Chapter 6

479 10 0
                                    

Tutol man sa gusto ng ina ni Sam na pumunta sa mansion nila kasama ang asawang Mangyan ay mapapayag ito dahil sa pagpupumilit ni Halina sa kanya.Namangha si Halina ng Makita ang lawak ng bakuran na pag aari ng mga magulang ni Sam.At napanganga ito ng Makita na mismo ang mansion kung saan naghihintay ang mga byenan ng kanyang asawa.

‘’Iho nagagalak akong Makita ka.’’wika ng ama ni Sam na si Richard kasama ang asawang si Martha na hilaw ang ngiti sa byenan na si Halina.

‘’Pa this is my wife,Halina.’’wika ni Sam sa ama na agad yayakapin ang manugang niya.

‘’Napakaganda naman ng asawa mo anak,I heard u came from a Mangyan Tribe.Well welcome sa family namin Halina,halika kayo pumasok kayo sa bahay ko.’’wika ni Richard sabay siko sa asawa na yayain ang anak at manugang nito sa loob ng bahay nila.

‘’Ok narinig niyo ang asawa ko pasok na kayo.’’matabang wika ni Martha na agad tumalikod habang makikitang iiling iling nalang ang asawang si Richard.

‘’Pagpsenciahan mo na ang Mama mo,binigla mo kasi siya sa pagpapakasal mo.Medyo O.A pero ganyan talaga ang mga Mommy may pagkasenti.’’wika ni Richard sa matatawang si Sam na napatingin sa tila nahihiya at nag aalangan na si Halina.

‘’Are u ok? wag ka ng mahiya kita mo mabait naman ang Papa ko,wag mo nalang pansinin si Mama.’’wika ni Sam sabay hawak sa kamay ng asawa.

Isang ngiti ang makikita sa labi ni Halina na agad aalisin ang pangamba sa puso niya.Laking gulat ng mag asawa ng Makita ang ex gf ni Sam na si Candice na nakaupo sa hapag kainan.

‘’Hi your back!’’wika ni Candice na mapapataas ang kilay ng Makita si Halina na hawak ang kamay ng dating nobyo niya.

‘’Why is she here?’’tanong ni Sam sabay turo kay Candice na parang hindi siya welcome.

‘’Dont be rude Sam,Candice is our guest in the house.’’wika ni Martha sabay hawak sa kamay ni Candice na tila d nagustuhan ang tono ng pananalita ng ex bf niya.

‘’Well akala ko kasi kami lang ang inimbitahan niyo dahil ako ang anak niyo.’’wika ni Sam na ikinainis ni Candice na pinipilit pakalmahin ang kanyang sarili.

‘’Now,now tigilan niyo ang iringan nay an ok? Nasa harap tayo ng lamesa kaya igalang natin ang pagkain.Sige na kumain na kayo at marami tyaong paguusapan pagkatapos nito.’’wika ni Richard sa kanyang mag ina na matatahimik sa bangayan nila.

Tahimik na kumain ang mag anak habang si Halina ay natigilan ng Makita ang sangkatutak na kubyertos sa kanyang harapan.Hindi niya alam kung ano ang uunahin sa dami ng pagkaing nakahain kaya naman iinom nalang ito ng tubig ng mapansing na mapapangiting si Candice.

‘’I think ur wife doesn’t know how to eat in a fine dinner like this Sam.Halina baka gusto mong magkamay baka kasi d ka sanay gumamit ng mga kubyertos kasi wala ganito sa bundok na pinanggalingan mo.’’wika ni Candice na may halong pang iinsulto sa d maka gets na si Halina.

‘’Candice stop it!Tuturuan kita ok eto...’’wika ni Sam ng biglang pigilan ni Halina at kukuha ng isang pritong manok at kakainin gamit ang kamay niya.

‘’Mas komprotable ako gamit ang mga kamay ko.’’wika ng napangiting si Halina sabay tingin kay Candice na namangha sa ginawa ng karibal niya.

‘’Hmmm alam mo tama ka,lets eat?’’wika ni Sam na ibinaba ang kutsara at tinidor at kumaing gamit ang kamay tulad ng kanyang asawa.

‘’Ewe naghugas ba kayo ng kamay? Nakakasuka!’’wika ni Martha sabay siko ng kanyang asawang si Richard.

‘’Well I think masarap daw kasi kumain ng nakakamay na may kasamang germs hahaha.’’wika ni Candice na pilit nagpapatawa ngunit wala man lang nag react sa pa insultong biro niya.

BABAENG PUTIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon