Hindi makapaniwala si Candice at Sam sa Halina na nakikita nila sa mga oras na iyon.Dahan dahang lalapitan ni Sam ang photo shoot ng dating asawa ng biglang pigilan ni Candice.
‘’She is not Halina lets go.’’wika ni Candice na tila kinakabahan na Makita ang asawang Mangyan ng ex bf nitong si Sam.
‘’Siya ang asawa ko,bitiwan mo ako.’’wika ni Sam na agad pupuntahan si Halina na nooy katatapos lang magpose sa pictorial nito.
‘’Halina mahal ko,matagal kitang hinanap alam mob a?’’wika ni Sam na agad yayakapin si Halina na mapapatingin sa paparating na si Candice na may masamang titig sa kanya.
‘’Anong kailangan mo Sam?’’tanong ni Halina na tila malamig ang pakikitungo sa kanyang asawa.
‘’Halina saan k aba nagpunta?Mahal ko kung pinagmalupitan ka nila Mama noon ako na ang humihingi ng tawad sayo.Saan k aba nagpunta at nasan ang anak natin?’’tanong ni Sam sa asawang Mangyan.
‘’Lumayo ako para kalimutan ka,ikaw at ang pamilya mong walang kwenta.Sa tingin ko naman na ok ka knowing na andyan ang isang desperadang tulad ni Candice na patay na patay sayo at gagawin ang lahat makuha ka.’’wika ni Halina sabay tingin ng masama kay Candice.
‘’Wow nabihisan lang ng magandang damit naging palaban na.Isa ka paring Babaeng Putik,walang pinag aralang babaeng napulot lang sa bundok ni Sam.’’wika ni Candice ng biglang humalakhak ng malakas si Halina na ikinagulat niya.
‘’Candice my dear is that a sign of insecurity? You may fool the world with your Angelic face but not me my dear. Oh did I mention that I just filed a case against you regarding of my rape case and human trafficking? I cant wait to see you rot in jail Candice so if I were you ill start praying and ask for my forgiveness.’’wika ni Halina na may British accent na ikinagulat nila Sam at Candice.
‘’Rape Case? Human trafficking? Anong ibig mong sabihin Halina?’’tanong ni Sam sa asawa na agad ituturo si Candice na tila namutla sa paratang ni Halina sa kaniya.
‘’Shes a liar!Galing mo ring gumawa ng kwento ano? Bat hindi mo nalang sabihin na may lalake ka kaya mo iniwan ang iyong asawa.Hindi mo ako masisindak sa British Accent mo dahil kaya kong patunayan na mali ang mga paratang mo.’’wika ni Candice na mapapatingin kay Sam na noon pa man nagdududa na may kinalaman ang dating nobya sa pagkawala ng kanyang asawa.
‘’I knew it! Ikaw! Ikaw at si Mama ko ba ang gumawa ng kahalayan sa asawa ko ha!Huwag mo akong hawakan! Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang pamilya ko!’’wika ni Sam ng hawakan siya ni Candice at pinipilit na sabihing wala siyang kinalaman sa pinagsasabi ni Halina.
‘’Sam! Naniniwala k aba talaga sa sinungaling nay an? Saka bakit ngaun lang niya sinasabi yan bakit hindi pa noon.Bakit naghintay siya ng ilang taon bago kayo harapin at kung hindi natin siya nakita dito sa tingin mo masasabi niya yang mga kwento niya sau? Kung gusto ka talaga niya balikan dapat dati pa! Mag isip ka nga Sam.’’wika ni Candice na akmang tatalikuran si Sam ng biglang hawakan sa kamay ni Halina.
‘’Simple lang naman ang sagot dba Candice?Dahil gusto niyo akong idespatsa! Kaya ako tumakas dahil kukunin niyo sa akin ang anak ko at ipapapatay o ibebenta sa casa.Bakit hindi ako nakabalik? Dahil dito! LOOK AT ME CANDICE! Hindi na ako ang pipitsuging MANGYAN na pwede mong alipustahin.Magkalevel na tayo! Ay hindi mas mataas pa ako sayo.You cant hurt me now Candice,at lahat ng ginawa mo sa akin, lahat lahat ng iyon IBABALIK KO SAYO!’’sigaw ni Halina sabay tulak papalayo kay Candice na nagulat sag alit na pinapakita ng karibal niya.
‘’Eh di balikan mo,I DARE YOU.’’wika ni Candice na agad mag wa-walk out at iiwanan sina Sam at Halina na magkakatinginan.
‘’Halina im sorry, im sorry hindi kita na protektahan..ikaw..kayo ng anak natin.Halina namiss kita….sobrang nangulila ako sayo alam mob a? halos mabaliw ako kakahanap sayo.’’wika ni Sam na akmang yayakapin si Halina ng pigilan niya ito.
