Chapter 12

446 11 0
                                    

Simula ng Makita ni Candice si Halina at nagbanta na kakasuhan siya matapos ang ginawang mga kalupitan nito at ng mga magulang ni Sam sa kanya ay hindi na mapakali ang dalaga.Agad niyang pinuntahan ang mag asawang Martha at Richard, mga magulang ni Sam para kausapin sila tungkol sa nagawa nilang pagkakasala noon kay Halina.

‘’Buhay pa pala ang mangyan na un,sana ipinapatay ko nalang siya para hindi tayo ngaun nagkaproblema.’’wika ni Richard habang katabi ang wheelchair kung nasan nakaupo ang nai stroke na si Martha.

‘’Kailangan nating gumawa ng paraan para hindi tayo malagay sa alanganin Tito.Problema pa natin si Sam andun siya ng isiwalat ni Halina ang tungkol sa ginawa natin sa kanya.’’wika ni Candice sa mapapaisip na si Richard.

‘’Dont worry about him ang mahalaga ngaun ay ang pag dispatya natin kay Halina.Nalaman mob a kung nabuhay ba ang apo ko sa kanya? Kailangan kong malaman para mabawi ang bata at baka magamit din natin ito laban kay Halina.’’wika ni Richard kay Candice na nagustuhan ang plano ng matanda.

‘’Hindi ko alam kung buhay ba dahil hindi ito masyadong nabanggit ni Halina.Isa lang ang alam ko hindi na siya ang dating Halina na kilala natin Tito.May pera na siya at sikat na sa bansang ito kailangan kong gumawa ng paraan para bumaba siya sa kanyang kinalalagyan in this way madali lang para sa atin na madispatcha siya in case na ituloy niya ang demanda.’’wika ni Candice na agad naisip ang nakuhaang video ng pang hahalay ng mga tauhan ni Richard kay Halina.

‘’Gawin mo ang sa tingin mo ay tama iha u have my full support.’’wika ni Richard ng biglang hawakan sa kamay ni Martha sabay iling sa asawang matanda.

‘’Hu…wag….hu…waag na.’’wika ng nauutal na si Martha na tila tumututol sa masamang plano ng asawa at ni Candice kay Halina.

‘’Hindi ata pumapayag si Tita sa plano natin Tito.’’wika ni Candice habang nandidiring nakatingin sa tumutulong laway na si Martha na tutol sa masamang plano nila laban kay Halina.

‘’This is our only way Martha para hindi tayo madiin ni Halina,our name is at stake kaya kailangan natin tong gawin.’’wika ni Richard na hahalikan sa noo ang umiiyak na si Martha na nagsisisi sa mga nagawa nitong kasamaan sa manugang na si Halina.

Samantala makikitang hindi nagkikibuan si Liway at Halina ng nakasakay na ito sa kanilang magarang sasakyan.Ramdam ni Halina ang pagseselos ni Liway ng muling umeksena sa kanilang buhay ang dating asawang si Sam.Hindi niya alam kung pano kakausapin ang lalakeng sumagip sa kanyang buhay at naging mabuting asawa at ama sa anak nila ni Sam na si Luningning.

‘’Im sorry kung naging bayolente ako kanina sa dati mong asawa,inaamin ko nagselos talaga ako ng Makita kong nagkasama muli kayo.’’wika ni Liway na hahawakan ang kamay ng kapwa Mangyan na si Halina.

‘’Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Liway, gusto ko malaman mo na ikaw ang mahal ko at si Sam ay parte na lamang ng nakaraan na pilit kong kinakalimutan.Huwag ka ng magselos ok? Love you Asawa ko.’’paglalambing na wika ni Halina sa mapapangiting si Liway na hahagkan ang minamahal na asawa.

‘’Ikaw ang buhay ko Halina,ikaw at si Ningning kaya huwag ka sanang mawawala sa akin ha?’’wika ni Liway na hahalikan sa mga labi ang asawang si Halina.

Sa mga sandaling iyon habang naglalapat ang mga labi nila ni Liway ay sasagi sa isip ni Halina ang dating asawa na si Sam.Si Sam ang unang lalaking inibig nito at ipagkailan man ng utak niya hindi naman maitatanggi ng puso na mahal parin niya ito.


‘’Pa! Pa asan kayo!’’sigaw ni Sam ng dumating ito sa mansion ng mga magulang na galit na galit na si Sam.

‘’Alam ko ang ipinunta mo dito Sam at ako na mismo nagsasabi na nagsisinungaling ang asawa mong Mangyan.’’wika ni Richard ng lumabas ito ng kwarto matapos patulugin ang asawang si Martha.

‘’Hindi ako naniniwala sa inyo! Bakit niyo nagawa sa asawa ko yan Pa? What has she done to you para lang saktan niyo siya!’’wika ng galit na galit na si Sam ng hawakan sa kwelyo ng kanyang Papa.

‘’Makati ang asawa mo kung ayaw mong paniwalaan kaming mga magulang mo at mas pinaniniwalaan ang isang babaeng putik tulad ng Mangyan na yan pwes kalimutan mo na ang ugnayan natin bilang pamilya mo.’’wika ni Richard na agad bibitiwan ang anak na si Sam.

‘’Aalamim ko ang totoo at pag nalaman ko na totoo ang sinasabi ni Halina ako mismo ang magbibigay ng katarungan kay Halina kahit kayo pa ang makalaban ko Pa.’’wika ni Sam na tatalikuran ang nang gagalaiti sag alit na ama niya.

‘’Kung makakakuha ka ng ebidensiya dahil bago pa man mangyari un patay na ang pinakamamahal mong si Halina.’’wika ni Richard na agad tinext ang dating mga tauhan nito upang hanapin at ipapatay ang manugang nitong mangyan na si Halina.


Walang kaalam alam sina Halina at Liway sa masamang plano ni Candice at Richard sa kanila.Isang linggo matapos ang pagkikita nila Candice at Halina ay agad lumabas ang sex scandal ng panghahalay sa top model na si Halina sa mga internet sites at social media.Pinagpyestahan ng publiko ang video at nagkaroon ng negatibong komento sa papasikat na modelong taga Mindoro.

‘’Nagumpisa na sila Halina,anong balak mo?’’tanong ni Liway sa asawang si Halina na galit nag alit sa ginawa ni Candice sa buhay niya.

‘’Gusto talaga niya ng gulo pwes ibibigay ko sa kanya.’’wika ni Halina na agad iisip ng paraan para magantihan ang demonyong babaeng sumira sa buhay niya.

Itutuloy

BABAENG PUTIKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon