Hindi pumayag na umalis sa kanilang tirahan ang tribongA mburao sa kagubatan,mabuti na lamang ay nakapag tapos si Liway ng pag aaral sa kolehiyo at nasagot ang mayor tungkol sa tangkang pagbebenta ng lupang kanilang tinitirhan sa mga dayo.
‘’Kailangan gumawa tayo ng hakbang na huwag ibenta ang lupang to Liway.’’wika ng pinunong mangyan sa binatang si Liway.
‘’Luluwas ako muli ng bayan upang humingi ng tulong sa kinauukulan,wag po kayong mag alala hindi ko po hahayaan na sirain nila an gating tirahan.’’wika ni Liway sa pinunong mangyan na agad nakaisip ng paraan upang pigilan ang mayor na ibenta ang lupain nila na pagmamay ari ng gobyerno.
Nang gumabi ay makikita si Halina na iniisip ang lalaking dayo na nakilala niya.Ngaun pa lang siya nakakakita ng ganung klaseng lalake,maputi,matangos ang ilong at makisig na madalas pangaraping mapangasawa ng lahat ng mga babae.
‘’Ano ang iniisip ng mapapangasawa ko?’’tanong ni Liway ng lapitan nito si Halina na tulalang nakaupo sa may tapat ng kubo nila.
‘’Iniisip ko kung hanggang kelan pa kami titira dito.’’pagsisinungaling ni Halina sa mapapangasawang binata.
‘’Hayaan mo Halina gagawin ko ang lahat wag lang tayo paalisin dito sa ating lupa,pupunta ako ng bayan para kausapin ang ilan sa mga kasama ko na tutol sa pamumuno ng mayor upang iprotest ang bantang pag aangkin at pagbebenta n gating lupa.’’wika ni Liway sa tila d nakikinig na si Halina na ang tanging iniisip ay ang dayong binata.
‘’Matutulog na ako Liway ,magandang gabi sayo.’’wika ni Halina sa binatang lubos na iniibig siya ng hawakan ang mga kamay ng dalaga.
‘’Mahal na mahal kita Halina,sana maramdaman mo ang pagtatangi ko sayo.’’wika ni Liway sa mapapangiting dalaga na ang pusoy nakakulong sa dayong binata.
Kinabukasan ay maagang umalis si Liway upang maisakatuparan ang misyong mailigtas ang mga katribu sa tangkang pagpapalayas.Nang nasa bukana na ito ng highway ay bigla siyang dudukutin ng mga d kilalang kalalakihan sabay pasok sa van at makikita ang mayor na lubos nitong pinagtatakahan.
‘’Masyado kang pakelamero bata,dahil sa ginawa mo nagsi atrasan ang mga investors ko.Kaya naman ikaw ang kabayaran ng mga kasawian ko sa negosyo.’’wika ng mayor sabay senyas sa isang lalake na bubunot ng baril sabay kalabit ng gatilyo sa may tyan ng binatang mangyan na mawawalang ng malay tao.
Ilang linggo ng d pa bumabalik si Liway sa mga katribu nito,lubos na nag aalala ang mga pinuno lalo na ng isa isa na nilang nakikita na pinuputol ng mga puno sa kagubatang kanilang tinitirhan.
‘’Kapag d pa kayo umalis ay mapipilitan naming gibain ang mga bahay niyo.’’wika ng isang lalake na inutusan ng mayor na pagsabihang umalis ang mga mangyan na naninirahan sa kagubatan
‘’Hindi kami aalis,magkakamatayan muna bago niyo kami mapalayas dto.’’’’wika ng pinunong mangyan sa lalaking utusan.
‘’Kayo po ang bahala pero nagsabi nap o kmi sa inyo.’’wika ng llake na agad aalis habang nag aalala naman ang mga pinuno sa kalalabasan ng kanilang pagmamatigas na huwg umalis.
Tatlong araw ang lumipas habang nangangahoy si Halina ay biglang makakarinig ng mga putok ng baril ang dalaga.Dali dali itong tatakbo papunta sa kinaroroonan ng kanyang tribu ng masaksihan na pinagbabaril ito ng mga armadong tao.Lalabas sana sa mga puno si Liway ng biglang hilahin ng isang lalake palayo sa lugar na iyon.
‘’Bitiwan mo ako!bitiwan mo ako!’’wika ni Halina habang buhat buhat ng isang lalaking d niya kilala at magugulat ng ilapag siya ay un pala ang dayuhang binata na minsan niyang nakilala.
‘’Sumama ka skn kung ayaw mong matulad sa kanila.’’wika ng binatang binatilyo ng mapansin ang iilang mga bata na kasama nito.
‘’Ate Halina!’’umiiyak na wika ng mga batang naulila sa amat ina ng makipag laban ito sa malupit na tauhan ng mayor ng bayan.
‘’Anong nangyayari? Asan si Nay? Asan ang iba?’’tanong ni Halina habang yayakapin ang mga batang kasama niya.
‘’Wala na sila,mabuti pa dalhin mo na sila dahil kapag nalaman nilang may buhay pa sa tribo nio im sure isusunod na nila kayo.’’wika ng binata sa dalaga at mga bata.
‘’May nakita pa akong mangyan dun!’’sigaw ng mga tauhan ng mayor na ikinabahala ni Halina at ng mga bata.
‘’Dali tumakas na tayo!Halina ang mga maliliit dalhin mo!’’wika ng binata na bubuhatin ang isa sa mga bata.
Dali daling tumakbo papalabas ng gubat si Halina at ang mga ulilang batang mangyan at ng Makita ang land cruiser ay agad silang sumakay at lumayo sa kagubatan.
‘’Ate Halina papaano na kami,piñatay nila si Inay at Itay.’’wika ng isa sa mga bata sa naluluhang si Halina.
‘’Hindi ko alam pero wag kayong mag alala gagawa ako ng paraan.’’wika ni Halina habang nakatingin sa binatang dayo na si Sam na nakatigin sa knila.
‘’Dun tayo sa villa namin pwede kayong tumira pansamantala doon at pagkatapos hahanap tayo ng governemtn agency na pwedeng kumupkop sa mga tulad nio.’’wika ni Sam na malaki ang awa sa mga batang mangyan na nangulila.
‘’Hindi ba isa ka sa kanila? Ikaw at ang mga kasama mo ang gustong umangkin ng lupa namin.’’wika ni Halina sa tila naguguluhang binata.
‘’Nagkakamali ka miss,nung nakita mo ako dun sa lugar niyo ay dahil tutol ako sa pagpapaalis sa inyo.Kinumbinse ko si Papa na wag bilhin ang lupain niyo dhil lupa iyon ng inyong tribu,bumalik ako para tingnan kung anong nangyari at gnun na lang ang gulat ko ng Makita ko ang pag masaker nila sa mga kalahi mo.’’wika ni Sam sa tila naliwanagang dalaga na naiintindihan na kung bakit nagawang iligtas sila ng binata.
‘’Kung ganun maraming salamat sa pagligtas mo smn pero hindi na namin kailangan ng tulong mo kaya naming mabuhay ibaba mo nalang kami dyan sa may mga kakahuyan kung saan kami nababagay.’’wika ni Halina sa matatawang si Sam.
‘’hahaha ur joking right?ano ako sira ulo na ibaba kayo dito? Dun na kayo sa villa namin at kapag maayos na ang pag iisip mo saka tayo magplano kung saan kayo titira kaya wag kang magmadali ha?’’wika ni Sam sa tila napahiyang dalaga.Napakalayo ng villa ni Sam kaya naman nakatulog si Halina at anng mga bata samantala sa tribu ng Amburao ay isa isang hinahagis ng mga tauhan ng mayor ang mga napatay na katutubong mangyan sa isang malaking hukay at ng matapos ibaon ay agad silang aalis na walang iiwang ebidensya ng krimen na kanilang ginawa ng biglang dumating si Liway na nooy nagtataka sa biglang pagkawala ng mga katribo niya.
Itutulo