Vince's PoV
Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaming apat sa gymnasium para sa basketball practice, nandon din ang cheerdancers at badminton players. Nasa field naman ang mga player ng soccer at volleyball.
"Hanep. Ang ganda talaga ni Reileigh." sabi ni Steve, sino pa ba?
"Chicks na naman Gabi! Grabe ka talaga." iiling-iling na sabi naman ni Cloud.
"Hoy Ulap, 'wag mo nga akong tawaging Gabi tsaka pinupuri ko lang naman si Reileigh ah? Grabe, bagay talaga sa kaniyang maging cheerleader." pagpapantasya na naman ni Steve.
"Speaking of chicks mga dre, kayo ba Vince at Pula eh mga bading?" biglang tanong ni Cloud na pabulong.
"Sinong bading? Eh mas malakas pa nga kaming makahatak ng babae kaysa sainyong dalawa." biglang pagyayabang ni Red.
Ganiyan talaga siya, minsan tahimik pero mayabang din.
"Whoah, com'on dude, 'wag ka ngang magpatawa." kontra naman ni Cloud.
"Eh bakit hindi na lang natin daanin sa game kung sino talaga ang pinakagwapo." suhestiyon ni Steve.
"Cool nga 'yun dre, 2 vs 2 at kung sino ang may pinakamalakas na cheer, siya ang pinakagwapo." dagdag ko.
Sa kabila ng mga kalokohan ni Steve, siya ang pinakamagaling sa basketball kaya ganon na lang ang ngiting tagumpay nito sa naisip.
"Ano? Tara?" ganadong tawag sa'min ni Steve na noon ay hawak na ang bola.
"Coach, pwede bang kaming apat muna ang maglaro?" tanong ni Red kay Coach Jin.
"Anong kalokohan na naman 'to Morillo?" tanong rin ni Coach.
"Coach naman, part of practice lang 'to kaso may twist." si Steve ang sumagot.
"Hala sige na! Guys, tama na muna iyan. Magpahinga na kayo at panooring magpasikat ang apat na 'to." sabi ni coach sa team mates namin.
Nag-umpisa ang game, si Steve ang unang nakascore tulad ng inaasahan. Kakampi niya naman si Cloud.
"Kyaaaaaaaaaaaah." hiyaw ng mga nanunuod na cheerdancers
Napangisi si Steve pero bago niya pa maishoot ulit ang bola ay naagaw na 'yon ni Red.
"Not so fast dude." rinig kong sabi ni Red dito.
Agad tumakbo si Red at naishoot ang bola.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! We love you Prince Red." tilian ng mga babae.
Napunta naman kay Cloud ang bola pero dahil mas mabilis ako kumpara sa kanila, naagaw ko agad ang bola at naishoot.
Nagtilian ang mga babae at pati ang ilang team mates namin na nandon ay nagcheer.
"Go Vince!" sigaw ng mga team mates namin sa basketball.
"Prince Vince, ang galing mo. Kyaaaaaaaaaaaah! How to be yours?"
Kahit OA ang mga reaksiyon nila ay lalo lang akong napangisi kay Steve.
Bigla naman itong nagseryoso at lumamang ng score. Hindi kami nagpatalo ni Red pero sa huli ay lamang pa rin ng four points sina Steve at Cloud kaya nanalo sila.
"Nice game bro!" tinapik ko ang balikat ni Steve.
"You see? Panalo kami." pagyayabang niya.
"Pero hindi 'yon ang usapan, remember?" pagpapaalala ni Red.
"Ang masasabi ko lang, magaling ka Steve at matalino ka naman Cloud. Panalo kayo sa laro pero mas gwapo pa rin kami ni Red hahahah." tinawanan ko siya ng may pang-aasar.
"Psh. Kulang kasi ang supporters namin ni Ulap na nandito." pagdepensa ni Steve.
"Traydor kasi yung mga team mates natin, hindi naman sila kasali sa dapat magcheer." Nakasimangot na sabi Cloud.
"Hahahah. Tara nang umuwi." aya ko sa kanila.
"Mauna na kayo, babalikan ko pa sa music room ang gitara ko." paalam ni Red.
"Huh? Eh sa second floor pa 'yon ng bulding natin ah! Babalik ka pa?" sabi ni Steve.
BINABASA MO ANG
Everything about Miss Runaway
Teen FictionMystery... Questions... Love... Pain... Tears... What will be the end? "You will find out soon." ~~Zen Sophia Cruz This story is just a work of my wide imagination. Containing typos, wrong grammar and spelling, so if you're a professional, better ye...