang si Suga bumaba sa sasakyan at may sineset-up siya sa likuran ng kotse. Binuksan ko ang mga mata ko at sumilip kung anong ginagawa niya.

Tinatanggal niya na ang disguise niya, sinuot niya na ulit ang damit na sinuot niya kanina.

Lalaki na siya ulit; gwapo niya tapos ang puti pa.

"Bumaba ka na diyan hindi ka naman talaga tulog." malamig na sabi niya.

Ngumuso ako, "Anong ginagawa natin dito?"

Pinagmasdan ko ang paligid.

Isang masikip na zigzag road at sa harapan namin ay isang malawak at malalim na bangin, na may mga nagtataasang puno sa ibaba tapos hanggang dito natatanaw namin ang dagat na kulay asul at napaka lawak nito.

"I just want have some freetime so okay ka ba dito?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot, "Kahit saan basta maramdaman mong malaya ka sasamahan at sasamahan kita."

The Fangirl Last WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon