Chapter 15

722 23 1
                                    

Pinagmasdan ni Martha ang asawa nitong si Richard na paalis ng mansion nila sa may veranda.Pupuntahan nito ang anak nila na si Sam na aksidenteng nabaril ng inupahang assasin ni Richard na ang totoong target ay si Halina.Dahan dahang tatayo si Martha at uutusan ang katulong na kunin ang telepono.Tatapusin na ni Martha ang lahat ng kawalang hiyaan nilang mag asawa.

''Ligtas na ang bata.''wika ng doktor kay Halina at Liway na napaiyak sa tuwa ng wala na sa panganib si Ningning.

''Sige na puntahan mo na si Sam,hindi na kita pipigilan.''wika ni Liway na nagparaya para makausap nI Halina si Sam para pasalamatan ito sa pagkakaligtas sa anak nila na si Ningning.

Matagal ng alam ni Liway na hindi siya kayang mahalin ni Halina,si Sam ang nasa puso ng babae.Pinakikisamahan lang siya ng maayos ni Halina dahil sa utang na loob nito sa kanya.Masakit pero tanggap ito ni Liway,ang mahalaga na lamang sa kanya ngaun ay si Ningning.Napamahal na sa kanya ang bata,gusto niyang makitang masaya si Halina at kung ang pakikipag balikan kay Sam ang tanging paraan ay handa siyang palayain ang iniibig niya.

''Ligtas na ang anak natin.''wika ni Halina ng pumasok ito sa kwarto at madatnang nagbabasa ng dyaryo ang sugatang si Sam.

''Mabuti naman,Halina sa tingin mo sino ang pwedeng gumawa sayo ng ganito?''tanong ni Sam ng tingnan siya ng makabuluhan ni Halina sa mga mata.Parang tinusok ang puso ni Sam sa mga titig na iyon,alam niyang maaring ang mga magulang nito ang may pakana sa tangkang pagpatay kay Halina.

''Huwag mo ng isipin masyado un Sam,ang mahalaga ligtas kayo ni Ningning.''wika ni Halina na hahawakan sa kamay si Sam.Mariin na pipisilin ni Sam ang kamay na nakahawak sa kanya.Sobra niyang namiss ang kamay ni Halina,ang malambot at maarugang kamay ng asawa.

''Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa inyo ng anak natin.Ikaw ang buhay ko Halina,ikaw at si Ningning.''wika ni Sam na nakatingin sa mapupungay na mga mata ng asawa.

''Sam alam mong hindi na tayo pwede,kung ano mang meron tayo ngaun hanggang pagkakaibigan lang.''giit ni Halina na iiwas ang mga mata sa mga titig ng dating asawa.

''Ipaglalaban ko parin ang nararamdaman ko sayo,kahit paulit ulit mo akong itaboy palayo Halina.''wika ni Sam ng kunin ni Halina ang kamay nito sa asawa.

''Magpahinga ka na Sam,titingnan ko muna si Ningning.Salamat sa tulong mo.''wika ni Halina ng biglang hilahin ni Sam palapit sa mukha niya.

''Mahal na mahal kita.''wika ni Sam sa iiwas na si Halina na pilit nilalabanan ang nararamdaman nito sa dating asawa.

''Tama na Sam bitiwan mo ako.''wika ni Halina ng iharap ni Sam ang mukha nito sa kanya sabay bigay ng masiil na halik sa asawa.

Habang naghahalikan isang malungkot na Liway ang makikitang nakasilip sa pinto at aalis na lubos na nasasaktan sa nasaksihan niya.Masakit...masakit tanggapin ang katotohanan pero kailangan para sa kaligayahan ni Halina.

''I have to go.''wika ni Halina na kakalas sa pagkakahalik ni Sam at lalabas ng kwarto na malakas ang tibok ng puso niya.

''Halina,dito ka lang pala kita makikita.''wika ng isang boses sa mapapalingon na si Halina at magugulat na makita ang lalaking nasa likod niya.

