Sa piling ni Liway unti unting binangon ni Halina ang sarili nito sa pamamagitan ng tulong ni Don Fredo ang taong tumulong kay Liway noon sa Mindoro.May mga gabi na binabangungot at binabalikan ng masamang nakaraan si Halina ngunit dahil sa tulong ni Liway at ni Don Fredo ay unti unti nilang binabalik sa dati ang dalaga.Samantalang si Sam naman dala ng pagkawala ng kanyang asawa at magiging anak nila ni Halina ay inilulong ang sarili sa alak habang pilit na inaaliw ni Candice na ex gf niya.
‘’Sam tigilan mo na ang pagpapahirap sa sarili mo,andito naman ako…magsimula tayo ng bago.’’wika ni Candice ng makitang lasing na lasing ang dating kasintahan.
‘’Hindi ikaw ang mahal ko! Marunong ka bang umintinde ha! Umalis ka nga sa harap ko Candice kasi kahit kalian d kita mamahalin!Si Halina ang mahal ko! Siya lang at wala ng iba!’’wika ni Sam sabay tulak papalayo sa galit nag alit na si Candice.
‘’Punyeta ka Sam! Halos ginawa ko na ang lahat para lang mahalin mo ulit ako pero ito lang ang gagawin mo sakin ha! Hinding hindi ka na babalikan ni Halina alam mob a kiung bakit? Dahil sirang sira na siya! Isa na siyang putik na pakalat kalat sa kalsada dala dala ang anak mong walang kwenta!’’wika ni Candice ng biglang sampalin ng malakas sa mukha ni Sam.
‘’Kung si Halina ay putik ikaw isa kang demonya!Sabihin mo sakin may kinalaman k aba kung bakit nawala sa tamang pag iisip ang asawa ko ha! Umamin ka Candice! Umamin ka!’’wika ni Sam sa nagpupumiglas na si Candice ng pigilan ni Richard at Mattha.
‘’What the hell are you doing to Candice ha Sam? Nasisiraan ka na ban g ulo ha?’’wika ni Richard sabay alalay kay Candice na agad kakalas sa mga kamay nilang mag asawa.
‘’Ayoko na suko na ako! Ayoko ng maghabol pa dyan sa anak niyo! Parehas lang sila ng asawa niya mga sira ulo!’’sigaw ni Candice na agad mag wa-walk out habang maiiwan ang tumutunggang si Sam habang lalapitan ng ina nitong si Martha.
‘’Iho tama na, kalimutan mo na si Halina.Wala na siya….andiyan naman si Candice eh…andyan siya na nagpapaktanga para sayo.’’wika ni Martha ng biglang ihagis ni Sam ang hawak nitong baso.
‘’Bakit niyo ba ang pinipilit na ipakasal dyan sa babaeng yan?Hindi ko siya mahal, may asawa akong tao na missing ng ilang buwan.Sabihin niyo nga sakin Ma, may kinalaman ba kayo sa pagkawala at pagkabaliw ni Halina?Alam ko galit kayo sa kanya sabihin niyo na! anong ginawa niyo sa kanya?’’tanong ni Sam ng biglang hawakan sa leeg ni Richard.
‘’Richard tama na…please!’’wika ni Martha ng awatin nito ang asawa sa pagkakahawak sa leeg ng anak nila.
‘’Kung gusto mong hanapin ang baliw mong asawa sige gawin mo pero wag na wag mong dadalhin sa pamamahay ko ang walang kwenta mong asawa~!’’wika ni Richard kay Sam na biglang aalis habang si Martha naman ay biglang sumakit ang ulo at mawalan ng malay tao.
Nairaos na ni Halina ang panganganak sa anak nila ni Sam,si Liway ang tumayong ama na agad minahal ang bata kahit d ito galing sa kanya.Patuloy ang pagtulong ni Don Fredo sa mag ina at pinadoktor na rin sa isang psychologist si Halina dahil sa gabi gabing mga bangungot ng nakaraan niya.Mag aanim na buwan na ang bata ng tuluyan ng naka move on at gumaling si Halina ng kausapin siya ni Don Fredo.
‘’Sigurado k aba Halina na ayaw mo kasuhan ang mga umabuso sayo? ‘’tanong ni Don Fredo kay Halina isang buwan matapos maipanganak nito ang anak niya sa asawang si Sam.
‘’Ayoko na pong balikan ang nakaraan ko gusto ko na po sanang matahimik na kasama ang anak ko.’’wika ni Halina na kinakalimutan ang nakaraan para sa panibagong buhay kasama ang anak nila ni Sam.
‘’Mabuti naman at d mo ninais pang mag higanti,ang payo ko sayo iha wag mong hayaang maging mababa ang tingin sayo ng mga tao dahil isa kang katutubo at salat sa dunong.’’wika ni Don Fredo sa mapapaisip na si Halina.
‘’Hindi mo ako matalino,Grade three lang po natapos ko.’’wika ni Halina sa mapapangiting si Don Fredo.
‘’Andito naman ako para turuan ka,nag usap na kami ni Don Fredo na aayusin natin ang buhay mo at magsisimula ito sa pagbabalik pag aaral mo.’’wika ni Liway kay Halina na lubos ang pasasalamat sa bagong buhay na inaalok ng butihing don sa kanya.
‘’Marami pong salamat,hindi ko alam pano ako makakabayad sa lahat ng tulong niyo samin.’’mangiyak ngiyak na wika ni Halina sa mayamang matanda.
‘’Sikapin mong ibangon ang sarili mo para sa inyo ng mga anak mo yan ang kabayaran na gusto kong makamtam sayo.’’wika ni Don Fredo ng biglang dumating si Max ang kanyang anak na isang sikat na photographer ng bansa.
‘’Hep hep Sali ako sa usapan na yan.’’wika ni Max sabay hawak sa balikat ni Liway.
‘’Bakit Max may problem aba?’’tanong ni Liway sa mapapangising si Max.
‘’Kasi kapatid kailangan ko ang tulong niyo ni Halina,Dad sana pumayag ka rin.’’wika ni Max sa ama na naguguluhan sa pabor na hinihingi ng anak niya.
Magdadalawang taon simula ng mawala si Halina sa buhay ni Sam na nooy lugmok ang sarili sa pag inom ng alak.Na stroke ang kanyang inang si Martha na d na makapag salita ng maayos at ang negosyo ng kanyang ama ay napunta na kay Candice na siya ngaung namamahala.Isang araw ay naubusan nan g perang pang inom si Sam ng maisipan nitong pumunta sa office ni Candice.Nasa may parking lot na ang sasakyan nito ng mapansin ang bukana NG building kung saan may bumaba na isang matangkad na babae.
‘’Halina your bag!’’wika ng isang baklang tila P.A ng babae na ikinagulat ni Sam na agad bababa sa sasakyan nito upang sundan ang babae ng harangin ng mga security guards nito sa daan.
‘’Sir bawal po kayong lumapit.’’wika ng mga security guard habang pinagmamasdan ni Sam ang babae na pumasok sa building kung nasan naroroon ang office ng kanilang kumpanya na pinamamahalaan ni Candice.
‘’Si Halina un! Kailangan kong makasiguro.’’wika ni Sam na agad humanap ng ibang daan papasok ng building at ng makapasok ay bigla nitong mabubunggo si Candice na iritadong Makita ang dating kasintahan.
‘’Money again huh?dun nalang tayo sa office mag usap.’’wika ni Candice na agad sinundan ni Sam ng biglang mapako ang kanilang mga mata sa isang photo shoot sa may elevator na ikapanlalaki ng kanilang mga mata.
‘’Yes Halina that face,yes more serious face pang corporate head ang dating.’’wika ni Max habang pinipicturan ang ngaun ay sikat na fashion model na si Halina na nagpanganga kay Candice at Sam na dati niyang asawa.
Itutuloy