Chapeter 5

512 15 0
                                    

Sa isang simpleng bahay titira sila Sam at ang asawa nitong Mangyan na si Halina kasama ang mga batang ka tribu na mga ulila sa amat ina.Hindi man naging madali at nanatiling Masaya at payapa ang buhay nila ng biglang may dumating na sitwasyong magpapabago sa mga buhay nila.

‘’DSWD kamo?teka bakit andito kayo?’’tanong ni Sam ng may mga babaeng taga DSWD ang dumating sa pamamahay nilang mag asawa.

‘’May nakapag sabi na nagkakanlong kayo ng mga batang Mangyan na mga ulila sa bahay ninyo.Sir unless na may kaukulang dokumento kayo sa mga bata at pwede niyong kupkupin ang mga batang ito.’’wika ng babae na ikinagulat ni Sam at agad naisip ang inang si Martha na may kagagawan ng pagsumbong sa mga kinauukulan.

‘’Mahal anong ibig nilang sabihin sa dokumento?’’tanong ni Halina sa asawa na napakunot ang noo habang kausap ang babae.

‘’Hindi pwedeng tumira sa atin ang mga batang katribu dahil wala daw kaukulang dokumento na nagsasbing may karapatan tayong kupkupin sila dito.’’wika ni Sam na sumakit ang ulo sa panibagong problemang kinakaharap nilang mag asawa.

‘’Kailangan na naming kunin ang mga bata,isa ka bang katribu nila?Pasencia na pero kailangan niyong mag asawa mag file ng kaukulang dokumento bago magpalaki ng mga bata.Napag alaman din namin na napatay ang mga magulang nila kaya naman vital witness din sila sa kasong isinampa ng isang Liway sa dati niyong bayan.’’wika ng babae na ikinagulat ni Halina.

‘’Sinabi niyo bang Liway?buhay si Liway?’’tanong ni Halina na d makapaniwalang buhay pa ang dating katribu na nakatakda sanang ipakasal sa kanya.

‘’Oo sige mauna na kami,maari niyo namang bisitahin ang mga bata sa tanggapan namin.’’wika ng babae sabay kuha sa mga bata na ayaw sumama at lumuluha.

‘’Ate Halina ayaw po namin sa kanila,huwag niyo po kaming ipamigay!’’umiiyak na wika ng batang mangyan sa lumuluhang si Halina.

‘’Sam!sam maawa ka wag mong hayaang kunin nila ang mga bata!’’wika ni Halina sa walang magawang asawa.

‘’Wala akong magagagwa Halina,nasa batas ang pagkuha sa kanila.Hayaan mo pag nakakuha ako ng malaking pera kukunin natin sila pangako!’’wika ni Sam na hahawakan ang asawa na gustng sumama sa mga batang ka tribu niya.

‘’Ate Halina!ate!ate wag niyo kaming ipamigay!ate!’’sigaw ng mga bata habang nasa loob ng sasakyan at walang patid ang pagluha.

‘’Mga bata!wag!wag niyong kunin ang mga bata’’umiiyak na wika ni Halina habang hawak ng kanyang asawa.

Humagulhol sa kakaiyak si Halina habang pinagmamasdang umaadar paalis ang mga batang katribu niya.Si Sam naman ay mapapasuntok sa pader sa galit habang iniisip ang ina na may pakana ng pagkuha ng mga bata sa poder nilang mag asawa.

‘’Tama na mahal ko,tara na pumasok na tayo.’’wika ni Sam na aalalayan ang asawa papasok sa bahay nila.

‘’Sabi mo hinding hindi mo sila ipamimigay?sabi mo aalagaan mo sila!ituturing na pamilya...bakit Sam?bakit mo hinayaang kunin nila ang mga bata?’’wika ni Halina habang sumasakit naman ang ulo ni Sam na agad mapapataas ng boses sa aknyang asawa.

‘’Tama na Halina!ang skit skit na ng ulo ko kakaisp san ako kukuha ng pera pambuhay sayo at sa mga batang katribu mo!Hindi ko alam pano ko sila makukuha dahil ang kalaban natin ay ang batas HALINA!Iba ang tribu niyo sa tunay na mundo,kaya intindihin mo naman ako!ginagawa ko naman ang lahat para mapasaya kayo!mapasaya ka!dahil mahal na mahal kita1’’wika ni Sam na mapapaupo at hahawakan ang sumasakit na ulo nito.

Natigilan si Halina,agad nitong napansin ang nangangayat na asawa.Malaki ang pinagbago nito simiula ng mapalayas sila sa villa.Nakaramdam siya ng awa ng maisip ang mga nagawa ni Sam para sa kanya, para sa mga batang mangyan na inaruga nila.

‘’Patawad mahal ko,naging makasarili ako!tama na wag ka ng magisip.’’paglalambing ni Halina sa mapapayakap na asawa.

‘’Patawad Halina,hayaan mo luluwas ako ng Manila at gagawa ako ng paraan para magkapera at makuha ang mga bata.’’wika ni Sam sa tila nahahabag na si Halina.

‘’Wag ka munang mag isip,saka wag mo akong iwan.Wala na nga ang mga bata pati ba naman ako ay iiwan mong mag isa.’’wika ni Halina sa asawang minamahal niya.

‘’Hindi!ofcourse hindi...hmmm gusto mo bang sumama sa akin ,para kahit papaano makita mo naman ang lugar kung saan ako ipinanganak at makapag libang.’’wika ni Sam sa mapapangiting si Halina.

‘’Ok sige sasama ako!’’wika ni Halina na medyo nakalimutan ang mga problema sa pagkawala ng mga batang katribu niya.

Napakalaki ng Manila,nakakamangha ang mga matataas na building at mga kagamitan bago sa mata ng Mangyan na si Halina.Sa isang condo unit dadalhin ni Sam ang asawa at halos lumuwa ang mata ni Halina sa taas ng building at ganda ng view ng Manila.

‘’Tatawagan ko muna si Dave try ko na makahiram ng pera sa kanya.’’wika ni Sam na agad kinontak ang mga taong kakilala habang si Halina naman ay namamangha sa tanawin sa may bintana.

Kahit papaano ay nakautang si Sam ng pera ngunit hindi sapat iyon para makuha ang mga batang Mangyan na gusto nilang bawiin sa DSWD.Kaya naman pansamantala ay nilibang niya si Halina sa mga pasyalin sa Manila.Tuwang tuwa ito sa mga hayop sa zoo at mga rides sa mga mall at ng minsan pumunta ito sa MOA ay niyaya siyang mag ice skating ni Sam na talagang ikinatuwa ni Halina.

‘’Hahaha sa una lang yan masasanay ka rin,sige tayo na mahal ko hahawakan kita para d ka madulas.’’wika ni Sam na hawak ang bewang ni Halina habang nag ice skating sa madulas na rink sa Moa.

Nang matapos ay sa isang magarang resto kumain ang dalawa.May mga babaeng pinagtitinginan silang dalawa dahil sa kakaibang morenang kutis ni Halina at ganda nito na parang model lalo nat binihisan ni Sam ng mga magagandang damit at alahas kaya naman hindi halatang isa siyang Mangyan.

‘’Sam!hi wow is that ur wife?ung sinasabi mo sa akin?’’wika ng isang lalakeng kakilala si Sam na agad lalapitan at mapapamangha sa asawa ng kaibgan.

‘’Yes this is Halina,Halina siya nga pala si Lim friend ko.’’wika ni Sam sabay ngiti ni Halina sa kaibgan ng asawa niya.

‘’Mukha siyang model ah?well I just met ur mom sa store kanina...ooops nasa likod mo nap ala.’’wika ni Lim sabay turo kay Martha na nasa likod nap ala nilang mag asawa.

‘’Ang Mangyan na binihisan ay andito na pala sa Manila?hmm so my dear son nakauwi ka nap ala ng d kami binibisita ng iyong ama?’’wika ni Martha sabay tingin mula sa ulo hanggang paa sa nakabihis ng maganda na si Halina.

‘’Were going ayokong makipag talo sayo Ma.’’wika ni Sam nag alit sa ina ng biglang hawakan ni Martha ang mga kamay ni Halina.

‘’Ikaw pakisabi sa asawa mo na kailangan siyang kausapin ng ama nto,galit siya sa akin at d siya makikinig at kung talagang may respeto ka sa akin ay gagawin mo ang sinasabi ko.’’wika ni Martha kay Halina na agad guguyurin ni Sam papalayo sa kanya.Isang mala demonyong ngiti ang makikita sa mga labi ni Martha habang pinagmamasdan ang anak na umalis kasama ang kinamumuhiang manugang na si Halina,at isang plano ang nabuo sa utak nito,plano na paghiwalayn ang anak at ang asawang Mangyan na mula sa Mindoro.

Itutuloy

BABAENG PUTIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon