Lahat ata ng fangirls excited na sa pag dating ng BTS; habang si Jaces nakahiga sa hospital bed hindi pa din siya okay tapos dumadami pa ang mga bugbug na lumilitaw sa katawan niya. Ang payat payat na niya halos hindi ko pa siya malagyan ng kilay on fleek dahil nasasaktan siya pati buhok sobrang lagas na. Naaawa ako sa kakambal ko pero heto pa rin siya at lumalaban sa sakit niya.
"Kambal, ang sabi sa facebook isang linggo ang stay ng mga BTS dito sa pilipinas bago sila mag concert," naka ngiting sabi ko kay Jaces. "Malapit na ang Wings Tour!" at pinakita sakanya ang isang facebook post.
Pumikit ang mga mata niya saka binuka ang bibig niya.
"Umuwi ka na Aces," mahinahon na sabi niya. "Ikaw na ang mag claim sa prices. Mas deserve mo yon."
"Ha?" Naguguluhang tanong ko.
Hindi siya sumagot at nag iwas siya ng tingin.
"Hindi pwede! Sayo yung prizes na napanalunan ko! We made a promise right? You told me kapag magaling ka na manunuod ka ng concert nila—"
Tumawa siya ng mahina. "Mukha ba akong magaling? Tignan mo nga ako. Ganito ba ang itsura ng taong walang sakit? Mukha akong alien na binugbog. Walang buhok, walang kilay. Hindi ako magaling. Hindi na ako gagaling sa sakit ko palibhasa hindi mo nararasan ang nararamdaman ko kaya ang dali lang nang lahat para sayo."
She started to cry silently, "Palibhasa hindi ikaw ang nasa kalagayan ko! Umalis ka na nga dito. Ayokong makita mo kong ganito! Umuwi ka na!" Sigaw niya.
Umupo pa siya upang maabot niya ako at sinabunutan niya pa ako pero mahina lang ang kanyang pwersa kapwa kami nag iiyakan habang hinahayaang saktan niya ko.
"Ano bang problema mo?" pasigaw na tanong ko, "Sige saktan mo ko hanggang sa magsawa ka."
"Umalis ka na kase ayoko ng makita ka." Bulong niya binitawan niya na ako saka siya tumalikod saakin.
Tumango ako at dahang dahang umalis. Nababasag ang puso ko sa bawat hakbang papalayo sakanya.
***
"Anak, pagpasensyahan mo na ang kakambal mo 'ha." Sabi ni papa saakin habang haplos haplos niya ang buhok ko.
Nasa bahay na ako ngayon at heto walang tigil sa pag-iyak.
"Iwan mo po muna ako 'pa." Bulong ko at nagtago sa kumot.
Anong silbi pa ng premyo ko? Aanhin ko ang chance to meet with BTS at VIP concert ticket kung hindi naman masaya ang kakambal ko?
Kung hindi naman ako masaya.
Sa buong buhay ko ngayon palang kami nag away ng kakambal ko. Parang dinudurog ang puso ko kahit hindi naman talaga. Sana hindi nalang siya ang nagkasakit.
"Anak may naghahanap sayo sa labas." Sabi ni papa, "Ayusin mo muna ang sarili mo ha? Taga BTS daw sila 'eh." Dagdag niya saka kumindat.
Ha?
"ANO?!" Sigaw ko saka mabilisan na tumayo at tumakbo papunta sa cabinet ko at naglabas ng masusuot ko. Mabilisan lahat, pati pagsuklay, paglalagay ng powder, apply lipstick at blush on.
Lumabas ako agad sa kwarto. May apat na tao sa sala namin, yung isa sakanila parang camera man. Tinignan nila ako ng parang may mali saakin saka sila humagalpak sa tawa. Napangiwi ako sa reaction nila. Lumapit si papa saakin saka siya may binulong.
"Baligtad ang panjama mo 'nak. Mukha ka ding clown." Saka din siya nakitawa, pinalo ko siya ng mahina.
Tatay ko talaga kahit kailan!
BINABASA MO ANG
The Fangirl Last Wish
FanfictionShe is not just a fangirl, she is a fangirl with a dream--- Aces Angelie Mcqueen a lucky fangirl who has a once in a lifetime opportunity to asked a wish for BTS. Another story has made for a fangirl, let us fall inlove together with Aces Mcqueen a...