‘’Umalis ka na Sam,hindi pa ako handang harapin ka.Marami na ang nagbago at masyadong masakit ang nangyari sa akin para tanggapin kita ng ganun lang.My P.A will get your number sa susunod na tayo mag usap.’’wika ni Halina na tatalikuran ang dating asawa ng hawaka nito ang kamay niya.
‘’Halina mahal na mahal kita.’’wika ni Sam ng biglang may kamay na humawak sa balikat niya.
‘’Anong ginagawa mo sa asawa ko?’’tanong ni Liway ang Mangyan na nakatakdang ipakasal kay Halina at tumulong sa kanya ng tumakas ito sa bahay ng mga magulang ni Sam.
‘’Asawa? Nagkakamali ka ata, asawa ko si Halina.Kasal kaming dalawa!’’wika ng tila nagulat na si Sam kay Liway na mapapatingin sa natahimik na si Halina.
‘’Ikaw pala ang walang kwentang si Sam,hindi mo na siya asawa.Ako na ang bagong asawa niya kaya tigilan mo na siya pwede ba.’’wika ni Liway sa nagulat na si Sam.
‘’Aba hindi pwede yan dahil kasal kami sa batas,Halina sabihin mo nga dito sa katribo mo kung ano ako sa buhay mo.’’wika ni Sam kay Halina na unti unting haharap kay Sam at titingnan siya ng deretso sa mga mata.
‘’Liway siya si Sam,ang lalaking sumira ng buhay ko.Sam siya si Liway ang lalaking nag aruga,nagmahal at kumalinga sa akin mula pa noon hanggang ngaun.’’wika ni Halina sabay lapit kay Liway na agad niyang hahalikan sa labi na ikinagulat ni Sam.
‘’Hindi to totoo,ginagawa mo lang ito para saktan ako.Halina minahal din naman kita diba? Halina hindi kita sinaktan,ung mga magulang ko at si Candice nagawa ka nulang pahirapan pero kung andun ako…kung andun ako hindi ko hahayaang mangyari lahat ng iyon sayo.’’wika ni Sam sa tila sarado ang puso na si Halina.
‘’Kung andun ka pero wala dba? Nangyari na ang lahat Sam,naghirap ako at nagdusa sa kamay ng pamilya mo.Sa tingin mo madali lang kalimutan un? Masaya na ako sa piling ni Liway at kung mahal mo ako hindi mo na guguluhin pa ang buhay ko.’’wika ni Halina na agad tatalikuran at hihilahin si Liway papalayo sa kanya ng habulin sila ni Sam.
‘’Pre pwede tigilan mo na kami.’’wika ni Liway ng harangin niya si Sam na papalapit kay Halina.
‘’Pre wag kang makialam dito usapang mag asawa to.’’wika ni Sam na pilit tinutulak papalayo si Liway para makausap at maharap si Halina.
‘’Ang kulit mo ah! Eto sayo!’’wika ni Liway na agad susuntukin sa nguso si Sam.
‘’Liway tama na!’’wika ni Halina na agad pipigilan si Liway habang duguan naman ang nguso ng kanyang asawa.
‘’Sam umalis ka na please lang hindi ito ang tamang panahon na mag usap tayo.’’wika ni Halina ng biglang hilahin papalayo si Liway habang nanghihina naman si Sam na uupo sa sahig na pinagbasakan niya.
‘’Anong hindi pa tamang panahon ha Halina? Huwag mong sabihin sakin balak mo pang kitaan ang hayup na un ah!’’wika ni Liway kay Halina ng nakalayo na sila kay Sam.
‘’Hindi ito ang huling beses na magkikita pa kami Liway,kailangan kong tuldukan ang nakaraan naming at may karapatan siya kay Luningning na anak naming.’’wika ni Halina kay Liway na tila nasaktan sa sinabing iyon ng iniibig niya.
‘’Ako? Ako wala ba akong karapatan kay Ningning kay Halina? Parang anak na rin ang turing ko sa kanya,kailangan mo pa bang ipakilala ang bata sa walang kwenta niyang ama?’’tanong ni Liway kay Halina na ramdam na nasasaktan ang lalaking walang ibang ginawa kungdi ang mahalin siya.
‘’Liway ikaw ang pinili ko,wala kang dapat ipag aalala dahil hindi ko na mahal ang asawa ko.Gusto ko tapusin ang meron sa aming dalawa para maging legal na an gating pagsasama.’’wika ni Halina kay Liway sabay hawak ng kamay niya.
‘’Hindi ko alam Halina,pakiramdam ko kasi…pakiramdam ko na mahal mo pa si Sam.Ako nga pinili mo pero kung hindi nangyari sayo ang mga paghihirap sa kamay ng mga magulang ni Sam pipiliin mp ba ako?’’tanong ni Liway sa tila hindi makapag salita na si Halina na pipiliing manahimik na lamang habang iniisip kung kmusta na ba ang kalagayan ng asawang si Sam.
Itutuloy