Walang kamalay malay si Sam na ang babaeng iniibig nito ay tangay ng isang lalakeng malapit sa buhay niya.Makikita si Liway sa may pasilyo ng ospital na magtataka ng makitang may kasamang matandang lalake si Halina na tila ba ay pinipilit nitong isama ang iniibig niya.Dali dali niya itong susundan hanggang sa may labas ng parking lot kung saan makikita niyang may hawak na baril ang matanda na nakatutok kay Halina.

''Ikaw! napaksama mo talaga! pati anak mo nadadamay sa kasamaan mo!''wika ni Halina habang pinipilit na isama ni Richard pasakay ng kotse niya.

''Ikaw ang dahilan bakit nasira ang pamilya namin,ikaw na Mangyan ka dapat ka ng mawala.''wika ni Richard ng bigla siyang hilahin ni Liway palayo kay Halina.

''Halina takbo na!''sigaw nI Liway ng biglang umalingawngaw ang putok ng baril at makikita ang duguan na si Liway na babagsak sa lupa.

''LIWAY!''sigaw ni Halina na agad niyang sasaklolohan ng bumagsak ito s alupa.

''Bakit hindi ka pa tumakbo? umalis ka na!''wika ng naghihingalong si Liway habang nasa kandungan ng umiiyak na si Halina.

''Hindi kita kayang iwan,Liway lumaban ka!''wika ni Halina ng makita ang mapapangiti na si Liway.

''Mahal na mahal kita Halina,kayo ni Ningning....ma-hal..ko...ka..yo!''wika ni Liway na unti unting malalagutan ng hininga dahil sa tama ng baril na dumeretso sa puso.

''LIWAY! LIWAY GUMISING KA!HAYOP KA TALAGA!''wika ni Halina na mapapatingin ng masama kay Richard na agad itinutok ang baril sa kanya.

''Mamatay ka na HALINA!''sigaw ni Richard ng biglang may tumagos na bala sa dibdib nito na galing sa mga pulis na rumesponde kay Halina.

Nagawa ni Martha na isumbong sa mga pulis ang tungkol sa masamang plano ni Richard kay Halina.Ibinigay din nito ang diary niya na naglalaman ng mga testamento ng pagpapahirap nilang mag asawa at ng kasabwat na si Candice kay Halina.Makikita si Martha na nakangiting nakatingin sa hagdan at ng paaalis na ang mga pulis ay bigla gugulong ang wheelchair kung saan babagsak si Martha na duguan ang ulo at wala ng buhay.

''Napakasama ng nagawa ng mga magulang ko sa buhay mo Halina,hindi ko sila mapapatawad.''wika ni Sam ng ibalita ni Halina ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ng asawa.

''Tapos na ang bangungot ng buhay ko,wala na sila Sam.Marami man silang nagawang kasalanan sakin ay nagawa ko na silang patawarin.Sana ganun ka rin Sam,patawarin mo sila.''wika ni Halina sa mapapaiyak na si Sam.

''Mapapatawad ko lang sila kung tatanggapin mo ako sa buhay mo Halina.''wika ni Sam sabay tingin ng deretso sa mga mata ng dating asawa.

''Wala na si Liway,ibinigay niya ang buhay niya sakin.Malaya na ako Sam,malaya na ako na mahalin ka.''wika ni Halina sa hindi makapaniwalang si Sam,dahan dahan niyang ilalapit ang sarili kay Halina sabay yakap ng mahigpit sa asawa.

''Ito na ang pinaka maligayang parte ng buhay ko,magsisimula ulit tayo.Ikaw ako at si Ningning,bilang isang pamilya.''wika ni Sam sa nakayakap na asawa.

Nang gumaling sina Sam at Ningning ay pormal na pinakilala ni Halina ang mag ama sa isat isa.Nahuli rin si Candice at naipakulong sa kasong isinampa ni Halina sa kanya.Sa Mindoro tumira ang pamilya nina Halina at Sam at bumuo ng charity organization sa mga Mangyan na nagkawatak watak ng paalisin ng gobyerno sa kanilang lupa.Naging masaya ang buhay nila Sam at Halina,na muling nagpakasal at masayang nagsama hanggang sa kanilang pagtanda.

THE END

BABAENG PUTIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon