Sa isang communidad sa kabundukan ng Mindoro makikita ang grupo ng mga Mangyan na tahimik na namumuhay dito.Isang inaasahang bisita ang pinagdiriwang ng tribong Amburao kung saan isang Mangyan at nakapagtapos ng kolehiyo sa bayan.
‘’Ipinagmamalaki ka naman Liway dhil nagawa mong makamtan ang dunong na siyang tanging yaman na maari mong dalhin san ka man pumaroon.’’wika ng pinakamatandang Amburao sa binatang si Liway.Lihim na mapapatingin si Liway sa pinakamagandang Mangyan sa kanilang tribu na si Halina na nooy masayang nakikipag laro sa mga kabataan.
‘’Mabuti pa ay simulan natin ang pasasalamat sa ating poon.’’wika ng Ina ni Liway na nagpakatay ng 2 baboy at sampung manok ng makapag tapos ang anak nito sa kolehiyo.
‘’Nakapag tapos na si Liway at sinabi skn ng kanyang ina na si Marikit na balak daw nilang umakyat ng ligaw para sa iyong kamay.’’wika ng ina ni Halina sa mamumulang dalaga.
‘’Inay kailangan po bang mag asawa ako agad? Balak ko rin po sanang magpatuloy sa aking pag aaral para hindi nakakahiya sa aking mapapangasawa.’’wika ni Halina sa malulungkot na ina.
‘’Kung hindi sana mahina ang ulo mo ay maari nmn ngunit ilang taon kang nanatili sa grade three ni pagbasa at pagsulat ay hirap kang aralin anak.Makuntento ka nalang sa pagpapakasal sayo ni Liway at siya ang makakaahon sayo sa hirap.’’wka ng kanyang ina sa malulungkot n dalaga.
Naging Masaya ang pagtitipon at pagsasya ng buong tribong Amburao at sa kabila ng kasiyahan at lalapitan ni Liway ang dalagang kanyang minamahal.
‘’Kapag nakapasa ako ng board exam sa pag guguro ay magpapakasal na tayo Luningning at dun ka na titira sa bayan kasama ko.’’wika ng nakangiting si Liway sa dalagang tahimik lamang na nakikinig sa binatang sa kanyay nagmamahal
‘’Salamat at sa dinami dami ng kadalagahan sa ating tribu ay ako ang napili mo upang mapangasawa.’’tipid na wika ni Halina sa binata habang ang isip ay sa mga bagay na hindi tungkol sa kasal nila.
Dumating ang araw ng pagkuha ng board exam ni Liway kaya naman lumuwas ito ng bayan upang akapag handa sa pagsusulit.Nang umagang iyon ay dumating ang mayor ng nayon kasama ang iilang mga mayayamang negosyante na ang layunin ng pagbisita sa tribu ng mga Mangyan ay kausapin silang umalis sa lupang nabenta na upang gwng golf resort ng mga kasama nitong negosyante.
‘’Ngunit saan kami pupunta mahal na punong bayan? Ang kagubatan na ito ay an gaming tahanan.’’wika ng pinunong matanda sa mayor at mga kasama nitong mayayaman.
‘’May isang maliit na pook sa bayan na inihanda bilang inyong relocation,mayroon din kayong matatanggap na trabaho sa resort ng mga kasama kong negosyante para maging maayos ang buhay niyo sa nayon.’’wika ng mayor sa tila mapapaisip na matandang Mangyan.
‘’Iyay mga huwad na pangako lamang,marami sa aming mga kalahi ay nagpa gala gala na lamang sa lansangan sa bayan matapos niyong ariin ang kanilang mga lupa.Nagmamalimos ng makakain sa mga kapwa niyong mga edukado at may kaya.Hindi ko maatim ma maging ganun ang kinabukasan n gaming tribu kaya hindi kmi aalis sa lugar nato.’’wika ng matandang Mangyan sa pinunong bayan.
Habang nag uusap ang mga pinuno at matatanda sa mayor at mga negosyaten si Luningning na nooy katatapos lamang maglaba ay biglang makakabunggo ng isang matangkad,matipuno at gwpong lalake.
‘’Im sorry Miss,tulungan na kita.’’wika ng binata kay Halina na ngaun pa lang nakakita ng isang taong d nila kakulay at isang dayuhan sa kanilang maliit na komunidad.
‘’Ako na ginoo.’’matipid na wika ni Luningning ng kunin ang mga labahan sabay lagay sa bandera at pasan sa ulo nito.
‘’Ako si Sam anong pangalan mo?’’tanong ng binata sa tila nahihiya na si Halina.
‘’Halina!isampay mo na ang mga labada.’’matigas n autos ng ina ni Halina sa dalaga ng Makita itong nakikipag usap sa dayuhang binata.
Agad susundin ni Halina ang utos ng ina habang ang mga mata naman ni Sam ay nakatingin sa papaalis na si Halina.Natapos ang pagpupulong ng mga pinuno ng tribu at ng mayor ngunit sa huli d pumayag ang mga ito na umalis sa kagubatan.
‘’Mabuti na pong maaga pa lang alam niyo na pagmamay ari ng gobyerno tong lupang tinitrhan niyo.Kaya sa ayaw niyo man o hindi ay paalisin namin kayo dito.’wika ng mayor sa mga mangmang na tribong Mangyan na kausap nito na nabahalasa sa sinabing iyon ng Mayor.
‘’Papaano niyong nagawang maibenta ang lupang ito gayong sa gobyerno pala?protected ng DENR ang lugar namin pano niyo nagawang private lot ito!’’wika ni Liway na kadarating lamang ng maudlot ang pagsusulit sa pagiging guro niya.
Natahimik ang mayor at tiningnan mula sa ulo hanggang paa ang nakabihis na mangyan na tila ba ay alam ang sistema ng batas ng bansa.Magugulat din ang mga mayayaman na agad napatingin sa mayor ng malamang ang lupang binebenta sa kanila ay hindi isang private lot.
‘’Mukhang isang Mangyan na may alam ang binatang ito mga kaibgan,ngunit kahit anong bihis mo kung nasa ilalim ka ng mga paa ko balewala lang yan iho.’’wika ng mayor sabay senyas sa mga kasama na umalis na sila.
‘’Maliit man akong tao pero d ibig sabihin pwede niyo ng maliitin at laitin ang mga tulad ko.’’wika ni Liway sa mayor na titingnan siya ng masama sa mga mata at sabay talikod paalis ng kagubatan nila.
‘’Liway mabuti na lamang at bumalik ka!Hindi nasayang ang pag aaral mo sa bayan dhil nagawa mong maipaglaban ang iyong kalahi at katribong mga abang mangmang lamang.’’wika ng matandang Mangyan na maluluha sa pasasalamat sa binata.
‘’Habang andito ako amang walang sino mang pwedeng umapi sa ating angkan.’’wika ni Liway habang nakatingin naman si Halina kay Sam na kikindatan siya ng paalis na ito kasama ang ama.
Itutuloy