Hindi Ko Pa Rin Alam #3
Sunday. January 04. 3:02 pm.
"Oh ayan. Chocolate. Nang maging hyper ka naman bes !"sigaw sa'kin ni Tim sabay bagsak ng toblerone sa la mesa.
Kanina pa 'ko nakapangalumbaba sa la mesa at panigurado kanina pa rin ako nakatulala. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nila.
"Tim, kanina pa ba 'ko nakatulala dito?"
"Ay hindi, bes. Maghapon ka la naman dyan eh," sagot nya sabay upo sa upuang nasa harap 'ko. "Hmm, ano ba kasing problema?"
Napahinga ako nang malalim.
"Lumalala na kasi si Dave eh. Kada araw pabongga nang pabongga lalo yung mga regalo nya. Di naman araw araw eh birthday 'ko," nakakunot kong sabi.
"Ayun ba problema mo?Mas maganda nga yun eh. Ang effort effort nya sayo bes. Bihira lang ang mga ganung lalaki."
"Oo, bihira lang. Pero naweiweirdohan na 'ko bes eh. Kung di mo ko pinilit na magsabi ng "oo" nung mga time na umamin sya, di sana mangyayari 'to eh."
"Eh di sorry!Hahahaa!Sorry bes. Pero pag ayaw mo na, aminin mo na sa kanya. Baka umaasa yung tao eh. Nandito lang ako para suportahan ka," ngumiti sya sa'kin at tumayo na.
3 buwan na kasing nanliligaw sa'kin si Dave. 3 buwan na rin ang nakalipas simula nung aminin nya sa'kin ang feelings nya. Gusto nyo ng flashback? Well, kahit ayaw nyo o gusto, may flashback pa rin.
*Flashback*
Tumingin ako sa paligid 'ko. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang mga taong nakapalibot sa'min, nakangiti si Steph at Tim, at nakaluhod naman sa harap ko si Dave.
Gusto kong humindi. Ayokong magpaligaw sa kanya. Kasi alam ng puso 'ko na kay Tim lang ako at kung magpapaligaw ako, ibig sabihin nun ay binigyan ko na rin ng chance si Dave na makuha ang puso 'ko. And that's pagpapaasa.
Pero naman, mahal ko nga si Tim. Di naman ako mahal. Kung di ko naman bibigyan ng chance si Dave eh, pano nalang kung ayaw talaga sa'kin ni Tim?Eh di forever single na ako?
Biglang nag-vibrate yung phone 'ko.
In-open ko ito at tinignan kung sino ang nag-text. It's Tim.
1 new message from Tim: 7:23 pm
Go go na, bes! Aayaw ka pa ba kay Dave?Yung crush mo, crush ka na din. And he's willing to court you. Don't lose the chance. I know Dave is a good man.
In-off ko ang phone 'ko at lumingon kina Tim. He's smiling at me genuinely at naiiyak ako.
Bakit, Tim?Bakit hindi ko sinabi sayo na ikaw ang gusto ko at hindi si Dave?
Tinignan 'ko si Dave.
He looks nervous. But smiling. Takot nga sya na baka ireject ko sya. Bakit ba kasi sa'kin pa nagkagusto si Dave eh?Hindi naman ako kagandahan. Matalino lang ako pero may eyeglasses ako at pandak. Bakit di nalang yung ibang girls na mas maganda pa sa'kin?
Bumuntong hininga ako.
"S-sa ngayon friends tayo, Dave. But I am allowing you to court me," mahinahong sabi 'ko nang hindi man lang inaalis ang tingin 'ko sa kanya.
Nagningning ang mga mata nya at agad nga 'kong niyakap. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid namin. "Thank you," bulong nya. "Ay sorry," sabi nya sabay hiwalay nang yakap sa'kin.
Nakita 'kong nakangiti naman si Tim.
Ayos na 'to. Napangiti ko na yung taong mahal 'ko...
*End of Flashback*
YOU ARE READING
Alam Mo Ba?
RomantizmPretending. Eto yung hobby na ginagawa mo, pero di ka naman sumasaya. Gara 'no?Ginagawa mo pa yung mga bagay na ikalulungkot mo. Sa pag-ibig kasi, sinusubukan kung sino ba talaga yung matibay. Sapat na ba yang tibay mo? Napatunayan ko kung gano ako...